Chapter 17

14.8K 294 7
                                    

Fire Alexandra POV

"Sino ka rin ba sa buhay niya" nakangisi ngunit malamig na sabi ni Triev.

"hwag mong ibalik sa akin ang tanong" seryosong sabi ni Gab.

"answer me. sino ka ba sa buhay ni Fire at ganyan ka kung umasta" pagpapatuloy niya. Napahigpit na rin ang hawak niya sa kamay ko. Aaminin kong nasasaktan na ako dahil sa higpit ng pagkakahawak nilang dalawa sa kamay ko. Sigurado akong namumula na ito.

Pinili ko na lamang na tumahimik dahil alam kong pag sinabi kong bumitaw na sila at hindi nila ako papansinin.

Tinignan ko si Triev na ngumisi.

"you really want to know huh? but after I say who I am in Fire's life stay away from her." seryoso niyang sabi. Mas lalo akong kinabahan at napatingin na rin ako kay Gab na hindi umiimik.

"I am Fire's husband and we are married  for almost five years. Now let go of her hand and let us leave." malamig na sabi ni Triev. Hindi ko inakalang sasabihin niya talaga kung anong meron kami.

Tinignan ko si Gab na gulat na gulat ang reaksyon. Tinignan niya ako at sinabing ..

"He's joking right?" di makapaniwalang sabi niya sa akin. Napayuko ako at napahinga ng malalim. Ramdam ko ang panginginig at panlalamig niya dahil hawak parin niya ako. Tinignan ko siya ng seryoso at sinagot.

"Gab... he's not joking. He's really my husband. Ito rin ang isang dahilan kung bakit hindi kita pinayagang ligawan mo ako dahil may asawa na ako. I'm really sorry Gab. Sana maintindihan at mapatawad mo ako." sabi ko habang nakatingin ng deretso sakanya. Dahan dahan niyang binitawan ang kamay ko at tumingin sa akin ng seryoso.

"I'm sorry s-sir and Fire... i-its ok.. don't be sorry. I-I understand you."

"Siguro naman alam mo na kung saan ka lulugar" pagkatapos sabihin iyon ni Triev ay agad niya akong hinila paalis.

"Triev baka naman pwede mong luwagan yang pagkakahawak mo sa kamay ko. Masakit na." sabi ko dahil kanina pa siya nakahawak ng mahigpit sa kamay ko. Hindi niya ako pinansin at nagtuloy tuloy lang siya.

"Triev wuy!" pero dinededma parin niya ako.  Para na nga akong maiiyak sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa aking kamay.

"hubby! masakit na!" sigaw ko. Napatingin naman siya sa akin at nginisian ako bago luwagan ang pagkakahawak sa akin. Kaya naman pala! grr! bwesit siya.

"call me hubby instead my name ok wife" panunukso pa niya. Inirapan ko na lamang siya at di na ako umimik pa.

Pagdating namin dito sa parking lot ay agad kaming lumapit sa kotse niyang kulay itim at heavy tinted. Pinagbuksan niya ako ng pinto kaya di na ako nag inarte at pumasok na sa loob. Hinintay ko lang siyang makapasok rin sa loob pagkatapos ay pinaandar na niya ang kotse.

Tahimik lamang ako sa loob at pinapanood na lang ang mga sasakyan at mga taong nadadaanan namin. Gabi na rin at nag e enjoy ako sa mga ilaw sa paligid. Maya maya ay naramdaman ko ang kamay ni Triev sa kamay kong nakapatong sa legs ko. Napatingin ako sakanya at naka focus lang siya sa pagmamaneho

"Are you ok wife? problem?" malamig at tipid niyang sabi. Napailing na lamang ako at napayuko saka napabuntong hininga.

"wife.. tell me what bothers you" seryoso at malamig ulit niyang sabi. Huminga ako ng malalim at hinawakan ng mahigpit ang kamay niyang nakahawak sa akin.

"hubby... na gui-guilty ako. Paano kung arghh!! tangna!!" sabi ko na lamang dahil sa frustration.

"stop cussing wife. I know he will understand the situation. Just relax don't think him" malamig niyang sabi. Ewan ko nga dito kay Triev daig niya pa ang yelo sa sobrang lamig kung magsalita. Balita ko nga di ganto to noon. Nagbago lang nung iniwan daw siya ng Ex niya.

Tumahimik na lang ako at di na umimik pa. Maya maya ay napansin ko ang isang kulay itim rin na kotse at humaharurot ito. Hindi din gaano tinted ang mga salamin nito. Nagulat ako ng biglang may naglabas ng baril sa bandang passenger seat at pinatamaan ang kotse ni Triev. Kami ang pinupuntirya nila!

*bang* *bang* *bang* *bang*

Napasigaw ako ng marinig ang sunod sunod na putok ng baril at tumatama ito sa kotse ni Triev. Nagulat ako ng hindi man lang ito nasira or what.

"Its ok wife its bullet proof. Just close your eyes and cover your ears. Don't panic and trust me" malamig at seryosong sabi ni Triev. Sinunod ko naman ang sinabi ni Triev at tanging ang nagawa ko na lamang ay tahimik na nagdadasal. Hindi ko na rin namalayan na umiiyak na pala ako dahil sa takot.

Napasigaw ako ng biglang may bumangga sa kotse ni Triev. Nakapikit parin ako at di nag abalang buksan ang mga mata ko. Patuloy parin sila sa pagpapaputok at napapasigaw parin ako sa gulat.

"fuck! I need you here now. Tract my location! we are under attack here. Faster!" sigaw ni Triev. Alam ko ring kanina pa siya nakikipag palitan ng bala sa mga kalaban niya. Siguro kung malakas lang ako hindi ako magiging pabigat at natutulungan ko pa siya.

Maya-maya pa ay biglang tumahimik ang paligid at tanging hikbi ko lang ang naririnig ko. Namalayan ko ring nakahinto ang sasakyan namin malapit sa daanan papuntang village namin. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at tinanggal ang pagkakatakip sa tenga. Hindi ako nakagalaw ng bigla akong yakapin ng mahigpit ni Triev. Napayakap na lamang ako pabalik at tahimik na umiyak sa dibdib niya.

"shh... it's ok wife it's already done. Calm down please" malamig na sabi niya pero mababakas parin ang himig ng pag aalala sa boses niya. Huminga ako ng malalim at kumalas sa yakap niya saka umayos na ng upo.

Pinunasan ko na lamang ang aking luha at nginitian ng tipid si Triev. Napahinga siya ng malalim at hinawakan ulit ang kamay ko.

" wife.. I promise... I will protect you no matter what. I don't want to lose you and I love you so much. Always remember that" sabi niya at hinalikan ako sa noo.

Niyakap ko na ulit siya at naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin ng mahigpit. Nang ok na ako ay kumalas na ulit ako.

Umayos na ng upo si Triev at ini andar na ulit ang sasakyan. Hinawakan niya ulit ng mahigpit ang kamay ko at nginitian niya ako ng tipid. Hinayaan ko na lamang siya at ginantihan na lamang ito saka ako muling tumingin  sa labas ng bintana.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

sorry for the short ud.

Thanks for reading and see you on my next update😃


My Cold Hearted Husband {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon