Fire Alexandra POV
Anim nabuwan na ang nakakalipas simula nung maganap ang labanan ng dalawang grupo. Anim na buwan rin kaming naninirahan dito sa bahay ng mother-in-law ko. Anim na buwan na rin akong buntis at sa totoo lang mukhang kabuwanan ko na. Malaki ang aking tiyan at hindi lang isa ang laman. We have triplets. Yes tatlong bata sa sinapupunan ko ang dinadala ko.
Nung una ay napaisip ako kung paano sila nag kasya sa tiyan ko at baka may naiipit na sakanila. We have our check up last month and the good news is my babies are healthy. Their heartbeats are fine and no worries. They are all boys at aaminin kong umasa ako na may babae man lang na isa sakanila.
"Iha... halika na sa baba kakain natayo" nakangiting sabi ni mommy. Nga pala nasa U. S. sina mama at daddy dahil sa isang business meeting. Matatagalan daw sila doon kaya ang mommy at daddy ni Triev ang nag aalaga sa akin tuwing pumupunta si Triev sa companya.
"Sige po mommy.... " sabi ko at bumangon sa kama. Agad niya akong inalalayan sa pagbangon. Nang makatayo na ako ay sinuot ko ang tsinelas ko pagkatapos ay lumabas kami sa kwarto namin. Naka alalay lang si mommy sa akin sa pag baba ng hagdan. Oo nga pala, simula noong araw na muntik na akong makunan ay todo alalay sa akin sina mommy at mama. Hinahayaan ko na lamng sila dahil alam kong makakabuti para sa akin iyon. Isa pa ay ito ang kauna unahang buntis ako.
"Mommy.... saglit lang po muna.. " hinihingal kong sabi. Noong apat nga na buwan ay madali na akong hingalin kahit hindi malapit lang ang nilakad ko.
"Oh sige... inhale exhale ka muna. Sabihin mo kung kaya mo na para makaratingnatayo sa kusina' malumanay niyang sabi. Natatawa akong napatango. It's already 12:30 pm. Lunch na at kakain na ako. Medyo nabawasan ang hingal ko kaya sinabi ko kay mommy na magpatuloy na sa paglalakad pababa ng hagdan. Kalahati pa lang ang nilalakad namin ni mommy kanina ay pagod na ako.
Nakababa na kami ng hagdan at dumeretso kami sa kusina. Mahabang pasilyo pa ang lalakarin namin pero kaya ko pa kahit na pagod napagod na ako. Nakarating kami roon sa kusina at agad kaming inasikaso ng mga katulong. Pinaghila nila ako at si mommy ng mauupuan kaya dumeretso na kami doon. Pinaupo muna ako ni mommy at manang Liza sa upuan bago sila umupo sa hapag. Actually.... marami silang katulong at body guard dito pero kung tratuhin nila ay parang mga miyembro ng pamilya, which is I like it.
Hindi lang basta basta ang mga tao dito. They are special at kung titignan mo nga ay parang hindi sila mga katulong o ano pa. Ang gaganda at gwagwapo nila para maging katulong at bodyguards. Uminom ako ng tubig para maibsan ang pagkahingal ko. Nilagyan ni mommy ang plato ko ng mga pagkain na gustong gusto ko. Noong unang buwan ay nahihiya ako pero kalaunan ay nasanay na ako. Sobrang bait at maalagain siya. Lagi niya akong pinapasyal sa hacienda nila na sobrang lawak at ganda.
Sinimulan ko ng lantakan ang pagkain ko pagkatapos kong pasalamatan si mommy. Kain lang ako ng kain. Sobrang dami ko ngang kinakain dahil tatlo ang nag aagawan sa loob ny tiyan ko. Tumaba na nga din ang mga braso at paa ko. Sa mukha ay medyo lang kaya nahihiya ako kay Triev kung minsan. Minsan nga na napansin niyang umiiwas ako sakanya at hindi siya kinakausap ay inis niya akong krinomporta. Tinanong niya sa akin kong ano ang problema kaya sinabi ko. That day he just hug and kiss my whole face then told me that it doesn't matter if I get fat. Sabi niya rin na hindi naman sa panlabas na anyo nakikita ang pagmamahal, nasa kalooban iyon. It's not big deal if I became fat.
Sabi din ni mommy at mama noon na para daw hindi ako tumaba ay maglakad lakad na lang daw ako and do some light work out like yoga for pregnants. It also help me daw for delivery kaya araw araw ko iyon ginagawa. Pati nga ngayon ay ginagawa ko and in fairness kahit madali akong hingalin ay masarap sa pakiramdam. Natapos kaming kumain ay nagpahinga lamang kami ng mga limang minuto habang nag kwe kwentuhan. Pagkatapos ay naglakad lakad kami sa paligid ng mansyon.
BINABASA MO ANG
My Cold Hearted Husband {Completed}
Teen Fiction||• Mafia Series #1•|| ~ Triev Thunder Honteveros~ Fire Alexandra Honteveros Isang babaeng simple kahit mayaman. Mabait, matulungin at mapagmahal Triev Thunder Honteveros Isang lalakeng cold, masungit, short tempered, walang puso at higit sa lahat...