Fire Alexandra POV
Isang buwan. Isang buwan na ang lumipas at masasabi kong naging tahimik ang lahat. Kung dati ay may mga panganib na laging naka abang sa aming mag asawa ngayon ay wala na pero di parin kami naging kampante doon.
Sa nakalipas na buwan ay mas lalo ring naging sweet at possesive si Triev sa akin. Aaminin kong natutuwa ako tuwing sinasabi niyang sakanya lang daw ako sa harap ng mga tao.
Sa isang buwan rin na iyon ay nanirahan na ang grupo ni Triev dito sa mansyon. Ok lang naman yun sa akin dahil may nakakasama at kakulitan ako tuwing wala si Triev.
Kasalukuyan akong nasa kwarto ko at nakabihis. Nakasuot ako ng isang high-waisted black pants. May tatter ito sa dalawang tuhod. Tinernohan ko ito ng itim na v-neck shirt at tinack in ito. Nagsuot din ako ng airmax na sapatos at kulay itim ito. Naka high ponytail lang ako at may kaunting buhok na nakalugay sa harap. Kinuha ko na ang korean bag ko at nilagay doon ang wallet at iba pang importanteng bagay. Kinuha ko na ang phone ko at kinabit doon ang headphone ko. Bumaba na ako at lumabas na ng mansyon. Kanina pa ako nag paalam kay manang na pupunta akong mall. Pasado ala una na ng hapon at wala sila Triev at ang grupo dahil pumunta sila sa hideout nila.
Sumakay ako sa van namin at sinabi ko kay kuya driver na ihatid ako sa MOA. May nakasunod sa aking dalawang body guard. Hindi ako tumutol nang sinabi sa akin ni Triev na may body guard ako dahil alam ko naman na para sa kaligtasan ko yun. Di naman kasi ako yung tipo ng tao na porket walang panganib ay kayang kaya ko na magwalwal at mag pakampante. Tsk!
Pagkarating namin sa mall ay sinabi ko kay kuya driver na hintayin na lamang ako dito. Lumabas na ako sa van at nakasunod sa akin ang dalawang body guard ko. Naglakad na kami papasok at medyo nakakakuha kami ng atensyon. Syempre sino ba kasing di mapapalingon kung may gwapo at macho kang bodyguard pero mas gwapo at macho parin ang asawa ko.
Nag-ikot ikot ako sa loob ng mall at kanina ko pa nararamdaman na may nanonood sa bawat galaw ko. Hindi ko inikot ang paningin ko dahil kung gagawin ko yun ay baka makita ko yung taong yun at mag panic ako. Hindi ko alam kong nararamdaman yun ng dalawa kong kasama. Pero sa tingin ko oo dahil kanina pa sila parang di mapakali sa pwesto nila at panay lingon sa paligid.
Kinakabahan na ako kanina pa kaya inaya ko na ang dalawang body guard ko na umalis na kami at umuwi na. Nagsisi tuloy ako na lumabas ako. Minadali ko ang lakad hanggang sa makarating kami sa parking lot. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan ng husto. Ilalabas ko na sana ang cellphone ko pero agad akong napasigaw ng marinig ko ang sunod sunod na putok ng baril. Napayuko ako at napapikit dahil sa takot. Nanginginig ang buong katawan ko at hindi ko alam ang gagawin. Paglingon ko ay napaiyak ako ng makita ko ang dalawang bodyguard ko na duguan at wala ng buhay. Nakita ko rin ang dalawang lalake na naka mask na papalapit sa akin. Agad akong tumakbo pero nagulat ako ng biglang may humintong van sa harapan ko at lumabas ang isa pang lalake na naka mask. Agad niya akong hinila at binuhat papasok sa loob ng van. Agad akong nag pumiglas.
"Ano ba! pakawalan niyo ko hayop" sigaw ko at pinipilit na buksan ang pinto pero naka lock iyon.
"Hindi ka makakatakas miss" sigaw ng katabi kong lalake. Di ako nag paawat at pinagsusuntok ko ito. Nagulat ako ng bigla niya akong sampalin ng malakas. Pakiramdam ko mapuputol ang ulo ko sa sobrang lakas ng sampal niya. Nalasahan ko rin ang dugo ko sa labi. Nanlalabo narin ang paningin ko pero nilabanan ko ito.
"Pakawalan ninyo ako parang awa niyo na" umiiyak kong sabi kahit na nanghihina na ako. Nagtawanan lamang sila at naramdaman ko na lang na may pinaamoy sila sa akin. Nanlaban ako pero mas lalo lamang nila itong idiniin sa ilong ko. Unti unti na akong nanghina hanggang sa lamunin na ako ng dilim.
BINABASA MO ANG
My Cold Hearted Husband {Completed}
Teen Fiction||• Mafia Series #1•|| ~ Triev Thunder Honteveros~ Fire Alexandra Honteveros Isang babaeng simple kahit mayaman. Mabait, matulungin at mapagmahal Triev Thunder Honteveros Isang lalakeng cold, masungit, short tempered, walang puso at higit sa lahat...