Fire Alexander POV
"marunong ka palang magluto" sabi ko sakanya. Nilingon niya ako at tinanguan ng bahagya. Hindi na ako umimik pa at tumahimik na dito sa upuan.
Maya maya ay naamoy ko na ang mabangong amoy ng ulam which is tinola. Parang mas lalo akong nagutom dahil sa amoy.
Kumuha naman si Triev ng plato at mangkok saka hinain sa harapan ko.
"eat now. I know your very hungry" malamig niyang sabi sa akin. Tinignan ko naman siya at hindi ko ginalaw ang nakahaing pagkain sa mesa.
"why?" malamig niyang sabi.
"u-uhmm..kumain ka na ba? nakakailang kasi pag ako lang mag isa ang kakain" sabi ko.
"just eat I'm already done. I'll just watch you." malamig niyang sabi habang may kinakalikot sa phone niya.
" e-eh?" nasabi ko na lamang.
Kahit na naiilang ako sakanya ay kumain na ako. Baka bulyawan pa niya ako.
Sa kalagitnaan ng pag kain ko ay nagulat ako sa ginawa ni Triev. Pinunasan niya ang gilid ng labi ko kaya napatingin ako sakanya at di agad naka imik. Tinitigan niya ako sa mukha kaya agad akong nag iwas ng tingin at nagmadaling tapusin ang pag kain ko.
Nang matapos ako ay tumayo na ako at inayos ang pinagkainan ko saka nilagay ito sa lababo para mahugasan ko na. Tinitignan lang ni Triev ang galaw ko at aaminin kong naiilang at kinakabahan ako sakanya.
Hinugasan ko na lng ang mga pinagkainan at mga gamit na nagamit niya sa pagluluto.
Habang sinasabunan ko ang mga plato ay biglang may yumakap sa akin sa likod. Nanigas naman ako at hindi lumingon. Alam kong si Triev ang yumakap dahil amoy niya pa lang ay alam at kabisado ko na.
Pinatong niya ang baba niya sa balikat ko at hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. Bumilis naman ang pintig ng puso ko at hindi ko maiwasang kiligin sa nangyayare ngayon. Hinayaan ko na lang si Triev at ipinag patuloy ang ginagawa ko. Sana araw araw siyang ganto sa akin pero alam kong hanggang sa panaginip lamang iyon. May mahal na siyang iba at baka pinag lalaruan niya lang ako.
Nalungkot naman ako sa naisip ko kaya dinalian ko na ang paghuhugas ng pinggan. Nakayakap parin siya sa akin at nakatitig.
Nang matapos ay akmang tatanggalin ko na ang pagkakayakap niya sa akin ng hinigpitan niya ito.
" Something wrong?" tanong niya. Umiling na lamang ako at hindi pinahalatang malungkot ako.
" Fire...next time inform me if ever mag o overtime ka ulit dahil.......nag aalala ako sayo" mahina niyang sabi saka pinaharap niya ako sakanya at hinalikan sa noo.
Natulala naman ako sa mga sinabi noya at di makapaniwala sa ikinilos niya. Natauhan naman ako nang binitawan na ako ni Triev at agad na tumalikod saka prenteng naglakad palayo sa akin. Maya maya ay bigla siyang huminto.
"good night wife..sweet dreams" sabi niya ng hindi ako nililingon. Nagpatuloy na siya sa paglalakad hanggang sa maka abot na siya sa kwarto niya. .
Ako naman ay napangiti ng malawak at napahinga ng malalim. Tumaas na rin ako at pumasok na ako sa loob ng kwarto ko.
Nag half bath lamang ako at nagpalit na ng damit saka humiga sa aking kama. Niyakap ko naman ang isa pang unan ko at nakatulog ng may ngiti sa labi.
Lord sana kung panaginip lahat ng ito ay hwag niyo na lang po akong gisingin.
~~~~~~\~~~~~~
hi readers! sana po nagugustuhan ninyo itong story ko and pls do vote and support my story. Thank you!😇😂😍
BINABASA MO ANG
My Cold Hearted Husband {Completed}
Teen Fiction||• Mafia Series #1•|| ~ Triev Thunder Honteveros~ Fire Alexandra Honteveros Isang babaeng simple kahit mayaman. Mabait, matulungin at mapagmahal Triev Thunder Honteveros Isang lalakeng cold, masungit, short tempered, walang puso at higit sa lahat...