Chapter 32

13.2K 217 2
                                    

Fire Alexandra POV

Lumipas ang dalawang linggo at ang usapan naming pagpunta sa Hong Kong ay di natuloy. Kasalukuyan akong nag papalit ng damit. Mamaya kasing alas nwebe eh darating ang mga magulang namin ni Triev. Sasabihin na kasi namin sakanila ang kalagayan ko ngayon.

Tungkol naman sa pagbubuntis ko ay ayos lang. Lagi akong inaatake ng morning sickness ko at I think pinag lilihian ko si Triev. Gusto ko kasi siya lagi nakikita ko... siya lagi ang umaasikaso sa akin... siya lagi ang magbubuhat sa akin sa tuwing kakain ako ng umaga. Gusto ko rin na siya lagi ang bumibili ng mga gusto kong pagkain.

Nung unang linggo ko matapos naming malaman na buntis ako ay sinusunod lang ni Triev ang mga gusto ko dahil madali akong umiyak kapag di nabigay agad o di nagawa ang gusto ko.

Hanggang sa lumipas pa ang araw ay pansin kong parang naiinis siya sa akin. Hinahayaan ko na lang siya dahil kahit ganun ang ekspresyon niya ay sinusunod niya naman ako. Halos under na nga siya eh.

Matapos akong mag ayos ay sakto naman na lumabas na si Triev sa cr. Kinuha na niya ang hinanda kong damit niya at sinuot ito. Napatingin ako sa orasan namin at mag aalas nuwebe na ng umaga. Inayos ko ng kunti yung buhok ko bago ko harapin si Triev na ngayon ay nagsasapatos na. Kinuha ko muna yung cellphone ko sa side table bago ko siya kinausap.

"Ahm hubby una na ako sa baba" sabi ko at naglakad na patungo sa pinto. Binuksan ko ito at lumabas na. Sinara ko ito pagkatapos ay bumaba na ako at nag deretso sa garden namin. Dito kasi namin pinili na pag usapan ang tungkol sa pag bubuntis ko. Umupo ako sa isang upuan at nanood lang ako sa phone ko. Wala pa ako sa kalahati ng marinig ko ang tawanan ng tao sa likod ko. Lumingon ako doon at nakita ko sila mama daddy at mommy daddy. Tumayo ako at nilapitan ko sila.

"Mama daddy mommy dad. Good morning po" bati ko sakanila at niyakap sila isa isa.

"Naku... magandang umaga rin iha" nakangiting sabi ni mommy Laiza. Ngumiti ako sakanya at lumapit kay mama.

"Hali na po kayo. Doon po tayo sa upuan" yaya ko sakanila. Nagsilapit kami sa mesa at nag si upo doon. Wala pa si Triev. Hmm...  ang tagal ata niya?
"Anak... mukhang tumataba ka? " biglang sabi ni mama. Napatingin ako sakanya at nginitian ko lang siya.

"Oo nga anak. Are you pregnant? " nakangiting sabi ni mommy Laiza.

"Huh? grabe po kayo mommy" sabi ko na lamang.

"Where's your husband? " tanong ni daddy Roger. Daddy ni Triev.

"Ahm daddy titignan ko muna siya excuse me po" sabi ko at yumuko ng kunti bago umalis doon. Muli akong tumaas at dumeretso sa kwarto namin. Binuksan ko ang pinto at tatawagin ko na sana siya ng makita kong may katawagan siya.

"What is this Lea? are you freakin sure? " malamig na sabi ni Triev. Lea? sino yun.

"Ok let's meet up later. I'll text you" pagkasabi nun ni Triev ay binaba na niya ang tawag at humarap sa direksyon ko. Malamig na titig agad ang bumungad sa akin.

"Sino si Lea? " takang tanong ko.

"She's nothing" malamig niyang sabi. Hindi ako umimik at nakatingin lang sakanya ng seryoso.

"Who is she Triev?" seryoso kong sabi. Napabuntong hininga naman siya at hinilot ang sintido niya.

'She's the Engineer of my new company" malamig niyang sabi. Tumango na lamang ako sakanya at sinabi sakanyang naghihintay na sila mama doon.

Hinawakan niya ako sa bewang at sabay kaming pumunta sa garden. Naabutan kong seryosong nag uusap sina dad at daddy samantalang nag tatawanan naman sila mama at mommy. Lumapit na kami sakanila at umupo sa upuan. Sinerve na pala nung mga maid yung pagkain.

My Cold Hearted Husband {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon