"I'd like to meet someone nice at the bus stop or at a random coffee shop or just about anywhere romantic, stare at that person like there's no tomorrow, imagine how it'd be like to be friends with that someone, try to talk to that person, and then end up falling for each other."
Buong buhay ko, akala ko ganito ang magiging basehan ng love story ko. Yung tipong may makikilala ka na lang, pagmamasdan mo lang siya ng konti, marerealize mo na inlove ka na.
Buong buhay ko, ito yung pinaniniwalaan ko. Pero hindi pala.
Lahat lahat ng yun, nagbago nung nakilala ko yung taong kulang na lang eh patayin ko na sa inis (kung hindi lang talaga krimen ang pagpatay, siguro nagawa ko na sa kanya.)
Sino nga ba ang magaakala na yung pinapangarap kong first meeting eh guguho na lang ng basta basta dahil sa realidad na yung first meeting na yun eh naganap lang sa street namin kung san kasama ko ang aking mga barkada na nananahimik at nagiisaw dun sa isawan sa may kanto?
And worst, yung taong nagustuhan ko pa eh sira ulo. Well, not really. Sira ulo is an understatement. Hahaha, biro lang, ang sama ko naman kung ganun. Yun na nga eh. I mean, sa sandamakmak na nilalang sa mundo, dun pa ko nahulog (literally) sa taong walang ibang ginawa kundi awayin ako.
Madrama na kung madrama pero ilang beses ko na rin tong natanong sa sarili ko (na hanggang ngayon eh di ko pa masagot-sagot): Bakit kaya siya pa?

BINABASA MO ANG
Secretly Hoping
Teen FictionSometime in our life, matatagpuan daw natin yung taong nakalaan para satin; yung taong pasasayahin ka at mararamdaman mong kayo nga talaga ang para sa isa't isa. Sa libo-libong nilalang sa mundong ibabaw, ako pa talaga ang napiling pagtripan; narara...