Chapter 21

8.6K 153 5
                                    

Chapter 21

Ice's Pov

Argh! Ang sakit ng ulo ko. My ghad! Ano bang nang yayare sakin. Nakahawak na ako sa ulo ko na parang mabibiyak na yata na parang sasabog sa sakit. Hindi ko alam kung anong sakit ba tong nararamdaman ko. Para saan b to?

"Venice? Are you ok?" mababakas sa boses ni vanessa ang pag aalala sakin dahil tinawag na nya ako sa real name ko.

"Argh! My head!" Nakaluhod na ako sa sobrang sakit ng ulo ko. Tangina! Itong sakit ng ulo palang ang naka pag paluhod sakin ng ganito.

Gusto ko ng iuntog yung ulo ko sa pader para lang mawala yung pag sakit nito. Napatingala ako at may mga imahe naman na lumalabas sa isip ko na hindi ko alam kung ano.

"Venice? Can you stand? Dadalin kita sa hospital, ok?" Nag papanik na sya dahil parang nag dedeleryo talaga ako sa sobrang sakit ng ulo ko. Tumitirik na nga din yung mata ko at nanginginig ang mga binti ko.

"Butler! Butler joseph! Vally! Help me!" May kasama nang hikbi ang pag sigaw ni vanessa nun. Gusto ko ng mamatay ngayon palang ang dami dami ko ng problema kung ano ano pa rin ang nang yayare sakin.

May mga yapak ng paa ako narinig na papalapit samin at ang huli ko nalang na naramdaman ay ang bumuhat sakin dahil bigla na lang parang hindi na ako makagalaw at dumilim na ang paligid ko.



Vanessa's Pov

Nakaupo ako sa bleacher dito sa hospital ang hinihintay lumabas ang doctor sa ER. My ghad! Ano bang nang yayare kay venice? Mula nung umuwi kami galing dun sa dapat gerang papasukan namin isang linggo na ang nakakaraan pakirot kirot daw ang ulo nya at buong araw syang matutulog sa kwarto nya gigising lang sya para kumain.

Ngayon din dapat ang kasal nya kaya lang wala ng mangyayareng kasal dahil nandito sya sa ospital at hindi ko alam kung ano na ang kondisyon nya. Pinaka sensitive silang dalawa ni vally pag dating sa emotion nilang dalawa. Kaya iniiwasan talaga namin ang stress at emotional na scenario

"Ano bang nang yare? Bakit nag kaganon si venice? Na stress ba sya? O naging emotional? Two years ago nung nang yare sa kanya to at ngayon na lang ulit nangyare. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag nawala sya. No!" Ang daming tanong ni vally na hindi ko ang alam ang sagot at pabalik balik sya ng lakad habang nakahawak sa ulo nya at umiiyak.

"Hindi ko alam.. Hindi ko na nga alam ang gagawin ko eh pag pasok ko sa kwarto nya nakita ko na lang syang naka hawak sa ulo nya at namimilipit sa sobrang sakit." Pag papaliwanag ko pumikit na lang habang naka sandal ako.

"Pano kung mawala sya satin? Vanessa, No! Hindi ko kaya! Hindi ko kaya!" Sigaw ni vally at napaupo na lang sya sa lapag habang nakasandal at hawak ng dalawa nyang kamay ang ulo nya.

Nilapitan sya ni butler joseph para alalayan at patigilin na sa pag iyak. Naihilamos ko na lang ang kamay ko sa mukha ko, ano ba talaga ang mga nakaraan nila? Bakit ganon na lang ang mga nang yayare sa kanila? Nakakasakit ng ulo! Argh!

"Butler joseph, pahiram naman ng cellphone. Naiwan ko kasi yung sakin kakamadali eh."

"Here."

Iniabot sakin ni butler joseph ang phone nya at bumalik na sa tabi ni vally na pahikbi hikbi na lang. Buti na lang at may number si khalie sa phone ni butler joseph. Tinawagan ko agad sya para sabihin na hindi na matutuloy ang lintek na kasal na yun. Tsk!

"Hello?" medyo pagak pa na sabi ko. Hindi pa rin ako mapakali sa kalagayan ni venice. Bakit kasi hindi pa lumalabas yung hinayupak na doctor na yun eh.

"Ah hello? Vanessa?" bumuntong hininga ako at tumuwid ng upo. Hindi ko pwedeng sabihin na nasa ospital sya ngayon ang kailangan ko lang sabihin ay umalis si ice at wala ng kasal na magaganap. That's it!

Angel Turn Into A Demon [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon