Chapter 7

4.1K 92 3
                                    


"Hoy! Tulala!?

"Ano ba jen kahit kailan talaga mahilig kang sumulput!" Inis na sbi ko sa kanya at ang bruha nag peace sign pa.

"Nandito na ang mga papeles need nalang ay pirma mo" sabay bigay nya sa akin at umopo sa tapat ko.

"Kamusta ang lovelife? Balita ko raw may kasama kang gwapo kanina"

Tsismpsa talaga kahit kailan. Kaya inis ko syang tiningnan.

"Oy-oy wag mo akong patayin sa mga tingin mong yang nagtatanong lang yong tao eh" dipensang sabi nya.

"Pero sino nga yun?"

Ang kulit may pahabol pa!

"Si Damon"

"Damon?"sabay tanong nya sa akin.

Sasabihin ko ba sa kanya o hindi? Private life ko to eh pero mabait ko na mang kaibigan si Jen. Matagal na kaming magkaibigan kaya wala namang masama kung eh si-share ko sa kanya.

"Hoy! ayan ka na naman parating tulala sige na sabihin mo na sa akin" pangungulit pa nya kaya nagpabuntong hininga ako at simulan ang madramang kong buhay.

"Ah so sya pala iyong lalaking naging dahilan kung kaya umalis ka sa pilipinas in fearness ang gwapo ma'am bagay kayo"saad ni jen.

Sana na nga bagay kami, sana this time wala ng hahadlang at sana ako naman ang piliin nya.

"Napirmahan ko na kaya alis na." Taboy ko sa kanya.

"Aray Ma'am grabe ka ha, sige na nga aalis na ako" padabog nyang sabi sa akin. Aba may gana pa syang magalit.

Binalik ko ang mga mata ko sa sketch pad na sa aking harapan. Nagbiglang tumunog ang aking cellphone  Unknown number? Hindi ako nagdalawang isip at sinagot ang tawag.

"Hello" sabi ko.

"Hi, is this Caterina?" Malumanay na pagkasabi nya. Ang ganda ng boses nya.

"Yeah, speaking" yun nalang ang nasabi ko. Ewan nagandahan kasi ako sa boses nya sobrang hinhin.

"Ah Hi Caterina long time no see, I just want to ask you if you see my husband sabi nila nandyan eh sa Italy" ewan ko ba pero bigla akong nakaramdam ng takot at kaba. Hindi ako nagkakamali si Lindsay eto.

Jusko sana hindi totoo ang iniisip ko ngayon. I try to compose myself kahit paramg may bumabara sa lalamunan ko.

"Lindsay?"

"Yes its me" sweet nyang sabi. Oh gosh.

"Nagkita ba kayo ni Damon? Hinahanap na sya ng anak namin eh"

Parang bombang sumabog sa aking harapan. Nanginginig ako hindi sa lamig kundi sa takot, panghinayang, at pambobola nya sa akin. Bakit Damon? Bakit mo ako sinaktan ng ganito ok na ako eh. Nag uunahan ang aking mga luha. Ang sakit sobrang sakit Umasa ka eh.

"Hello, are you there Caterina?" Hindi ko alam ko ang isasagot kaya pinatay ko na lang ang tawag nya.

Ang sakit pala nandito sya para paasahin ulit ako para saktan ulit ako. Kaya pala kahapon nong tinanong ko sa kanya kung kamusta na si Lindsay wala syang sinagot ay Asawa nya pala at may anak na silang dalawa. Napakasama ko naman kung kukunin ko si Damon sa kanila, may anak sila.

Hindi ko na alam ang gagawin.

Umuwi akong mag isa, na dapat susunduin ako ni Damon.

Wow! As in wow! Kahapon lang na naging kami at heto ngayon may hahadalang na naman.

Baka hindi nga kami talaga para sa isa't isa.




****

A/N

I'll try to update damon but not sure when coz for now my priority is Luca.

Let Me Be The One (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon