iii. easy peasy
"Kaya ka ba nagpumilit umalis sa ilalim ng dagat para maging kabit?" Pang-limang irap ko na 'to mula nung maglakad kami ni Night palayo kay Lord Eros--I mean, Eros na lang since sabi naman niya okay na mag-first name basis since special naman ako hihihi. Anyway, hindi talaga kami "naglakad" kasi itong perabaga kong kapatid eh kinaladkad ako palayo sa soulmate ko (hihihi yes naman).
Humarap ako sa kanya at ipinakita ang pang-anim kong irap. Eh syempre para dama niyang naggigigil ako sa kanya ngayon 'no. Biruin mo ba naman, kinakausap ako ng isang deity na halatang-halatang interesado sa'kin tapos bigla na lang akong hihilain palayo, gods! Anong problema niya?!
"Alam mo Night," panimula ko sabay cross arms. "Kung handa ka ng maging tayo, sabihin mo naman ng maayos. Hindi 'yung kinakaladkad mo 'ko dahil lang sa nagseselos ka," sabi ko sa kanya sabay lagay ng signature smile ko. Wala na akong ibang alam na paraan para tantanan ako nitong kapatid kong 'to kundi ang inisin siya kaya ito na!
"Stacy, Eros and Psyche are married," paliwanag sa'kin ni Night. "And what did he say earlier? They broke up? Damn it, Stace! Married people or gods don't just break up! They divorce!" Very very close to 'sigaw' na pagkakasabi sa'kin ng kapatid ko. Halatang-halatang frustrated na siya at gusto niya na lang mag-agree ako sa kanya.
Alam ko namang hindi pa sila nagkakabalikan nung nereid niyang ex eh pero mali naman atang ibunton niya sa'kin 'yung ka-bitter-an niya? I mean, pwede namang sabihin niyang: "'Wag ka munang magboyfriend, 'di pa kami ayos ni Nina. Ayokong mag-isa lang akong loveless." Odibadibs? Maiintindihan ko naman eh! Kaurat 'tong lalakeng 'to. Palibhasa nagmana kay Daddy na mahilig sa mga low quality na babae--I mean, you know mga sari-saring breed (aye parang aso lang).
"Night, alam kong loveless ka ngayon, okay? Pero hindi dahil single ka eh magiging single na rin ako. Ano 'to dikit bituka nating dalawa? Dikit puso, ganon?" Sabi ko sa kanya. Muntik pa nga akong matawa kasi seryosong-seryoso pa rin siya. Ewan ko ba, natatawa ako kapag seryoso 'yung kaharap ko pero 'pag pang-comedy na 'yung mukha parang ang sarap bangasan.
"Fine! You go out with that douche and cry later," tyaka na nagwalk out si kapatid. Naks, natututo ng magwalk out! Ganyan ginawa sa kanya ng ex niya. Dun siguro niya napulot hahaha!
Pero seryoso, alam ko naman pinagkaiba ng break up atyaka ng divorce. Matalino ako 'no! Kung may ipagmamalaki man ako sa buong pagkatao ko, 'yun ay ang buhok ko at ang utak ko! Bonus na lang na maganda ako dahil nagmana ako sa nanay ko kaya praise the lords! Anyway, ayon nga. Alam ko naman at feel kong hindi pa hiwalay sina Eros at Psyche. Kaso alam mo 'yon, nacu-curious akong maging kabit--CHAROT. Hindi totoo 'yung sinundan sentence except sa expression na 'charot'. Pero seryoso, kung ayaw na ni Eros kay Psyche at accidentally na napana niya 'yung sarili niyang heart nung makita niya 'ko o 'di go lang ng go! My kalandian knows no limit hahahaha--joke :3
Naglalakad na 'ko sa corridor papunta sa susunod kong subject which is Chemistry (na sobrang paborito ko) nang makita kong nakikipagkwentuhan si Kite kina Dani at Neon sa isang sulok. Syempre madadaanan ko rin naman sila kaya minabuti ko na lang mag-hi muna. Para naman hindi masabihang bastos.
BINABASA MO ANG
Demigoddess - Daughter of Poseidon
Teen FictionDemigoddess Trilogy - 2/3 ♒ Mortals have pizza party, we have seaweed party. I'm a teenage demigod — too sassy for the gods, too sassy for the demigods, too sassy for you.