note - hello hahaha alam ko may iba sa inyo ii-ignore lang 'to so okay fine lol pero gusto ko lang pong sabihing salamat po sa support hihihi as in maraming maraming salamat po talaga uhmmm susunod ko 'yung daughter of hades pero idk pa kung kelan basta gagawin ko i swear sooooo yep let's do the final wave charot hihihi
p.s. uhmmm 'yung sa tungkol sa studies ni stacy na babanggitin ko meron ng proven so credits na lang sa kanila hiramin ko muna hahahaha
__________________________________________________
epilogue
;; four months later ;;
"Umahon ka na kasi para matapos mo na 'yan," pang-sixty seventh ng ulit sa'kin ni Triton.
Simula nung pumasok ako rito 'yan na sinasabi niya sa'kin. Hindi ko na lang siya ini-imik kasi baka mamaya ma-sass ko lang siya. Hindi ko na lang siya pinansin at itinuloy ang paglalaro sa mga lab rats sa kulungan nila.
It's been four months simula nung nagpasya akong bumalik dito sa ilalim ng dagat. Naging maayos 'yung buhay ko rito. Naging mas maayos kami ni Daddy, kami ni Mommy Amphitrite (o 'di ba naman you can see the progress naka-Mommy na 'ko sa kanya) at higit sa lahat naging lab assistant ko si Triton. Four months na rin pala akong walang balita kung anong meron sa dryland. Hindi ko alam kung ano nang nangyayari kay Night. Alam ni Daddy pero pinakiusapan ko siyang 'wag niya na lang munang sabihin sa'kin. Alam ko naman kasi sa sarili kong babalik pa rin ako run sa itaas kaya siguro ako na lang aalam. Wala rin akong balita kay Kite. May mga times na natutukso akong sumilip dun sa radar ni Daddy pero pinipigilan ko talaga 'yung sarili ko kasi baka mamaya bigla ko na lang maisipang umahon dahil sa hindi ko na matiiis 'yung pagka-miss ko sa kanya.
Anyway, bakit nga ba kami nasa laboratory ni Triton? Paano ko nga ba siya naging lab assistant?
Ganito 'yun, may ginagawa kasi akong research tungkol sa seaweeds. Uhmmm, The Feasibility of Seaweed Extract as Diet Drug. Na-try ko na rin kung pwedeng gawing tablet, capsul or tea at naging maayos naman 'yung results. Sinubukan ko na rin sa mga obese lab rats at okay naman hindi naman sila namatay. Basta hindi sila namatay, okay 'yung research. De seryoso na, okay naman sila at medyo nabawasan ng unti 'yung timbang nila although kailangan pa nila ng mas mahabang exercise time.
Wait, what the H. Nagpapaka-nerd na naman ako. I'm sorry ito lang kasi 'yung naging libangan ko nung miss na miss ko na si Kite... ahem.
So ayun, naging lab assistant ko si Triton dahil ni-request ko kay Daddy. Ang usapan kasi nila dun siya tutulong sa mga cyclopes pero dahil nga humingi na rin siya ng tawad sa'kin at nag-take talaga kami ng time para intindihin 'yung isa't isa eh kinuha ko siya't isinama rito sa research lab ko. Okay naman siyang assistant. Hindi siya masyadong nagtatanong kasi kahit daw sagutin ko hindi niya rin maiintindihan.
"Ano? Paano mo 'yan matatapos kung hindi mo ite-test sa mga tao? Alangan namang sa mga nereid?" Pasaring muli nito. Nakasandal siya sa door frame at naka-cross arms pa. Kuyang-kuya na dating niya sa'kin ngayon, 'wag ka. Supportive din siya sa ginagawa ko at katulad ko, excited na rin siyang matapos 'yung pinaghirapan naming dalawa.

BINABASA MO ANG
Demigoddess - Daughter of Poseidon
Teen FictionDemigoddess Trilogy - 2/3 ♒ Mortals have pizza party, we have seaweed party. I'm a teenage demigod — too sassy for the gods, too sassy for the demigods, too sassy for you.