xi. sea sick

14.5K 473 36
                                    

xi. sea sick

; m e a n w h i l e ; 

Hindi pa lubusang sumisikat ang araw ay napagpasyahan na ni Night umalis mula sa bahay ni Kite. Bago pa siya tuluyang makalabas sa pintuan ay tinungo muna niya ang kaibigan sa silid nito. Pinapasok naman agad siya ni Kite pagkatapos ang pangatlong katok nito. Kitang-kita agad ni Night na hindi pa ito nakakatulog simula kagabi.

"Ayos ka lang?" Tanong naman ni Night sa kaibigan matapos nitong maupo sa isang monoblock chair.

"Ayos lang," sagot naman ni Kite. Naupo ito sa hulihan ng kama nito kaharap si Night.

"Sumaglit lang ako para ipakiusap sana sa'yong bilisan mo 'yung pag-execute ng plano," wika sa kanya ng kaibigan. Agad namang nalungkot ang expression ni Kite ng maalalang may dapat pala siyang ginagawa para mapabalik ang babaeng gusto niya sa dagat.

"Bakit hindi na lang natin hintaying matapos 'tong buwan na 'to? Last week of the month na sa susunod. Siguro naman hindi agad makakahanap ng kahit sino si Stacy sa ganon kaikling panahon,"  pagrarason ni Kite sa kaibigan. Sumandal naman si Night sa upuan at nagisip. 

Hindi alam ni Night na may totoong nararamdaman na si Kite para sa kapatid niya. Wala ring balak ipaalam ni Kite 'yun sa kanya. Syempre nandun 'yung takot na baka hindi siya pumasa sa kapatid ng gusto niya. Atyaka magkaibigan sina Kite at Night, wala mang batas na nagtatakdang hindi pwedeng pumatos ng kapatid ng kaibigan mo, parang mali pa rin gawin 'yun.

"Wala man siyang mahanap ngayon, mapabalik man natin si Stacy sa amin, susubukan at susubukan niya pa ring umalis. Kailangan niyang magtanda," komento naman ni Night. Bakas sa kanyang mukha ang matinding pagod buhat ng nangyari kahapon. Kung hindi dahil kay Stacy, hindi alam ni Night kung ano ng kinahinatnan niya ngayon. 

May parte ng utak ni Night na nagsasabing pabayaan niya na lang ang kapatid kung saan man ito sasaya pero mas lamang ang parteng nagsasabing hindi siya safe dito. Hindi na hihintayin ni Night na maka-offend pa ulit ng kung sinong deity ang kapatid niya. At least sa ilalim ng dagat protektado siya ng Daddy nila, dito hindi siya sigurado. Dahil sa nangyari kahapon, mas lalong tumindi ang pagnanais niyang maiuwi na ang kapatid. 

"Sige, susubukan ko," saad ni Kite. Pinipigilan niyang bumuntong hininga at ipakitang nalilito siya. Ayaw niyang biguin si Night pero hindi niya rin alam kung anong gagawin niya kay Stacy.

These past few days mas lalong lumalalim 'yung pagtingin niya sa dalaga. 'Yun ang pinakaproblema niya. Paano niya magagawa 'yung plano nila Night ng hindi nahahalo 'yung personal niyang damdamin para kay Stacy? Paano niya magagawang ma-fall sa kanya si Stacy kung kabaliktaran ang nangyayari tuwing iisipin niya ito?

Nagpasalamat na si Night at nagpaalam na rin. Hindi na siya inihatid sa pintuan ni Kite at nanatili na lang sa kwarto nito. Simula ng makaramdam siya ng something special para kay Stacy hirap na hirap na siyang matulog. Hindi niya tuloy alam kung inuunahan na siya ng karma sa kagaguhang gagawin pa lang niya.

Demigoddess - Daughter of PoseidonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon