xix. home

9.7K 465 35
                                    

xix. home

Ang tagal kong tumayo sa harapan ng tree house nila Kite para lang hintaying tumigil 'yung mata ko sa pagiyak. Nagisip-isip din ako ng gagawin at sasabihin ko sa kanila pagdating ko sa loob. Alam ko namang kumpleto ulit sila dyan sa loob eh. Siguro pinaguusapan nila kung gaano ako katanga. Mino-mock nila ako tapos pinagtatawanan. Proud na proud akong matalino ako 'yun pala lahat na ng mga demigods na nakapaligid sa'kin niloloko na 'ko. Ang tanga grabe. Sobrang tanga.

Inayos ko 'yung sarili ko. Pinahid ko 'yung mga luha ko. Inayos ko 'yung damit ko atyaka 'yung buhok ko. Inayos ko pati 'yung tindig ko. Huminga ako ng malalim atyaka na tumawid. Umakyat ako sa tree house atyaka binuksan ang pinto. Pagkapasok na pagkapasok ko eh nagsitinginan agad sila sa'kin. Parang inaabangan ba?

Dumiretso 'yung tingin ko kay Night. Nakangiti siya sa'kin and I swear to the gods, sobra-sobra ang pagpipigil kong sampalin siya. Hindi ako bayolenteng tao pero pakiramdam ko 'yun lang 'yung tanging paraan para mabawasan 'yung inis na nararamdaman ko para sa kanya. Kahit onti lang sana.

Napatingin ako kay Kite na nasa gawing kaliwa ng kapatid ko. Mukha siyang nininerbyos and as usual, para ulit siyang may sinasabi gamit 'yung mga mata niya. Ah, alam ko na 'to. Ito na siguro 'yung time na sasabihin niyang game-game lang 'tas 'di niya talaga ako gusto tapos iiyak ako tapos babalik sa ilalim ng dagat tapos magsusumbong kay Daddy at never ng babalik dito. Hah. Kaya siguro kumpleto sila 'no? Para ma-witness nilang lahat 'yung katangahan ko. Sobra-sobrang ganti na nila 'to sa'kin, mga friend.

Worry no more, my fellow demigods. I'll give you the show you want to see.

Ngumiti ako sa kanilang lahat. Ngumiti rin sila pabalik sa'kin. Nag-good evening ako at ibinalik din nila 'yun sa'kin. Umupo ako sa gitna nila Night at Kite.

"Hello brother," bati ko sa kapatid ko atyaka ko siya pinakitaan nung signature smile ko. Bahagya naman siyang napakunot ng noo pero ngumiti na lang din.

Ibinalik ko ang atensyon ko kay Kite. Nung una hindi ko alam kung magagalit ba 'ko sa kanya o maaawa. Magagalit kasi pumayag siyang maki-parte sa plano ng kapatid ko o maaawa kasi naging kasangkapan siya sa plano ng sardinas kong kapatid. Idagdag mo pa 'yung fake slash artificial niyang nararamdaman sa'kin. Ano kayang nararamdaman niya sa mga sandaling ito? Ngayon na sasabihin na niya sa'king niloloko niya lang ako pero deep inside mahal niya talaga ako. Ewan, naiinis pa rin ako sa kanya. Hindi niya man lang na-realize na ginamitan siya ng pana ni Lord Eros. Ang tanga niya.

"May gusto akong sabihin sa'yo," simula ko. Nakita ko namang na-puzzle siya sa sinabi ko't hinintay na lang akong magsalita ulit. Nakita kong paalis na 'yung ibang demigods para bigyan kami ng privacy pero mabilis ko silang pinigil. "Where are you going?" Tanong ko sa kanilang lahat. Pinipigil ko 'yung sarili kong mapangisi pero hindi ko nagawa. "Stay. I want all of you to see this," masayang-masayang pagkakasabi ko sa kanilang lahat. Wala silang nagawa kundi bumalik sa dati nilang pwesto. Bumalik na ulit ang tingin ko kay Kite. "I just want you to know that I think that that 'like to the tenth power' upgraded sooner than I expected," wika ko sa kanya. Feeling ko nga sobrang OA na nung pagkalagay ko ng sincerity eh pero nah, palabas lang naman. "I think I may have like you to the hundredth. Kite, I love you. I love you and if all things get shitty, I won't care unless it's us," ngumiti ako sa kanya. Nate-tempt akong lumingon sa mga kasama namin para makita ang mga reaksyon nila pero kailangan kasing maging kapani-paniwala 'tong acting ko eh. Sayang.

Demigoddess - Daughter of PoseidonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon