xx. small talks
Gusto kong tusukin tig-iisa sa pwet 'tong mga 'to gamit 'yung trident ni Daddy.
Seryoso. Bakit may party rito? I mean, masaya ba silang nasaktan ako or something? Pati rin ba sila nakikiisa? Team Night sila ganon?
Paano ba naman kasi, pagkadating na pagkadating ko sa palace nakita ko na 'tong mga lamang dagat na nagpaparty at nagkakasiyahan. Nung nakita naman nila ako eh agad silang tumigil. Para silang nakakita ng multo pero pagkatapos ng ilang minuto bigla silang sumigaw.
"WELCOME BACK STACY!" Sigaw nilang lahat. Hay nako andito 'yung mga sinasabi ko sa inyong mga kapatid ko except dun sa mga kabayo kasi nga 'di ba common sense, hindi sila makakahinga rito sa ilalim ng dagat.
Anyway, tinignan ko sila ng 'what-the-fuck' look pero ngitian pa rin sila ng ngitian. Tamo 'tong mga 'to. Nung nandito ako halos kaladkarin na nila ako papunta sa dryland dahil lang sa inis nila sa'kin pero ngayon may nalalaman pa silang welcome party. Hindi kaya inutusan lang sila ni Daddy na makisama tapos magkunwaring masaya na nandito na ulit ako? Ah, ganon nga siguro. Impossibleng magdidiwang 'tong mga 'to nang dahil sa'kin.
Hinanap ko si Triton sa paligid pero hindi ko siya natagpuan. Nakakulong nga siguro talaga siya. Ano na kayang itsura niya ngayon? Siguro abot Olympus na pagsusumpa sa'kin nun. Hah, natatawa tuloy ako. Ano ka ngayon Triton? The queen is back.
Joke.
Ew.
Ayoko maging queen ng dagat. Ayokong maging queen ng mga bangus, tilapia, lapu-lapu, dugong, jellyfish, daing, tinapa at kung ano-ano pang lamang dagat. Papaubaya ko na kay Amphitrite tutal happy naman siya sa trabahong 'yun.
So ayon, hinayaan ko na lang silang magparty at pumunta na sa kwarto ko. Ganon pa rin naman 'yung kwarto ko sa ilalim ng dagat. Puno ng seashells tapos mga coral reefs. 'Yung kurtina, bed sheets at kumot ko gawa sa seaweeds. Napahiga ako sa kama ko't napapikit. Nakakamiss din pala rito. 'Yung amoy ng dagat, 'yung mga iba't ibang sea creatures, 'yung palace. Ano bang pumasok sa isip ko't umalis-alis pa 'ko rito?
Bigla akong nakarinig ng katok sa pinto pero imbes na tumayo at pagbuksan 'yung kumakatok agad kong hinila 'yung kumot ko sa buong katawan ko't nagpanggap na natutulog na. Ewan. Wala siguro ako sa mood makipagusap sa kahit sino ngayon. Gusto ko lang matulog. Bahala na bukas kung anong mangyayari.
Narinig kong bumukas 'yung pinto atyaka may unti-unting tumabi sa'kin. Naramdaman ko 'yung kamay niya sa buhok ko.
"Dad please. You're creeping me out," hindi na ako nakatiis at sinabihan siya. Agad ko namang narinig 'yung tawa niya. No choice na 'ko kundi umupo sa kama ko at kausapin siya.
Nung una hindi siya nagsalita at tumingin lang sa'kin. Habang nakatingin siya sa'kin nakita kong ang lungkot niya. Hindi ko maintindihan kasi nga 'di ba andito na ako, bakit pa siya malulungkot? Siguro dahil kina Triton at Night? Nang dahil sa'kin wala sila rito ngayon kaya hindi makokompleto 'yung happy family na pinapangarap niya? I don't know. Hindi naman equation si Daddy na sandaling panahon mo lang i-analyze makukuha mo na 'yung solution. 'Yun 'yung natutunan ko sa dryland. Hindi equations ang mga tao. Hindi sila mina-manipulate, hindi sila ini-extract, hindi sila tina-transpose at mas lalong hindi sila sino-solve. You just have to accept them just the way they are. Same goes to the gods and their kids.
BINABASA MO ANG
Demigoddess - Daughter of Poseidon
Teen FictionDemigoddess Trilogy - 2/3 ♒ Mortals have pizza party, we have seaweed party. I'm a teenage demigod — too sassy for the gods, too sassy for the demigods, too sassy for you.