note - mehhh tHE TRUTH IS NEAR CHAROT HELLO GUYS LOVE LOVE x
____________________________________
xv. love at first shot
Ang hirap talaga 'pag bobo ka sa love. 'Yung tipong buong sambayanan mortal man or demigod alam na alam 'yun, then there's me... damn.
Pagkasabing-pagkasabi ni Kite sa'kin nung litanya, seremonya o kung ano man 'yun eh pumunta agad akong study room para magresearch. Jusko, siguro 'pag nakita ako ng mga classmates ko na nagreresearch tungkol sa purigabang love na 'to baka tawanan lang ako nung mga 'yon. Eh kasi no choice naman ako, curious na curious na ako kung anong ibig sabihin ni Kite dun sa 'biglaan'.
So ito ako ngayon, imbes na mahimbing na natutulog katabi 'yung mga regalo sa'kin eh nagbabasa ng mga libro. Dinala ko rin 'yung arrow na niregalo sa'kin ni Lord Eros na kanina ko pa sinusuri kasi feeling ko talaga may something akong hindi nalalaman dito. Something fishy ba? Pero hindi ko alam kung ano. My gods, siguro kung Chemistry 'to? Matagal ng natapos!
"Kinakalawang ka na ata sa Greek Myth ah," tanong sa'kin ni Night na hindi ko napansing nakapasok na pala rito dahil sa sobrang pagka-busy ko. "Seriously, Stace? Theseus and Ariadne? Jason and Medea?" Basa nito sa mga librong binabasa ko. "Akala ko ba ayaw mo ng mga heroes?" Tanong ulit nito sa'kin. Naupo siya sa mesa at nginingitian ako.
"I still don't like them. Curious lang ako kung paanong nangyari 'yung mga love stories nila. Kung paano na-in love si Medea kay Jason. Parehong lahat, biglaan," paliwanag ko sa kapatid ko.
Hindi ko alam kung bakit curious na curious ako't pinaglalaanan ko ng panahon 'tong mga 'to pero isa lang ang alam ko, may maling nangyari or nangyayari. Sabi ko nga, hindi ako expert sa love pero alam kong hindi agad-agad nangyayari or nararamdaman 'yun. Hindi pwedeng nakita mo lang siya mahal mo na ganon hindi naman 'di ba? Siguro physical attraction pero mahal? I don't think so. Kung ganon din lang naman, eh 'di sana lahat ng tao ngayon may love life.
"Night," tawag ko sa kapatid ko. "Sabi ni Kite biglaan niya na lang naramdamang mahal niya 'ko. May mali 'di ba?" Tanong ko sa kanya.
Agad na nabura 'yung ngiti Night na para bang may naalala siya. Umiwas siya ng tingin sa'kin at umakto na para bang nagiisip. Bigla rin siyang pinagpawisan kahit hindi naman masyadong mainit sa room. Hindi ko alam kung anong iniisip ng kapatid ko pero ramdam kong may alam siyang hindi ko alam.
"May alam ka ba?" Tanong ko sa kanya.
Saglit siyang tumingin sa'kin pero hindi maayos 'yung tingin niya't pabalik-balik sa kung saan-saan 'yung atensyon ng mga mata niya.
"Stace, maybe... maybe that's... you know, love at first sight?" Sagot nito sa'kin. Pinilit niya rin ang sarili niyang ngumiti.
BINABASA MO ANG
Demigoddess - Daughter of Poseidon
Teen FictionDemigoddess Trilogy - 2/3 ♒ Mortals have pizza party, we have seaweed party. I'm a teenage demigod — too sassy for the gods, too sassy for the demigods, too sassy for you.