vii. pandora's box
Lumabas akong bihis na bihis kanina kasi akala ko nga may pasok ngayon pero pagkalabas ko walang tao sa sala o sa kitchen. Tulog na tulog pa pala silang lahat dahil Saturday ngayon. 'Di ko ini-expect kasi ang akala ko Monday to Sunday ang pasok sa dryland (mga practice, projects ganon) pero nagkamali pala ako.
Anyway, napagdesisyonan ko kagabi na kung gusto ko talagang makahanap ng taong gusto akong mag-stay rito eh kailangan ko ng kaibiganin 'yung ibang demigods dito sa bahay ni Kite. Since crossed out na sa list si Dani dahil you know, bird brain. Kung si Neon naman baka bigyan pa ng malisya ni Dani 'yung friendship namin at palayuin lang siya sa'kin. Si Kite 'di rin pwede kasi sobrang weird at madaldal. So ang natitirang chance ko na lang ngayon eh si Irene (daughter of Goddess Eirene, goddess of peace), Hector (son of Goddess Hygieia, goddess of cleanliness), Cherish (daughter of Goddess Tyche, goddess of luck) and Herod (son of Lord Hypnos, god of sleep).
Wow, good luck to me.
Nagpractice ako ng kung ano-anong topic na pwede kong i-bring up kapag nakipagusap na 'ko run sa mga demigods na 'yon. 'Di ako magaling sa pakikipagkaibigan (hah, obviously) kaya medyo tricky 'tong part na 'to.
Naghintay pa 'ko ng two hours atyaka na nagsilabasan 'yung mga demigods. 'Di ako nagsalita kahit sa hapagkainan pero nginiti-ngitian ko sila. I really have no idea what kind of smile I gave to them pero sana hindi nila nahalatang fake. Anyway, pagkatapos kumain eh balik kwarto na ulit sila. Ewan ko kung pagod sila o talagang antisocial lang.
Una kong kinatok 'yung kwarto ni Irene. Pinagbuksan naman niya 'ko atyaka bumalik na ulit dun sa pagmemeditate niya. Siguro forty-five minutes pa 'kong tumayo run habang hinihintay siyang matapos pero anak ng lenggwa, balak ata niyang mag-squat dyan hanggang gabi eh.
"Irene," tawag ko sa kanya.
Nakapikit pa rin siya kaya tinawag ko ulit. Nilakas ko 'yung pangatlo at mas nilakasan pa 'yung pang-apat hanggang sa wakas eh minulat na niya mga mata niya.
"Ano bang problema mo? 'Di mo ba napansing nagmemeditate ako?" Tanong nito sa'kin. 'Tas hahahaha! Pigil na pigil ako sa pagtawa kasi 'yung tono ng boses niya sobrang kalmado. 'Yung feeling na akala ko magagalit na siya sa'kin pero ang soft pa rin ng boses niya?
"Ayaw mo bang makipagusap sa'kin, ganon?" Tanong ko naman sa kanya.
"Akala ko naman gusto mo ring magmeditate," komento nito sabay buntong hininga. "Sorry pero tuwing Saturday, Sunday at kapag free time ko it's either yoga or meditation ang pinagkakaabalahan ko," pagpapatuloy niya atyaka bumalik na ulit sa ginagawa niya.
Okay. Ang meaning ba nito eh dismissed na 'ko? Holy Poseidon. Another one to drop from the list.
Lumabas ako ng kwarto ni Irene atyaka naman kumatok sa pintuan ni Hector. Unang katok ko pa lang, as in unang-una eh pinagbuksan niya na kaagad ako atyaka nag-spray ng kung ano run sa pinaka-spot na kinatukan ko't pinunasan 'yun. Wow, germaphobe much?
BINABASA MO ANG
Demigoddess - Daughter of Poseidon
Teen FictionDemigoddess Trilogy - 2/3 ♒ Mortals have pizza party, we have seaweed party. I'm a teenage demigod — too sassy for the gods, too sassy for the demigods, too sassy for you.