v. level one

16.7K 565 151
                                    

v. level one

Napairap na lang ako kay Kite kanina atyaka siya iniwan dun sa may living room at pumasok sa kwarto ko. Ilang minuto rin ang nakaraan eh tumigil na rin 'yung super lakas na hangin. Ang gago lang nung ulupong na 'yon. Lolokohin pa niya 'kong hindi siya gumawa nung hangin eh halatang-hatala namang siya. I mean, alam ko namang kampi siya kay Night at katulad ng kapatid kong 'yon eh handa rin niyang hadlangan ang pagdi-date namin ni Eros. Napaka-devoted naman niya kay Night. Minsan nga naiisip kong bakla si Kite at may lihim siyang pagtingin sa kapatid ko.

Wait...

OH 

MY 

GODS

Alam ko na! Hindi sa akin in love si Kite kundi sa kapatid ko! Omgs bakit ngayon ko lang nahalata?! I mean, think about this, palagi siyang andyan pagkatawag na pagkatawag pa lang ni Night sa kanya. Kahit saan, kahit kailan darating siya para lang kay Night. Tapos palagi pa silang nagha-hang out 'pag nasa dry land si Night. Alam mo 'yung parang buong time ni Kite dedicated sa kapatid ko? Tyaka ito pa ha, may meaning makatingin si Kite kay Night omgs bakit ngayon ko lang 'to napansin anong nangyayari sa senses ko?! 

Kaya rin siguro ako iniiwasan ni Kite kasi ayaw niyang malaman kong in love siya sa kapatid ko. Tyaka syempre ako ang baby sister 'tas siguro nag-aalala siya kasi baka hindi siya approve para sa'kin. Tapos 'yung sinabi ni Dani kanina na gusto niya akong i-impress? Dahil siguro gusto niyang maging boto ako sa kanya para sa kapatid ko. Tyaka siguro broken hearted si Kite at 'yun ang dahilan ng mga eyebags niya kasi hindi siya makatulog sa kakaisip sa nakatatandang kapatid ko kasi you know naman si Night umaasa pa ring magkakabalikan sila ni Nina. 

OMGSOMGSOMGSOMGSOMGSOMGS I KNEW IT!

Ngiting-ngiti pa 'ko nang bigla akong nakarinig ng katok sa pinto ko. Mga tatlong katok 'tas binuksan na ni Kite 'yung pinto. Pumasok siya 'tas tinignan ako. Kagat-kagat pa niya 'yung lower lip niya bago siya magsalita.

"Sorry pala kanina," sabi nito sa'kin.

"Okay na," wika ko sa kanya. "Alam ko namang gusto mo lang i-please si Night," pagpapatuloy ko pa.

"I-please si Night?" Naguguluhang pagkakatanong nito sa'kin.

Nginitian ko siya atyaka tumayo mula sa kama ko. Lumapit ako sa kanya at tinapik siya sa may kanang braso.

"Ikaw ah! Hindi mo naman sinabi sa'king gusto mo pala 'yung kapatid ko. Pero okay rin 'yun para kahit papano nakapag-exercise din 'tong mataba kong utak," sabi ko sa kanya sabay kindat pa atyaka ko na ulit siya nginiti-ngitian.

"H-Ha?" Tanong ulit nito habang lukot na lukot ang noo.

Demigoddess - Daughter of PoseidonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon