xiii. observations

13.8K 499 38
                                    

xiii. observations

Nadatnan ako ni Neon na tulala. Nakakahiya kasi kailangan pa niyang i-snap 'yung fingers niya para makabalik ako sa reality. Nagulat din siya kasi bukas na lahat ng ilaw 'tas wala na 'yung Daddy niya. May hawak-hawak siyang bowl ng fruit salad sa kamay niya atyaka naka-apron pa siya. Siguro kung ako si Dani baka mas ma-appreciate ko pa 'yung appearance ni Neon kesa run sa pagkaing dala niya. 

Pero hindi ako si Dani at tao lang ako, nagugutom din. Kaya nung nakita ko na 'yung mga pagkain nakalimutan ko 'yung pinagsasabi kanina ni Uncle Hades atyaka ko na inatake 'yung pagkain.

"Uhmmm... asan si Daddy?" Tanong niya sa'kin habang pinapanood akong kumain. Nilunok ko muna 'yung nasa bibig ko atyaka uminom ng tubig.

Paano ba 'to? Anong sasabihin ko pumunta lang siya rito't inimbitahan ako para pakiusapan akong sirain 'yung relasyon niyo ng girlfriend mo, ganon? Eh 'di baka ipasuka pa sa'kin ni Neon 'yung kinain ko kapag ginawa ko 'yun :3 

Anyway, sinagot ko na lang din siya. Nagsinungaling ako.

"May emergency kasi sa Underworld," smooth na smooth na pagkakasabi ko sa kanya. Magaling kasi akong magsinungaling. I know hindi nakaka-proud na talent pero ganon talaga eh.

"Agad-agad? Hindi pa siya nakakain ah?" Sabi naman nito. Muntik na 'kong mag-snort sa kanya pero pinigilan ko sarili ko. 

"Emergency nga 'di ba?" Sagot ko naman sa kanya pero I tried my best na hindi mag-tonong rude. 

Sa wakas eh hinayaan na rin niya akong kumain. Ang sarap pala magluto ni Neon grabe bakit hindi na lang 'to tumira kina Kite para araw-araw akong may masarap na kinakain. Eh ewan ba, si Irene nagluluto pero medyo kulang sa timpla. 

Nung sa wakas eh nasa dessert na 'ko nag-open ako ng topic para hindi naman nakakahiya. Baka sabihin niya nakikikain lang ako ganon. Haaay...

"So magisa ka na lang dito? Bakit? Paano?" Sunod-sunod na tanong ko sa kanya. Kinukutsara niya lang 'yung pagkain niya pero hindi naman siya sumusubo. Parang pinapanood niya nga lang eh. 

"Kakamatay lang ng grandparents ko last month. Nagtratrabaho ako sa isang coffee shop ngayon para sustentuhan sarili ko. May mga part time jobs din ako," malungkot naman nitong pagkakasabi. 

Unlike Neon, nakakasurvive ako dahil may natirang pera si Mommy para sa'kin. Alam ko pa naman 'yung bank account ni Mommy na binigay sa'kin ng mga magulang niya nung huli akong bumisita sa dryland. Si Night maluwag-luwag din family ng Mommy niya. Kung tutuusin, ang swerte namin kasi hindi namin kailangang magtrabaho ng marami para makasurvive sa isang araw. Naawa naman ako ng konti kay Neon kaya napagdesisyonan kong hindi na mag-dwell dun sa kabuhayan niya.

Demigoddess - Daughter of PoseidonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon