note - hi guuuuuys hihihi gusto ko lang mag-thank you sa support niyo sa story na 'to at sa pagstick sa amin ni stacyyyyy hahaha anyway hanggang twenty chapters + epilogue lang tong story na 'to so yeahhhhh i will try my best to rock these remaining chapters mwa mwa x
_________________________________________
xii. hades's favorite demigod
; m e a n w h i l e ;
Kanina pa napapansin ni Zeus ang matatalim na tingin na ipinupukol ng kapatid niya sa projection na nagpapakita sa kanya sa kung anong ginagawa at kung nasaan ang anak niyang si Stacy. Kung pwede nga lang ay tuhugin niya na sa trident niya ang lalakeng kasama ng anak.
Natawa ang God of the Sky sa kapatid at animoy mas ginusto pang panoorin ang mga hindi kaaya-ayang expression na ipinapakita niya.
"How can you even laugh?! Look at this!" Inis na inis na sabi sa kanya ni Poseidon sabay turo sa projection gamit ang trident niya. "This impotent rodent taking advantage of my daughter! Ridiculous! I should turn him into a gold fish!" Pahayag pa ng galit na galit na Sea God na si Poseidon. Mas lalo lang natawa ang kapatid nito habang inaalala ang mga dati niyang nagawa.
"Can't blame you," Zeus finally blurted out. "Stacy Dane, favored by the gods. Sure, I can see why you're being overprotective," tinignan niya ng makahulugang tingin ang kapatid at nginisian.
Napasalampak si Poseidon sa kanyang trono na nasa right side ni Zeus at pinatay ang projection sa isang thud lang ng kanyang trident. Miss na miss niya na si Stacy. Ang pagiging unforgiving niya kapag may nasabi kang mali. Ang pagiging nakakainis niya kapag pinapaalala ang mga naging ex girlfriends niya at ang pagrereklamo niya sa inihain na seaweeds. Marami pang namimiss ang Sea God sa anak pero iniisip pa lang niya 'yun isa-isa ay mas lalo lang niyang gustong kuhanin na lang ang anak at baliwalain ang deal nila.
"Ganyan din ako kay Dani dati nung pinopormahan pa siya nung Cy," hindi inaasahang kwento ni Zeus. Nakatingin na lang silang dalawa sa hangin na para bang nanunood pa rin ng projection ni Stacy. "Stacy knows better. Come on, she's like Athena's apprentice!" Komento pa nito sabay ngisi sa kapatid.
"Yeah. She totally thinks like Athena," pagsang-ayon naman ng Sea God. "But she talks like you, holy me! She reminds me of you, always too proud and almighty," dagdag pa nito. Napatingin ito sa kapatid na kanina pa ngisi ng ngisi sa kanya. Tinitignan siya ni Zeus na para bang sinasabing 'of course she does, big plankton!'.
"I may have babysat her when she was a new born," saad ni Zeus habang wini-wiggle ang eyebrows niya sa kapatid.
Agad namang umayos ng upo si Poseidon at tinignan ang kapatid gamit ang kanyang mga matang nanganganib ng lumuwa. "A new born?! Pero sinama ko siya agad sa dagat!" Giit naman ng nakatatandang kapatid.
BINABASA MO ANG
Demigoddess - Daughter of Poseidon
Teen FictionDemigoddess Trilogy - 2/3 ♒ Mortals have pizza party, we have seaweed party. I'm a teenage demigod — too sassy for the gods, too sassy for the demigods, too sassy for you.