vi. hidden smile
Nagkibit balikat na lang ako atyaka nilapitan si Triton. Lol, what could go wrong with Triton? The whole sea community knows that he's such a baby. Naalala ko pa nung tinago ko 'yung trumpet niya, I don't know siguro mga ten ako 'tas fifteen na siya, ayon 'di niya alam gagawin niya sa buhay niya kulang na lang sabihin kong maglaslas na siya (pero sure ako gagawin niya 'yun kasi windang na windang na talaga siya) kasi nga hindi niya kayang mag-function nang wala 'yung instrument niya. Tawang-tawa ako sa kanya 'non kasi seryoso para talaga siyang bata 'tas nung nalaman niyang nasa akin nga eh sumbong agad siya sa nanay niya. Hahaha! What a wimp.
Anyway...
"Hello brother," wika ko sa kanya atyaka ginantihan din 'yung ngisi niya with my signature smile. Agad namang nabura 'yung kanya. Ayaw na ayaw niya kasing ginagawa ko 'to. Nakaka-intimidate daw. Atyaka ayaw niya rin pa lang tinatawag ko siyang 'brother' (lol para namang gusto ko rin talaga duh) kasi nga ayaw niyang maging ka-level namin ni Night. Bastards nga raw kami eh, tss.
"Kamusta na?" Tanong nito sa'kin. Sinubusukan niyang ibalik 'yung smug face niya kanina pero halatang nahihirapan siya. Nagagawa ko kasing pababain self esteem niya at hindi ko alam kung bakit. "Mukhang enjoy na enjoy ka na rito ah," sabi niya sa'kin.
"Yep thanks for asking," mabilis kong sagot sa kanya atyaka na sana ako aalis para makasabay pa 'ko kina Kite pauwi kung hindi lang niya ako hinigit sa pulso. Tinignan ko siya at nginitian. "Missed me, brother?"
"Father wants to see you," saad nito atyaka na ako binitawan. Napabuntong hininga na lang ako at sumama sa kanya.
'Di ko alam kung saan galing 'yung kotseng gamit niya pero wala na akong pake. I just want to get this all done and go home. Wala rin naman ako sa mood makipagkita kay Daddy. Ano namang sasabihin ko sa kanya? Kakakita nga lang namin kahapon ng isa tapos ngayon na naman? 'Di niya ba 'ko binabantayan from Olympus kaya kating-kati na siyang makita ako ulit?
Habang bored ako sa biyahe eh naisipan kong kulitin muna si Triton.
"So where's your trumpet? I thought you can't live without it?" Sabi ko sa kanya habang tinitignan siya. Mas kamukha niya nanay niya kesa kay Daddy.
"Shut up, Stacy. Don't ruin my day," seryoso niyang pagkakasabi atyaka na ulit siya nagfocus sa daan.
"Since when did you even learn how to drive?" Tanong ko ulit sa kanya. "Akala ko pagtru-trumpet lang alam mong gawin. Turns out you're capable of other things too," pagpapatuloy ko pa rin. Nakita kong humihigpit 'yung hawak niya sa manibela at sumasama na rin 'yung tingin niya. Hmmm, typical Triton. "Seriously, ilang taon mo 'yan prinactice?"
Hindi na ako nagulat nang bigla na lang siyang prumeno at tumingin sa'kin ng sobrang sama. Nginisian ko na lang siya. Hindi ko alam kung bakit gustong-gusto kong inisin si Triton pero ngayon alam ko na. Ang bilis-bilis niya kasing mainis. Atyaka siguro gumaganti lang ako sa kanya sa pagtawag niya sa'min ni Night na 'bastards'.
BINABASA MO ANG
Demigoddess - Daughter of Poseidon
Teen FictionDemigoddess Trilogy - 2/3 ♒ Mortals have pizza party, we have seaweed party. I'm a teenage demigod — too sassy for the gods, too sassy for the demigods, too sassy for you.