ii. arrow-ed

26.3K 831 252
                                    

ii. arrow-ed

"Okay, I know na nagkagusto ka sa kanya at nagkaron din siya ng something for you but fortunately eh inuna mo si Cy and I thank you for that," panimula ko. Lahat sila titig na titig sa'kin lalong-lalo na si Dani na siya namang kausap ko talaga ngayon. "But I don't see any reasons for me not to like Lord Apollo," dagdag ko pa atyaka ko ipinakita sa kanila 'yung signature smile (half smirk, half grin) ko na itinuro pa sa'kin ni Goddess Eris, goddess of discord or conflict. 

"Gaga ka ba? May girlfriend na kaya siya!" Bwelta naman sa'kin ng aking--ahem--pinsan na si Dani. Nginitian ko lang ulit siya tyaka tinawanan.

"Kasal na ba?" Bawi ko naman sa kanya. Inirapan na lang ako nito at nagcross arms. "I appreciate your enthusiasm towards my love life but I prefer if you'll worry for yours since Neon keeps on looking at me," saad ko sabay wink pa kay Neon. Of course, I'm just messing up with Dani para hindi na niya ako kulitin and as always, I succeeded in diverting her attention. Agad siyang napatingin kay Neon tapos 'yung tingin niya pa, alam niyo 'yung mother eagle na binabantayan mabuti 'yung target niya dahil baka may ibang makadagit? Ganon.

Pagkatapos nun eh umalis na silang dalawa atyaka naiwan na lang kami ni Kite. Since tapos na rin naman na 'yung mga quiz niya kuno eh napagpasyahan na naming umuwi na. As usual, daldalero pa rin siya. Sa susunod sigurong makakasabay ko siya sa sasakyan magbabaon na ako ng chainsaw para ako na pumutol sa dila nitong mokong na 'to. I'm sure papasalamatan ako ng buong mundo. Tinanong ko si Kite kung meron ba siyang earphones at iPod at agad naman niya itong ibinigay sa'kin.

"Kite," tawag ko sa kanya. 

"Yep?

"Can you raise your hand before you talk?" Tanong ko sa kanya. Nakafocus siya sa dinadaanan namin habang ako naman eh nakatingin sa kanya. Haaay, sayang sobrang pogi pa naman niya. Bakit pa siya pinanganak ng may dila?

"Why?" Atyaka na siya tumingin sa direksyon ko atyaka sa dinadaanan ulit namin. Paulit-ulit na ganon.

"So that I know when will I put these earphones on," sagot ko sa kanya sabay ngiti ng fake. Narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya atyaka na ulit siya nagfocus sa pagdra-drive.

And praise the lords, tahimik na ulit ang buong byahe pauwi sa bahay niya. Nang makarating na kami ng loob ng bahay ni Kite ay may sumalubong sa aming apat pang tao--or demigods. I mean, hindi ko na ini-expect na magkakaroon ng as in tunay na tao na kaibigan si Kite. Agad naman silang nagpakilala sa'kin atyaka nginitian ko na lang din sila dahil wala naman akong masabi. Hindi naman kasi masyadong importante 'yung mga parents nila (oops).

Tinawag ako ni Kite sa kwarto raw kung saan ako matutulog. Okay lang 'yung kwarto kaso nga lang puro puti. Mula bubong hanggang flooring puti. Wala man lang violet or pink. Ano 'to, mini Olympus? Pero in fairness naman sa Olympus ha, may gold na kulay dito wala!

Demigoddess - Daughter of PoseidonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon