ix. friendship tragedies

13.9K 500 36
                                    

ix. friendship tragedies

Kakatapos lang ng klase ko sa P.E. at ‘yun na ang last subject ko sa araw na ‘to. Syempre kapag pagod saan pa ba pupunta kundi sa canteen ‘di ba? Anyway, bago pa ‘ko makapunta sa canteen eh binanatan ko muna ‘yung bully run sa corridor. Hindi ko naman siya binugbog o kahit ano, nag-summon lang ng unting tubig para madulas siya sa dinadaanan niya. ‘Di ko nga inaasahang may mga bully pa rin sa college eh. Hindi naman sa ako ‘yung pini-peste niya, pagod na pagod na kasi akong makita ‘yung mga nerds (‘yung alam niyo na helpless) sa sulok habang pinapahiya nung walang utak na ‘yon. Nabaliktad na nga ata ang earth. Kung sino pa ‘yung mga walang laman ang utak sila pa umaastang superior. Kaloka lang.

So ayon, tumungo na ‘ko sa canteen at hindi pa man ako nakakapasok dun eh natanaw ko na ang buong barkada nila Dani na nakaupo two tables away from the door. Syempre nandun ‘yung apat na demigods na sinubukan kong kaibiganin, si Neon, si Kite, si Night at si Dani mismo. Habang naglalakad ako papalapit sa kanila sumagi sa isip ko kung bakit hindi nila ako iniimbitahan sa table nila. Agad ko rin namang nasagot ‘yung tanong ko kasi syempre ‘di pa nila ako ganon kakilala atyaka hindi ata nagkakasundo mga schedules namin.

Nung nasa door frame na ‘ko eh bigla akong natigilan ng marinig kong ako pala ‘yung pinaguusapan nila. Syempre huminto ako saglit para pakiramdaman kung maganda ba ‘yung sinasabi nila tungkol sa’kin.

Kailan mo ba maisasama ‘yang kapatid mo pabalik sa ilalim ng dagat ha, Night?” Tanong ni Cherish sa kapatid ko. As usual may mga tarot card siya sa magkabilang kamay. Ni hindi nga niya tinignan si Night habang nagtatanong eh, basta naka-focus lang siya run sa mga cards niya. As if namang magsasalita ‘yung mga ‘yun at sasabihin sa kanya ang future niya. ‘Cherish, mag-asawa ka na lang ng mayaman kesa umasang may magpapaloko sa panghuhula mo sa hinaharap.’ – ‘Yung mga ganyan ba?

We’re working on it,” sagot naman ni Night. Ulol, working on it? Anong ginagawa niya nagpapakalasing dahil ayaw siyang balikan nung malansa niyang ex? Wow, nice idea brother! I’ll definitely go back with you, (P.S. SARCASM). Atyaka anong we? Sinong we? Sila ni Daddy? Oh come on.

Ibinaba na ni Cherish ‘yung mga tarot cards niya. “Bilis-bilisan mo lang kasi ‘pag ako lalong nainis, kakaliskisan ko ‘yang kapatid mo!” Pagbabanta naman nito.  Napa-irap na lamang ako.

Ano bang ginawa niya sa’yo?” Tanong naman ni Night sa kanya.

Bigla namang sumingit sa usapan si Hector na kanina eh punas ng punas ng lamesa. “Correction, ‘sa inyo’,” atyaka na ulit siya nag-spray ng disinfectant sa mesa.

Sinabihan niya kasi ako ‘tas si Mommy na useless,” paliwanag naman ni Cherish. Nope, not gonna feel guilty. Just saying the truth.

Agad namang nag-react ‘yung ibang demigods. Kesyo ang harsh ko raw tapos ‘di ko alam sinasabi ko (like seriously?), na dapat raw hindi na ‘ko nagsasalita kasi wala namang kahit anong magandang lumalabas sa bibig ko (yep I agree kasi imbes na maganda, totoo ang mga lumalabas sa bibig ko) and etcetera.  Lahat ng sinabi nila idinaan ko na lang sa irap.

Demigoddess - Daughter of PoseidonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon