viii. temperature rising
Okay na after almost ten minutes of waiting para sa sagot ni Kite eh ayon, friends na kami. 'Di ko ine-expect na siya pa magiging una kong kaibigan dito samantalang sobrang messed up ng ugali niya para sa'kin. Pero kasi mabait siya sa'kin 'tas hindi naman na siya masyadong nagdadadaldal (except 'pag kasama niya sina Dani ganon).
Pagbalik namin ni Kite sa bahay nila eh marami pa ring tao. Since wala naman akong ka-mingle dun napagdesisyonan ko na lang na pumasok na sa kwarto ko. I know na hindi ako makakatulog dahil sa ingay nila pero gusto ko lang magpahinga at mahiga sa kama ko.
Pero pagkapasok ko sa kwarto ko tumambad sa'kin ang poging-poging god of love na si Eros. Nakaupo siya sa kama ko atyaka nung nakita niya na 'kong pumasok eh ngumiti siya kaagad sa'kin. Isinara ko naman agad 'yung pinto ko't baka may makakita pa sa kanya. Tumayo siya at bumati sa'kin.
"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko sa kanya. Nakita ko sa likuran niya 'yung bintana ko at bukas na bukas 'yun kaya na-figure out ko na kung paano siya nakapunta rito.
"Tinakbuhan kita nung date sana natin kaya naisip kong bumawi sa'yo," sagot nito sa'kin sabay kamot pa ng nape niya. Na-cute-an naman ako sa ginawa niya so nangiti agad ako. Para kas siyang shy teenage boy na gusto kang dalhin sa prom niya.
"Why now?" Tanong ko ulit sa kanya. Kasi seryoso, date? Maya-maya eh magtu-twelve midnight na.
Umiling-iling ito. "Feels like the perfect timing," saad niya.
Hindi pa rin naman ako makakatulog sooner or later? Hindi rin naman ako makikiparty run sa mga nasa labas? At mas lalong hindi ko kakayaning pumirme sa bahay para lang ma-bored. Alam kong sinabi ko kaninang magpapahinga ako pero ewan ba, nawala bigla. Nakita ko lang 'tong si Eros, poof! Nawala na.
"Fine," sagot ko sa kanya.
Lumawak 'yung ngiti niya tyaka niya 'ko biglang hinila sa kanya at niyakap ako. 'Di na 'ko nagulat kasi alangan namang dumaan kami run sa entrance door eh 'di nakita nung mga nandun 'to, syempre ililipad niya 'ko palabas sa bintana ko.
Nung nakalabas na kami sa may bintana at lumilipad na sa himpapawid, binuksan ko na 'yung mga mata ko't tumingin sa ibaba. Hindi naman ako takot sa heights kaya kahit papaano eh keri lang.
Tumagal ng halos trenta minuto 'yung paglipad niya sa'kin. Kahit papaano eh natuwa naman ako kasi parang nalibot ko na rin 'yung buong town, zoom out nga lang. Ibinaba niya 'ko sa pinakaulo ng isang tower at pinaupo ako run. Umupo rin siya sa tabi ko't hinawakan 'yung left hand ko. Nung tinanong ko kung bakit eh sabi niya baka raw mahulog ako. Tinawanan ko na lang siya 'tas hinayaan.
"Dito ako pumupunta kapag nagaaway kami ni..." tumingin si Eros sa'kin na parang humihingi ng pahintulot ituloy 'yung sentence niya. "Alam mo na," sabi nito. May common sense naman ako kaya hinayaan ko na lang at tumango.

BINABASA MO ANG
Demigoddess - Daughter of Poseidon
Teen FictionDemigoddess Trilogy - 2/3 ♒ Mortals have pizza party, we have seaweed party. I'm a teenage demigod — too sassy for the gods, too sassy for the demigods, too sassy for you.