III. EXPOSED

6.9K 639 395
                                    

Magwayen’s Point of View


        Mabilis akong tumakbo at chineck lahat ng kwarto sa ikalawang palapag at ikatlong palapag, the bed all looked so similar. Pagkarating ko ay tinanong ko isa isa ang mga nakahalubilo ko kung saang realm sila nabibilang.

    “Ako, si Jenicka, si Trixie, si Ofelia, at pati na rin si Emilia, lahat kami Idol realm,” sagot ni Joy.

    “May oras ka pa bang magfangirl sa school namin, Magwayen?” tanong ni Tom na tila hindi mapakali at pinagpapawisan.

    “I’m trying to connect the dots,” simple kong sagot.

    “Si Tom at Mcline ay sa Athletic realm kabilang, si Tom ay myembro ng swimming team at si Mcline naman ay sa basketball. Si Azai ay sa Idol realm, singer siya at hindi man halata pero si Leonard ay sa Academic realm, he’s actually taking criminology and he is really smart at flexible rin yan, he can perform many stunts. Myembro rin kasi siya ng isang gymnast club noon,” dagdag pa ni Joy na kalmado lamang.

    “Sa ating lahat dito, si Jenicka, Trixie at Ofelia ang may pinaka malalim na galit kay Emilia, they have the motive to kill Lia!” wika ni Tom at nanlilinksik ang tingin sa tatlo.

    “At bakit ako nasama? Si Ofelia at Trixie lang naman ang galit talaga kay Emilia eh! Galit sila dahil iiwan kami ni Emilia at balak buwagin ang grupo naming apat. We’re a group but Emilia is planning to debut as a solo artist just like Joy!” naiinis na sumbat ni Jenicka.

    “Huwag mong ituro sa’min ang daliri mo Jenicka! Dahil kanina nga lang nag-away kayo ni Emilia dahil sinabuyan mo ng tubig si Magwayen!” pinigilan nila Leonard si Ofelia dahil aambang sasabunutan sana niya si Jenicka.

    Inayos ko ang listahan ng mga satingin ko ay suspect.

    Tinanggal ko si Mcline at Joy sa listahan dahil magdamag kaming magkakasama sa living room at dinner at hindi sila nawala sa paningin ko.

    Actually Azai and Trixie seems too suspicious dahil nawala silang dalawa ng sobrang tagal and they could have done it.

Then what was Azai’s tears for? Peke lang ba iyon?

    Hindi rin ako naniniwalang kayang iexecute mag-isa ni Jenicka ang krimen. Masakit man pakinggan pero tila ba’y ganda lang ang puhunan niya at hindi niya alam gamitin ang kanyang utak. She’s too stupid to commit this crime.

    Leonard and Tom seems suspicious. Hindi ako naniniwala sa rason nila. Maaring nagbihis si Tom dahil natalsikan ng dugo ang kanyang damit. Ngunit maari rin namang si Leonard ang suspek dahil, una sa lahat, kung naghilamos ka magigising ang wisyo mo kaya mahihirapan kang makatulog. Ngunit ang sabi niya ay nakatulog agad siya at nagising ng tumunog ang malaking orasan nila Emilia kaya bumaba na ito.

    Inumpisahan kong ipaliwanag lahat ng aking obserbasyon na hindi nahalata ng pulisya.

    “Sa unang tingin pa lamang sigurado na talaga akong hindi ito suicide. Dahil una, masmalaki ang butas at pagkawasak sa kanang sentido ni Emilia kumpara sa kanyang kaliwang sentido. Halatang tumagos ang bala sa kaliwang sentido at binaril siya sa kanang parte.

    Kung tama nga ang police inspector na suicide ito, dapat masmalaki ang sugat at butas sa kaliwang sentido ni Emilia dahil hawak niya ang baril sa kanyang kaliwang kamay.

    Ang malaking sugat sa kanang sentido ni Emilia ay indikasyon na binaril niya ang kanyang sarili sa kanan kung suicide nga ito at lumabas ang bala sa kaliwa, ngunit ang pistol na hawak niya ay nasa kanyang kaliwang kamay kaya imposible iyon.

MagwayenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon