CHAPTER 48 – AUTOPSY
MAGWAYEN'S POV
"Maglalakad ba tayo papunta sa unit ng babae?" tanong ko kay Eion at Azai. Alam ko namang malayo iyon, sobrang tahimik lang talaga nilang dalawa at naawkwardan ako kaya gusto ko lang mag-ingay.
"I'll drive my car while tailing both of you," napasinghap na lang ako sa sagot ni Azai. Ganun rin ang ginawa namin kanina noong pumunta kami sa Panlinugun Musuem.
"Kasya naman tayong tatlo sa kotse mo, tipid pa sa gas," komento ko pero hindi niya ako sinagot. "Ah, sabagay, si Em nga lang pala ang pwede sumakay sa kotse mo, the only exception," I said so bitterly.
"Paano mo nalaman kung saan at sino iyong babaeng pinagbigyan ni Art ng external hard drive?" tanong ko kay Eion. Nakasakay na ako ngayon sa motor niya at papunta kami ngayon sa Dias City kung saan nakatira ang babae.
"I texted Caelan's manager then he immediately told me, alam niya lahat kung sino ang mga babaeng nilalandi ng mga myembro ng CHAOS," sigaw niya. Ohh, makes sense, he's the manager after all!
"Tao po? May tao po ba dito?" sumisigaw ako ngayon dito sa harap ng unit ng babae habang kumakatok. Kasu mukhang wala namang tao.
Nahuli ko si Azai na nagpakawala ng kaunting tawa, "Why do you knock and act like an old lady?" tanong niya looking so amused.
Hindi naman ako nagpapacute pero bakit parang natatawa siya?Lumapit si Azai at pinihit ang doorknob ng pinto, nagkatinginan kaming tatlo hindi iyon nakalock. Nang makapasok kami sa loob ay tumambad sa amin ang tatlong babae.
One is already dead while the other two were crying quietly, mukhang shocked ang dalawa at hindi makagalaw.
"She's dead," wika ni Eion ng lapitan niya ng bahagya ang duguang babae na nakahandusay sa may sahig. Nakadapa ang bangkay ng babae sa malapit na nakabukas na malaking sliding door sa may veranda.
Tumakbo ako upang tiyakin kung tama ba ang usisa ni Eion. Mukhang maraming litro ng dugo ang nawala sa dalaga, hindi ko naman maaring galawin ang bangkay nito upang tignan kung saang parte galing ang dugo. That would be tampering the crime scene. Nakaside ang ulo ng babae at nakamulat pa ang kanyang mga mata. The dead girl's body was facing the other two.
Tinignan kong mabuti katawan and I saw a gunshot on her back. Hindi ko iyon agad napansin dahil punong puno ng dugo ang likuran ng kanyang damit.
Sa kaliwang kamay ng dalaga ay natanaw kong may hawak siyang sigarilyo, kalahati na ang nahithit at hindi pa nauubos. Her lips were also dark and signs on her fingers were visible that she was indeed a heavy smoker.
Sa kanang naman ay nakataas ang hinlalaki, hintuturo at middle finger ng babae, there was also a gun near her right hand.
BINABASA MO ANG
Magwayen
Misterio / SuspensoDo you have what it takes to help the detective-student, Magwayen Imperio, solve murders and decipher codes in an academy full of mysterious elites and bloody secrets? If you do, then make sure not to fret and just put your life on bet because the c...