XXV. DEDUCT1ON

3.7K 289 53
                                    

Magwayen’s Point of View

    Hindi ko na sinayang ang oras ko sa pakikipagsumbatan sa lalaking pula ang buhok, “By the way, I’m Savier,” usal niya kaya inabot ko na lang ang kamay niya para hindi naman niya sabihing bastos akong bata at nakipagkamay.

    Inumpisahang ikwento ni Mcline ang nasaksihan niya, “Sa totoo lang kasama namin kaninang umaga dito si erp Azai, kasu bigla na lang tumunog yung cellphone niya tapos nagpaalam siyang aalis.”

    “Anong oras iyon?” tanong ko.

    “Saktong 9:30 siya umalis dito sa condo eh. Kasama namin si Trixie, Joy, Jenicka kanina. Si orb Tom lumabas para bumili ng makakakain dahil balak naming magmovie marathon.  Kaya naiwan ako kasama iyong tatlong babae. Sakto namang tumawag ‘tong si Ten at sinabing papunta na sa condo ni Jenicka,” wika ni Macline. Condo pala kasi ni Jenicka ang unit na ito.

    “Sino si Ten?”

    “Si erp Savier. Palayaw niya kasi yung Ten,” napansin ko ang pagtaas ng kilay ni Jenicka at bigla niyang pagsingit, “It’s not his nickname. Ipinangalan lang ng ex niya ‘yun no! It’s not like it’s his official nickname! So baduy and yuck!” naiirita niyang sumbat kay Mcline.

    “Sinong ex niya?”

    “And why are you so interested with my boyfriend’s ex? May gusto ka sa boyfriend ko ‘no? Aminin mo na! Kanina pa kita napapansin na patingin tingin kay Savier!” and here we go again, balik na siya sa masungit at pala away niyang karakteridad. Hindi na siguro niya kinayang umarteng mahinhin sa tabi ng boyfriend niya.

    “Le—Leanne is my ex-girlfriend,” maluha luhang singit ni Savier at tila naiiyak. Marahil ay naaawa siya sa sinapit ng ex niya.

    Now I’m interested.

    “Anong oras tumalon si Leanne?” usisa ko muli at tinignan ang body language nilang tatlo. “Saktong 10:00 am siya tumalon, tandang tanda ko kasi mag-uumpisa na kanina sa TV iyong movie na panonoorin dapat namin,” sagot muli ni Mcline. Then he started to describe every detail of what he saw.

    “Dumating dito si erp Savier bandang 9:50 am tapos nagharutan sila ni Jenicka. Narinig kong nagring iyong cellphone ni erp Savier na nakalagay sa lamesa, yun pala tumatawawag si Leanne kaya sinagot iyon ni Jenicka,” biglang sumingit si Jenicka at siya na ang nagtuloy sa mga paliwanag.

    “That was around 9:58 am when Leanne called. She kept saying Savier’s name and good bye. Nairita ako kaya ibinato ko ‘yung cellphone kay Savier at sila ang nag-usap. Suddenly Savier was in hysterical, then seconds after tumakbo siya sa may terrace nitong unit ko and we followed him, we saw the falling body. Boom, Leanne’s dead,” mapait na kwento ni Jenicka at hindi manlang niya ipinakita na naaawa siya.

    “Anong sinabi sa’yo ni Leanne noong nag-usap kayo?”

    Hello! Hello! Hello! This is Leanne!I’m in the veranda, Savier. Watch me die, Good bye.

    ‘Yang labing lima na salita umano ang naging huling salita ni Leanne sakanya kaya nataranta siya at napatakbo sa may terrace, akala niya joke lamang umano ito dahil lively ang pagkakasambit ni Leanne nung una ngunit kinabahan daw siya dahil alam niya suicidal talaga ang kanyang ex-girlfriend. Napansin rin daw iyon ni Jenicka, napaka lively daw talaga kaya nairita siya.

    “Bakit pala kayo nagbreak ni Leanne, Savier?” tanong ko at talagang nainis na si Jenicka sa akin. “Why are you asking unnecessary stupid questions, slut!” pilit pinakalma ni Mcline at Savier si Jenicka bago sumagot ang binata. “I caught her having an affair,” matamlay niyang sagot.

MagwayenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon