Magwayen’s Point of View
Muling namuo sa mala anghel na mukha ni Elysia ang malawak at nakakabighaning ngiti, sabi sa’kin nila tita Elene dapat daw ay kamuhian ko siya dahil masama ang kanyang ugali ngunit hindi ko maintindihan ang sarili ko dahil kahit malademonyo ang kanyang pag-asta hindi ko maitagong tingalain pa rin siya ng bahagya. Isa kasi siyang Ly, kaya naniniwala akong may tsansa pa siyang maging kasing bait ng kanyang pinsan na si Emilia.
“Bingi ka ba, Magwayen? O baka naman ganyan talaga ang mga inutil at dukha, hindi marunong tumanggap ng pagkatalo?” bulong niya at ngayon ay itinutok ang mikropono sakanyang bunganga, “You heard Princess Niamh. Now, kneel!”
Pinalaki akong marangal ng aking lola at lolo, tinuruan nila akong tumanggap ng pagkatalo. Ngunit tila mali ito, alam kong sa pagsusulit na ito ay hindi ako talo! Alam kong tama ang aking konklusyon!
“Young lady, you should kneel,” muli akong tinapik ni prinsesa Niamh at tila kinukumbinseng lumuhod. Nanlambot na ang aking tuhod dahil hindi matanggap ng aking sistema na kamalian pala ang aking naging kasagutan.
“But not today. Because the one who’s going to kneel is you,” tinuro niya si Elysia at pareho kaming naguluhan at nagulat. Pati ang mga taong nakasubaybay sa amin ay napahigop ng hangin sa pagkalito at gulat.
“You must be mistaken, Princess Niamh. I got the right answer,” pilit na kinakalma ni Elysia ang timbre ng kanyang boses ngunit magkadikit na ang kanyang mga kilay, indikasyon na siya’y naiirita.
“No. All your deductions are misstep, inaccurate, and erroneous. Eva did not kill Jake, he killed himself. This young latecomer lady already proved it and got the evidences.” Napasinghap ako ng napakalalim sa kanyang sinambit, imbes na mabuhayan ako ng lakas ay tila mas nawalan lamang ako ng enerhiya at ito’y naitangay dahil sa pakiramdam ng pagkaligtas sa bingit ng pagbagsak sa mataas ng bangin.
“Now, kneel and accept your defeat,” ngunit imbes na lumuhod ay nanlinsik ang mga mata ni Elysia at napuno ito ng poot. “Ly’s never kneel and I will certainly not kneel just for a puppet and slave like her,” hindi ko inasahan ang kanyang sagot at maslalong hindi ko inakalang maraming tao ang susuporta sa ugali niyang ganito dahil malakas ang palakpakan ngayon matapos niyang bitawan ang kanyang tugon. Satingin ko’y galing ang mga palakpak na ito sa mga estudyante kapareho niyang nagkamali sa sagot.
“I said kneel!” lumapit si prinsesa Niamh sakanya at hinawakan ang magkabilang balikat at itinulak ito ng kay lakas pababa kaya naman siya’y napaluhod ng biglaan. Nakamarka ngayon ang muhi sa buong mukha ni Elysia.
Hindi nagtagal ang kanyang pagluhod, matapos ng limang segundo ay nakabangon ulit siya at agad na umalis sa entablado at umupo sa kanyang kinalalagyan kanina. “As promised, one fails and one succeeds. Congratulations to the 872 students who got it right and also to this young latecomer.”
Nagsipalakpakan ang lahat at ito’y tiyak na nakakabingi. Ngunit hindi ko magawang takpan ang aking tenga dahil tila ba’y nakakagaan rin pala ng damdamin marinig ang ganitong tunog, nakakatanggal ng problema. “I’ll let your behavior slide today but next time don’t be late,” bulong ni Prinsesa Niamh.
Pinaupo ako ng staff sa dulo ng upuan sa unang hilera at ito na lang talaga ang natitirang upuan, kaya naman pala alam ni prinsesa Niamh kung ilan ang bilang ng mga estudyante dahil pati mga upuan ay mayroon din namang numero.
Umalis na ang mga aktor at sila’y aming pinalakpakan. Ang lalaking si sir Keith pala’y kaya nagmukhang matanda dahil sa makeup at mga prosthetics na kanyang suot. Nagpatuloy ang sine upang ipakita kung paano sulbahin ng police inspector ang kaso at parehong pareho kami ng sagot! Matapos ng aming klase maraming estudyante ang nais makipagkaibigan sa akin, ako’y tiyak na nagalakan dahil dun.
BINABASA MO ANG
Magwayen
Mystery / ThrillerDo you have what it takes to help the detective-student, Magwayen Imperio, solve murders and decipher codes in an academy full of mysterious elites and bloody secrets? If you do, then make sure not to fret and just put your life on bet because the c...