LXVII. BACHELORS

2.6K 186 217
                                    

CHAPTER 67 – BACHELOR


MAGWAYEN'S POV


Habang hila ko ang aking maleta sa airport ay pinipigilan ko ang aking sarili na hindi maluha. Hindi ganitong senaryo ang inaakala kong mangyayari.

Akala ko sa oras na malaman kong buhay pa si Eion ay magiging madali ang lahat ngunit hudas nga pala ang tadhana at ginawang kay hirap ng sitwasyon para sa aming dalawa.


"Careful," I felt a hand on my waist supporting me para hindi ako matumba nang makapasok ako ng eroplano.

"Come on, M, don't cry," he said at pinunasan ang luhang nakapuslit sa aking pisngi.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko at umupo sa aking designated seat.

"Ihahatid kita," he simply answered at umupo sa tabi ko, mukhang tabi pa talaga kami.


"Hindi ako pupunta sa Divisoria, gala, Siargao o Palawan para magpahangin, get off! Your schedule is busy!" napalakas ang bunganga ko dahil sa gulat nang makita ko si Azai.

"I know," he answered while looking directly into my eyes. Pugto ang kanyang mga mata halatang namamaga pa dahil sakanyang malalang pag-iyak kahapon.

"Ihahatid kita sa kung saan ka masaya, can't I at least do that as your supportive boyfriend?" he said.

"Azai, we broke up yesterday!" giit ko ngunit umiling siya.

"Who said I agreed?" binulong niya iyon sa tenga ko. I felt shivers with his husky voice.


"Azai, please stop bothering me. I'm going to Eio—"

"You mean you're going to attend Eion's wedding?" he crossed his arm as he smirked.


"I know, kaya nga ihahatid kita, diba?" kumunot ang noo ko sa sinabi niya.


"Anong ibig mong sabihin?"


"Ihahatid kita para makita mong hindi talaga kayo ang para sa isa't isa. Para magising ka sa katotohanang kinabukasan pagkatapos ng kasal ay asawa na siya ni Elysia." Dumapo ang magaspang kong palad sa kanyang pisngi.

MagwayenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon