Magwayen’s Point of View
“Kung hindi siya, edi sino?” tanong ng inspector at nanlaki ang kanyang mata. “Si Azai ba?” pahabol pa niya at napahakbang ako palayo sakanya.
“Hindi po!”
“Kung gayon, sabihin mo na at nang makauwi na kayo.” Tumango ako at inumpisahan ko nang sabihin ang aking konklusyon. Kinuha ko muna ang kanilang atensyon. Kumpara sa mga pulis, hindi ko na kinailangan alamin ang opinion ng bawat taong sangkot, naging malinaw sa akin ang katotohan ng pagkamatay ng dalaga ng makita ko ang kanyang katawan at ang mga kotseng nakaparada.
“Ikaw, ikaw ang pumatay sakanya!” usal ko at tinuro ang lalaking napaka amo ng mukha. Hindi mo aakalahing kaya niya talagang gawin ito.
“Nagbibiro ka ba, Magwayen?” maangas niyang tanong. Nagulat ako dahil tinawag niya ako sa una kong pangalan, paano niya nalaman iyon?
“Narinig ko ang pangalan mo kanina, Magwayen, tama ba?” tumango ako at tumayo siya hila ang bakal at swero. “Ako si Herardo, ang nobyo ni Maricar, ang babaeng namatay,” malungkot niyang usal ngunit hindi ako nadala.
Bawat kilos niya ay mukhang kalkulado at tansyado.
“Bakit mo naman itinuturo sakin ang sala? Bakit ko naman gagasahain at papatayin ang aking nobya? Sagutin mo nga?” mapanudyo niyang sambit at nag-alab an gang apoy sa aking dibdib.
“Hindi ko alam,” wala sa katinuang sagot ko ngunit agad din akong bumawi. “All the evidences points towards you, that’s for sure.”
“Masyado kang magulo, sigurado ka bang alam mo ang sinasabi mo?” humakbang sa palapit ngunit nagtungo ako sa gawi ni Eion. Sa bawat galaw ng binatang ito, alam kong isa siyang delikadong tao.
I need to stay near my knight in shing armour, he’ll keep me safe, that’s certain.
“Ang biktimang babae ay hindi na rape. Ayon sa doctor ay ‘she had a recent sexual intercourse’ at iba iyon sa kaso ng rape. Makikita ang forceful act sa rape at sa sexual intercourse naman ay maslaidback ang muscles. At kanino satingin niyo ibibigay ng dalaga ang kanyang sarili? Sa truck driver?”
“Definitely not,” madiin na sagot ni Azai. Kumalabog ang aking puso dahil sakanyang tugon. Ibig sabihin pinapakinggan niya ako, hindi ba?
Nagwawala na naman ang puso ko ng wala sa tamang lugar!
“Kay Azai nga ba?”
“Possible,” sagot ni Eion na ikinalaki ng mata ko. Bakit naman niya sasabihin iyon? “But she ain’t my type, so no,” prangkang dagdag naman ni Azai at kalmado parin ang mukha.
“Kay Eion?”
“That’s just stupid,” side comment ni Azai at napatingin sakanya si Eion, “So are you,” wika niya at hindi sila nagbitawan ng titigan.
Anong problema nitong dalawa? Mukhang nagkakainitan ata sila?
“Eh sayo kaya, Herardo?”
“Ting Ting Ting! You got the right answer,” mapanudyong usal ni Azai at Eion nang sabay kaya muli na naman akong nagulat. “Maricar would only give herself towards you, kasi ikaw ang nobyo niya at alam niyang safe siya sayo.”
“Ano namang kaugnayan ng pagtatalik namin sa kasong ito?” naiinis niyang tanong at halata kong nagtitimpi na ng galit ang lalaki. “Klinaklaro ko lang muna na hindi panggagahasa ang naganap na krimeng ito, this is murder.”
BINABASA MO ANG
Magwayen
Mystery / ThrillerDo you have what it takes to help the detective-student, Magwayen Imperio, solve murders and decipher codes in an academy full of mysterious elites and bloody secrets? If you do, then make sure not to fret and just put your life on bet because the c...