XIV. UNRAVEL

4.6K 416 93
                                    

Magwayen's Point of View


Marahan ang pagkakatanggal ni Elysia ng piring sa aking mata, naging sobrang marahas siya kanina noong inilagay niya ito at talaga namang nagtaka ako kung bakit tila nagbago ang dampi ng kanya kamay sa aking likuran. Tila isang malakas na ihip ng hangin ang sumampal sa akin ng marinig ko ang libo libong estudyante na nagsisipalakpakan. Halos marindi ang tenga ko ngunit ng napatingin ako sa dako ni Elysia, abot anit ng buhok ang kanyang ngiti.

Mukha siyang anghel, nakasuot siya ng kulay asul na bistida, napaka tingkad nito at ganda! Bagay na bagay sa kanyang magandang mukha at makinis na kutis ang kanyang kasuotan. Napayuko ako at muling nanlumo, nakakahiya ang suot kong butas butas na maong at isang guns & roses na damit. Bigay pa sa akin ito ni lolo noong bata ako at hanggang ngayon ay kasya pa rin ito sa akin dahil maluwang ito dati noong ibinagay niya.

"Who is the killer?" mahinahon na wika ni Prinsesa Niamh ngunit tila hindi ako makapagsalita. Pakiramdam ko'y masgugustuhin ko na lang atang lumuhod at tanggapin ang pagbagsak sa unang pagsusulit, halos isang minuto akong natahimik. Ang palakpakan na ipinataw nila kay Elysia ay napalitan ng halakhak dahil sa katahimikang aking taglay, sa kanilang mata ako'y katatawanan dahil hindi ko matukoy ang mamamatay tao.

Siguro nga tama si Elysia, lumuhod na lang ako at tikman ang lupa at ng sa gayon ay maibalita ko ito sakanya.

Ayokong bawiin ang malapad na ngiti sa bibig ni Elysia ngunit tila sawa rin na ako sa pagtikim ng lupa, "Jake," iyan ang kusang lumabas sa bibig ko. Masnaging malakas ang tawa ng mga estudyante. Ngunit alam kong tama ang sagot ko. Noong inobserbahan ko ang pagkurap ng mata ni Prinsesa Niamh, nakatingin siya sa mga numerong naka tapat sa pangalan na Monica, Eva, at Keith, matapos ay nag-umpisa siyang tumawa ng tila nakakainsulto. Dahil doon napakiramdaman kong ang tatlong taong iyon ay tila walang kinalaman sa krimen. Apat lamang sila sa silid, tila walang pulis, marahil ay nasa labas ng silid.

Kung titignang mabuti ang detalye, tiyak akong ang pangalan ng manager ay Keith, dahil isa siya sa may mga pinaka maraming puntos na nakuha mula sa mga estudyante, ibig sabihin inaakala ng karamihan na isa siyang mamamatay tao. Habang ang Jake naman na pangalan ay ang may pinaka mababang puntos na siyang nagsasaad na hindi siya gaanong pinagdudahan ng marami dahil patay na siya. Inumpisahan kong ipaliwanag na ang mga estudyanteng bumoto kay Jake ay tama.

This is not a murder, this is suicide!

Ang babaeng nagngangalang Eva sa aking palagay ay ang babaeng may-ari ng hikaw na nasulyapan ko sa ibaba ng lamesa, siya ang mukhang mataray na babae na ngayon ay nakaupo sa swivel chair at ang natitira na lang ay ang pangalang Monica, ang may ari ng unit na ito. Nasulyapan ko rin sa may kalayuan kanina ang itim na wig na siguro ay ginagamit ni Monica sa kanyang mga palabas dahil mukha siyang sikat at modelo.

Hindi ko alam ang nangyare at mga detalye sa mga actor at ang kanilang mga pinag-usapan. Pati ang paghula ng nagmamay-ari ng nga pangalan ay purong hula lamang at kaunting kasiguraduhan Ngunit tiyak akong ang actor na si Keith ay akmang pupulutin ang buhok na hawak ni Jake.

Ika nga nila, bago tuluyang mamatay ang isang taong naghihingalo ay kumukuha ito ng bagay na maaari niyang mahawakan upang ipahiwatig kung sino ang pumatay. Pakiramdam ko ay naisip iyon ni Keith kaya naman ay kukuhanin niya sana ang isang hibla ng blonde'ng buhok na nakalagay sa palad ng biktima upang hindi maitutok sa babaeng nasa likuran niya ang krimen, satingin ko talaga'y Monica ang pangalan niya.

Ngunit kung ituturo ko ang sala kay Monica na siyang may blonde'ng buhok tila magiging mali ito. Kung nagkapisikalan si Jake at Monica dahil pilit sinasaksak ni Monica ang lalaki, hindi ba dapat nagkaroon pa ng lakas itong si Jake na sabunutan ang babae ng marahas at makakuha ng maraming hibla bago siya tuluyang mawalan ng lakas? Ngunit bakit iisang hibla lang ang hawak niya? Malaki ang katawan ng biktima at kung magkakasakitan man sila ni Monica, halatang matatalo ang babae dahil napakapayat nito. Satingin ko'y ang hibla ng buhok na hawak niya ay galing sa suklay na namataan ko kanina sa ilalim ng lamesa.

MagwayenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon