XXXIV. MISTAKEN

3K 259 49
                                    

CHAPTER 44 – MISTAKEN

MAGWAYEN'S POV

"Sandali lang po, mukhang nagkakamali kayo," hindi ako naging bayolente, kalmado pa rin ako dahil una sa lahat ay alam kong wala akong kasalanan dito.

Akala'y ko sa presinto nila ako dadalhin pero dinala nila ako sa kabilang silid ng presidential suite.

Tinanggal ng pulis ang posas at umalis. Kaming dalawa lang ng manager ng CHAOS ang natira sa silid.

"I'm Joshua, obviously, their manager," umupo sa may wooden chair at itinuro ang kaharap nun, tila inuutusan akong umupo rin. Napapagitnaan kami ngayon ng lamesa. He's around 29-33, hindi masyadong matanda ngunit hindi rin naman ganoon kabata tignan. Simple lang ang suot niya. Naka black trousers at polo shirt.

"Iyong nangyari kanina, forget that. That was just an act," napasinghap ako. Masyado ng magulo, hindi ko na maintindihan ang nangyayare.

"Trabaho kong protektahan ang image ng CHAOS at isa pa, they're our talents so I need to keep them safe."

"Pwede po bang sabihin niyo na lang kung anong gusto niyong iparating, huwag niyo na po kayong magpaligoy ligoy pa." I sounded so respectful yet mad.

Hindi naman sa naiinip ako, pero hindi ako natutuwa sa mga nangyayare. Masyadong magulo at maraming pasikot sikot.

"Caelan's life is in danger. We know someone's trying to kill him, we just can't figure it out, he's been trying to insist that maybe one of his groupmate's the killer, so Joshua decided to fakely arrest you in that room in case the killer was awake so he could hear it and be put at ease," napatingin ako sa pinto, tinig iyon ni Princess Niamh na nagpapaliwanag.

"He's a royal blood, we can't just sit around and do nothing," lumapit si Princess Niamh at linapag sa harapan namin ang iba't ibang test results mula sa blood, urine, vomit at iba pang liquid samples na nakuha ng mga doctor kina Caelan.

"Figure something out base from these results. I think this should give enough hints for you to solve the case already," wika niya at tinignan ako ng mataimtim. "In addition to that, they also told me that the poison was mixed with the liquor."

Base sa resulta, si Sin ang may pinaka maraming poison intake, sumunod si Caelan, Owshieev at si Art ang may pinaka kaunti.

"Sir Joshua, namumukhaan niyo po ba ang mga babaeng kasama namin kanina sa bar?" tanong ko, there's a very little chance that they might be involved.

"Mula sila sa Idol Realm, they're training as trios and they might debut next year," seryoso naman niyang sagot.

"I've already talked to them, they're completely harmless. They were also poisoned," giit naman ni Princess Niamh. Tumango ako, I trust her words.

Isa kina Art, Owshieev at Sin ang killer... but who could it be?

Kung hindi ako nagkakamali, the voice that I heard belonged to Art, pero hindi namamatch ang ibang detalye. Mayroon siyang belt na pagmamay ari at isa pa, ang sapatos na nakita ko noon habang nagtatago ako sa ilalim ng lamesa ay pareho sa sapatos na natapakan ko kanina, iyong sapatos ni Caelan!

Pakiramdam ko isa akong kinder ngayon na naglalaro ng matching type. Ang problema nga lang, I can't match the clues properly!

Inilabas ko ang belt na tinatago ko, iyong belt na napulot ko at pinakita iyon sa manager nila. It has four holes at ang unang butas ay worn out na.

"Bakit po apat na butas lang ang meron sa belt na ito?" tanong ko kay sir Joshua.

"Bakit ka meron niyan?" imbes na sagutin ako ay bwineltahan pa ako ng isa pang tanong.

"Ah, kay Caelan po," pagsisinungaling ko trying to test his wit.

"Hindi naman kay Caelan iyan ha," wika niya.

I knew it! Sabi na especial talaga ang belt na ito!

"I know because I'm their manager. Those belts were mainly made for CHAOS members, hindi for sale kaya customized ang belt na iyan. Each holes represents the member's figure base from their chosen length according to their body," pagpapaliwanag niya.

"Caelan's belt is worn out on the third hole, not the first one," singit ni Princess Niamh.

Ngumiti lang ako at pakiramdam ko'y napagdugtong dugtong ko na ang mga hints.

The Voice.
The shoes.
The belt.
The liquor.
The poison.

"I've connected the dots properly!" sigaw ko at napatingin sa akin sila Princess Niamh at sir Joshua.

I insisted na ipatawag na lang dito sa kabilang kwarto ang killer lalo na't may malay na silang lahat pero umalma si Princess Niamh dahil gusto umano niyang marinig ng ibang myembro ang totoong nangyayare.

"Now, tell us who that damned bastard is!" halata sa tono ng boses ni Princess Niamh ang galit.

"It was obviously you, you're the one responsible for this," wika ko.

I used the word 'this' because I am only sure that he's the one to blame for what happened today. I am not entirely sure if he was the one who've been trying to kill Caelan on the past months.

"Excuse me? Me? What's happening here? Kagigising ko lang," wika ni Sin habang kinukusot ang kanyang mata.

"What am I responsible for?" tanong niya ulit at napasinghap ako.

"Higa ka muna," utos ko at ginawa naman niya. Inulit ko ang sinabi ko kanina at ngayon hindi na nakaharang si Sin, nakaturo na ang mga daliri ko sa tunay na salarin. The one who's bed is right next to him.

"What's going on? Why are you so noisy? Can't you see we're not in the mood to do fan service?" tumingin ako sa likuran ko upang irapan si Owshieev. Hindi ko siya sinagot, tinaasan ko lang siya ng kilay.

"You're the one who ordered the waitress to put poison on the liquor... Arturo," I said and he looked at me in disbelief and laughed.

"Anong bang pinagsasabi mo? Manager, ilabas niyo nga itong babaeng ito. She seems liked she's not in the right state of her mind right now," usal niya habang tumatawa.

"Drop the act, Arturo. We already know what you did," matigas ang pagkakabigkas ni sir Joshua sa kanyang mga salita. He doesn't seemed amused with Art's reaction.

"I'm confused, miss. You're trying to blame me? I got poisoned too!" he's laughing while he's answering. Satingin niya siguro'y malakas ang alibi niya at makakalusot siya.

"Ano naman ngayon kung napoison ka?" tinaasan ko siya ng kilay upang ipakita sakanyang hindi lang siya ang may matibay na pinaghahawakan.

"Come on! Think of it, why would I put my life in danger just to kill Caelan?"

"No one ever mentioned that you were trying to kill Caelan," bwelta ko at kumurba sa aking labi ang mapang asar na ngiti.

Huli ka!

"Why are you blaming me anyway? Dapat si sir Joshua ang sinisisi niyo lalo na't siya ang nagsabi sa aming lahat na pumunta sa bar na iyon!" sigaw niya na parang galit na.

Tinignan ko si Caelan, tahimik lang siya at taimtim na nakikinig sa aming usapan. Pati sila Sin at Owshieev ay mukhang walang balak sumawsaw sa usapan.

"Una sa lahat, alam kong balak mong patayin si Caelan pagmagpeperform na kayo para sa closing remarks ng practical exams, I heard all of it. Huwag ka ng mag-inarte diyan, I just needed evidence and I needed to caught you on act."

"What the fuck are you talking about? Siraulo kang bata ka!" sigaw niya at tumayo sa hospital bed.

"Sayo 'to diba?" tanong ko at pinakita ang belt niyang napulot ko noon. He nodded and we all laughed. He was so confused.

"Tumingin ka sa drawer, sa may tabi ng higaan mo. Diyaan nilagay ng mga nurse ang mga gamit mo, nandiyan din ang belt na suot mo kanina." Nang buksan niya iyon ay agad niyang tinikom ang bibig niya dahil may isa pang belt doon.

"I know you stole my belt, we all know that, hindi lang ako nagreklamo dahil masmatanda ka sakin ng isang taon. That's why I acted like I lost it," singit ni Sin.

Ang belt kasi na sinusuot ni Art ay worn out na sa fourth hole, halata iyon dahil sa unang butas niya nilalagay ang belt kaya visible ang ibang butas. If he was the real owner of that belt then the fourth hole wouldn't be worn out. Sin is obviously the owner of that belt dahil siya ang may pinaka malaking katawan sakanilang lahat.

Small details like those matters, big time.

"Wala ka ng takas Art, nahalata ko lahat ng kilos mo. Everything was calculated. You were manipulating everybody in that VIP room. You asked the girl to conduct that drinking contest, una palang nagtaka na ako kung bakit sobrang bilis mong uminom. Walang tigil kahit na tumitirik na ang mata mo."

"It's a drinking contest, what the hell did you expect? Panoorin ko ang alak na uminit sa lamesa?" mapanuya niyang sagot.

"Sa kanilang lahat ikaw ang may pinaka maraming nainom, pero base sa resulta na nakalap ng mga doctor, ikaw din ang may pinaka kaunting poison intake. Ang goal niyo sa pagpunta sa bar ay mag-usap usap at magreconcile hindi magpaunahan lang sa pag-inom. Sin, Owshieev and Caelan was aware of that kaya mabagal lang sila uminom. Yet, you knew that the poison would cause more damage to your body if you don't drink the liquor faster, dahil ang poison ay nasa ice," hahakbang sana siya palapit sa akin ngunit natahimik siya.

"You teased Sin to flipped the table para hindi madaling makalap ng mga imbestigador ang main source ng poison, you were manipulating everybody on that event," wika ko and he looked so defeated.

Hindi na siya umalma pa noong pumasok ang mga regal police upang arestuhin siya.

Caelan went back to bed and covered himself with his blanket. Hindi ko na siya ginulo dahil baka gulat pa rin siya sa mga pangyayari.

Princess Niamh and sir Joshua thanked me for unravelling the truth. Little did they know I was also doing it for my own gain, I need those letters from Caelan.

For me to solve Emilia's death... for Azai to look at me again... for our forgotten past and for my pursuit of love.

MagwayenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon