LIII. NECKLACE

4K 286 219
                                    

CHAPTER 53 – NECKLACE

MAGWAYEN'S POV

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Sobrang sakit ng aking ulo at wala akong matandaan sa mga nangyari kagabi. Ang natatandaan ko lang ay nakatulog ako sa sahig.

Sumilip ako sa ilalim ng kumot at nakitang wala akong ni isang suot. Tinignan ko ulit iyon at nakitang may suot pa naman si Eion na boxer ngunit ako ay wala talaga.

Pinakiramdaman ko ng mabuti ang katawan ko ngunit wala namang masakit sa akin. Mukhang walang nangyare, ngunit bakit wala akong suot?

Bigla kong naalala ang payo ng babaeng nakainuman ko kagabi, "Go and take the risk, okay? Kapag nagwork edi yehey, kapag hindi edi shot," iyan mismo ang payo niya.

Huminga ako ng malalim habang pinapanood ang mahimbing na tulog ni Eion. Hindi naman ako makabangon dahil baka magising siya lalo na't nakapulupot ang kanang kamay niya sa bewang ko.

"I think I'm ready to risk it all," I whispered. Mukhang tulog pa siya at siguradong hindi naman niya naririnig ang mga sinasabi ko kaya naisipan kong practice'n ang mga sasabihin ko sakanya mamayang breakfast.

"You mean the world to me and I don't want to lose my world. But after a few realization I think I'm ready now... I'm ready to be honest with myself, no more denying of feelings because I'm ready to get hurt as long as it's you. This time I know I won't lose you, I'll do anything to keep you," I added.

Biglang sumakit ang ulo ko at pakiradam ko'y nasabi ko na iyon, pero wala akong ala-ala kung kailan at saan.

Go and take the risk! Kapag nagwork edi yehey, kapag hindi edi shot!

"I love you, Eion," I murmured as I leaned to kiss his cheeks while he's sleeping.

"I know," he replied and his hand crawled to my waist tighter as he pulled me closer to him. Hindi niya minulat ang kanyang mga mata ngunit kumurba ang ngiti sakanyang labi bilang palatandaan na gising na siya.

Nanuyot ang aking lalamunan, ibig sabihin ba nito'y narinig niya ang mga sinabi ko kanina?

Hinaplos niya ang aking buhok at kinulong sa mainit niyang bisig, "I have fallen for you, Magwayen, body and soul," he said as he left a peck of kiss on my forehead.

Namula ang pisnge ko at nag-umpisang uminit ang aking buong katawan. Hindi ko alam kung anong ireresponde at hindi ko alam kung paano ang tamang reaksyon.

Ang alam ko lang ay sobrang saya ko, pakiramdam ko'y nangangarera ang puso ko sa bilis ng pintig nito.

"Tayo na ba?" I asked as I covered my face in embarrassment.

"No," he simply answered and stood up. Pinikit ko ang mata ko dahil alam kong nakaboxer lang siya ngayon.







Kumirot ang puso ko sa sagot niya— I mean, bakit hindi?






"I'm gonna formally court you and ask the permission of your family first, okay?" he said. Narinig ko ang tunog ng cabinet, marahil ay nagbibihis na siya.

"Okay," sagot ko habang nakapikit parin. Naramdam ko ang mainit niyang palad na hinila ang aking palapulsuhan, napa upo tuloy ako bigla.

"You can open your eyes now," utos niya kaya sinunod ko naman, bumungad tuloy sa akin ang napaka pogi niyang mukha na sobrang lapit ngayon sa akin, he kissed me on my lips for a second and released a cute smile.

Naka suot siya ng vneck white shirt at gray na shorts, "Wear this," utos niya at inabot ang manipis na strapless tube beach dress. Kulay orange ito at blue naman sa baba.

MagwayenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon