XI. STAGED

5.3K 442 92
                                    

Magwayen’s Point of View


    Halos malukot ang mukha ko dahil ang inaakala kong kaibigan ko na kaedad ko lamang ay 20 years old na pala! Akala ko kasi normal na sa mga dayuhan iyong magmukhang sobrang mature pero bata pa pala, kaya inakala ko na lang agad na 16 rin si Eion. Ganun kasi ‘yong mga napapanood ko sa teleserye at iyong mga dayuhang kaklase ko noon na hindi ko rin naman nakuhang makausap dahil sa mga issueng kumakalat tungkol sa akin at aking pamilya sa eskwela namin.

    “I better go to my class. Good luck, Magwayen!” ika niya at lumiko na sa ibang daan dahil magkalayo kami ng building na pupuntahan. Hindi ko mawari kung masaya ba siya o nalungkot, siguro kagaya ko lang rin na kabado. Sinundan ko na lang ang hawak kong mapa at nakarating rin ng on time sa klase ko.

    Pero noong mag-umpisang magroll call iyong guro, nagtaka ako kung bakit hindi ako natawag, aba ‘yun pala nasa maling classroom ako at hindi lang iyon dahil nasa maling building at lugar rin ako.

    For the love of heaven! Baliktad pala iyong pagkakahawak ko sa mapa!  First day na first day umiiral ang pagka istupido ko!

    I was forty five minutes late in my class at ng makarating ako roon walang tao sa silid. Halos mawindang na ako kakahanap ng mga tao dahil ang buong building para sa mga kagaya kong Senior High grade 11 ay napakatahimik! Nang makakita ako ng janitor itinanong ko kung saan sila lahat nagpunta at sabi niya ay sa kabilang building umano sa may malawak na classroom. Kaya naman kumaripas ulit ako ng takbo patungo roon.

    I wasn’t even able to appreciate the place and the classroom dahil sa sobrang kabado ko. Pero ang totoo niyan yung mga building bawat kanto ay may iba ibang disenyo, yung iba gawa sa pure glass at nakakasilaw, iyong iba naman bricks. Mayroon rin namang mga gawa sa kahoy pero elegante. Iyong unang classroom na pinuntahan ko ay nakapaloob sa isang glass designed building at sobrang ganda. Ang totoo kong classroom ay nasa loob naman ng bricks designed building at pakiramdam mo talaga ay nasa ibang bansa ka dahil sobrang elegante ng motif ng aming classroom.

    Nang makarating ako sa building na sinabi ng janitor nagtaka ako dahil kakaiba ang architectural design nito sa labas, pacurve siya kung titignan mo. Pinasakay ako ng guard sa elevator at sinabi niyang sa eight floor daw ako bumaba dahil naroon ang entrance patungo sa klaseng pupuntahan ko.

Halos mapa nganga ako dahil sobrang lawak ng silid na aking pinasukan. Hindi ito mukhang classroom, mukha itong theatre at discussion room. Parang pangkolehiyo ang design at may mga pahabang lamesa bawat linya ng mga upuan upang makapagsulat ang mga estudyante! Nasa may pinto ako ngayon at kailangan kong lumakad sa gitna ng hagdan upang makababa at makaupo.

Nagulat ako ng biglang tumutok sa akin ang spot light, “You’re an hour late to this class!” naiiritang sambit ng babaeng may hawak ng micropono. Nakasuot siya ng formal attire at may sash siyang kulay violet. Sa likuran niya ay may napaka laking screen at naka pause ito sa isang scene, tila crime scene kung mamarapatin. Napansin ko rin na hindi mga sikat na Filipina at Filipino actors iyong mga gumanap, tila mula sila dito sa idol realm ng paaralan.

“Sorry po, naligaw po kasi ako.” Tugon ko naman at yumuko but for some reason tila narinig niya ang rason ko. Inilibot ko ang mata ko sa buong lugar at halos maluha ako dahil napakaraming tao!

Sobrang dami!

“Wala akong pake sa rason mo. Join me here in the stage, quickly!” Pakiramdam ko lulundag ang puso ko palabas ng katawan ko dahil nakakatakot ng pagkakasabi niya ng quickly, halatang iritado na talaga.

MagwayenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon