XVIII. CHAOTIC

4.4K 374 140
                                    

Eion’s Point of View

    Noong makabalik ako sa aking unit ay sigurado akong dumaan dito si Vante. The huge sliding window was open and the sofa was disarrange. Marahil ay hindi na niya ako nahintay kaya umalis na. Hindi ko rin naman inakalang gagabihin ako dahil alas dose na ngayon at ramdam ko na rin ang pagod sa aking katawan. Bukas na lang siguro ako mag-uumpisang magplano.

    Muling sumilay ang maliwanag na aninag ng araw at nagising ako, gaya kahapon ay hanggang kanto lamang ang aming nilakad ni Magwayen at kami’y naglakad na muli patungo sa aming sari-sariling silid. May kalayuan ito dahil sa siudad ng Venus pa ito nakatirik ngunit ang aming tinitirhan ay sobrang lapit lamang sa siudad ng Venus dahil wala sa sentro ng aming siudad ang building ng aming condo, nakatirik kasi ito sa siudad ng Earth.
  
    Alas singko pa lamang ay pinauwi na kami ng aming guro dahil ituloy na lang umano namin sa aming mga condo ang takdang aralin na kanilang ipinataw. Naisipan kong sunduin si Magwayen sa kanilang klase, nakakairita man ngunit tiniis ko ang mga mapanghusgang tingin mula sa mga taong nakakadaan sa akin. We were the apple of their eyes, I looked horrible and she looked like a goddess. Perhaps everybody is laughing at us in their heads, that’s what people with low IQ do anyway.

    Tila nagulat siya sa presensya ko ngunit mukhang masproblemado siya sa pagsulba sa mga hint na iniwan ng babaeng nagngangalang Ofelia. I hate seeing her so down and tired, nahahawa ako.

    Kahapon ko pa natukoy ang sagot sa mga hint na iniwan ni Ofelia kay Joy. I could’ve easily told Magwayen but I also wanted to see a different side of her. Gusto kong makita at lubos na malaman lahat ng pagkatao niya.

. . . _

    “Where’d you get this?” tanong ko ng makita ko ang mga tuldok sa kanyang kamay sa bandang palapulsuhan. “Nakatulog ako sa klase kanina. Pagkagising ko ay meron na iyan,” sagot naman niya at napamura na naman ako ng bahagya sa aking isipan.

Damn you, Vante!

    Napansin kong matalino si Magwayen but she’s quite slow. If this was a life and death situation then the person we’re trying to save might be dead by now, “Maybe I was wrong, Eion! Maybe Ofelia wasn’t pointing at the band itself but the vocalist, right?” she murmured. I wanted to be frank and tell her that I already solved all the hints but I enjoyed seeing her think deeply.

    “Freddie Mercury!” we both shouted in unison. Para siyang bata na nakabuo ng isang jigsaw puzzle, it took her 21 hours to finally figure that out.

    “Wow! You’re a genius, Magwayen! Does that mean we need to search all the pharmacies here?” I replied innocently, it was a sarcasm but knowing her I know she’d take it seriously. It was once of my traps, I want to know if she’ll fall for it so I could discern properly if she’s really a genius or just stupidly lucky at guessing. But I guess I was wrong, mayroon nga talaga siyang ibubuga.

Matutuwa kaya si Vante kapag nalaman niya ito? He might be able to reconsider.

When we reached her unit she started to explain. Syempre alam ko na lahat ng iyon, I’m from the academic realm at masmatalino ako ng malayo kumpara sa kanya pero umakto akong hindi ko pa ito alam because I need to act gullible as much as possible on practical things. Taktika ko ito upang masmagkalapit pa kami at makuha ko ang tiwala niya ng buong puso.

Nakuha niya ang ibig sabihin ng mga hint na iniwan sa amin, sa tuwing naliligaw siya ng landas sa pagsusulba dito ay pasimple ko siyang binibigyan ng mga ideya upang masulba niya ito ng maayos. “Hop in, we don’t have much time left,” usal ko at binagay sakanya ang helmet kasabay nito ng aking pagpapaandar sa motor na ibinigay ni Vante. Puno ng katanungan ang kanyang mukha ngunit hindi ko siya sinagot sa kanyang tanong. Inutusan ko siyang kumapit ng maayos dahil baka siya’y mahulog dahil ang kapit niya’y nasa balikat ko lamang.

MagwayenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon