XXVIII. TEMPORARY

4.1K 284 284
                                    

Magwayen’s Point of View

    Isang buwan na rin ang lumipas simula nang pagkamatay ni Leanne, hindi ko na nahagilap pa si Azai dahil kahit matibay ang mga linatag kong ibedensya ay kinailangan parin siyang hatulan sa korte dahil sa kanyang walang kamuyang muwang na pagbukas ng pinto.

Lahat ng estudyante ngayon ay nabigyan ng dalawang gabi at tatlong araw na bakasyon palabas ng academia, anunsyo ng mga kaitaasan. Alas syete na ng biyernes at nakagawian ko nang humagulgol tuwing umaga dahil pakiramdam ko’y nagkulang ako sa paglinis ng pangalan ni Azai sa kaso.

“Hey, stop crying. It’s been your everyday routine, your eyes are going to pop dry now, Magwayen,” paalala ni Eion habang hinahagod ang aking likuran. Katatapos lang kasi naming kumain ng mga pinamili niya at ako ang nagluto.

“Pero kasi— baka galit na sa’kin si Azai, ts—tsaka baka kinulong na siya! Huhuhuhu! Baka nahatulan siyang guilty! Huhuhuhu!”

“Shhh, hush now. I’ll be your knight in shining armor, remember?”

“Naaalala ko naman ‘yun, kasu— si Azai! Mi—miss ko na talaga siya! Huhuhu! Prince charming ko siya eh!”

“When the princess is crying and the prince is nowhere to be found what do you think shall the knight in shining armor do?” tanong niya at tinignan ako ng taimtim habang naka upo kami sa sofa ng aking unit.

“Find the prince so the princess will be happy again?” usal ko naman at hindi sigurado sa aking tugon. Ngumiti siya ngunit iba naman ang kanyang naging opinyon, “Leaving a weeping princess is against every knight’s principle and saving a princess in distress is what knights are good at anyway.”

“Pero hindi ba sa mga libro prinsipe lagi ang sumasagip sa mga prinsesa?” Napangsinghap siya ng malalim at tumaas ang isang kilay niya, “Knights are far from royals, but if you insists on being save by a prince because of the fairy tales you’ve watched and read then I’ll be your temporary prince.”

Kumurba ang malawak na ngiti sa aking labi, napaka swerte ko talaga at naging kaibigan ko ang isang kagaya ni Eion!

Naka labas na kami ng academia ngayon at nakasakay kami ni Eion sakanyang malaking motor. Alas dose na ng umaga nang mapadpad kami sa isang feria sa isang bayan. Tirik na tirik ang araw ngunit naka bukas na ito at napaka raming tao, tila ngayon ang malaking pagdiriwang nila dahil sandamakmak na tao ang nagtitipon ngayon dito.

Bumaba kami ni Eion sa motor at nag-umpisang maglakad, nagtaka ako noong ilabas niya ang kanyang asul na mahabang panyo at tinali ang aming kamay ng magkadikit, “Para saan ito?”

“There’s a lot of people in here, you might get lost,” sumbat niya ngunit naka tuon parin ang atensyon sa pagtatali. “Pwede namang hawakan mo na lang ang kamay ko,” suhestiyon ko naman upang hindi na siya mahirapan.

“I maybe your prince but I’m still just a temporary, a substitute to make you happy. Knights don’t have that kind of privilege unless of emergency.”

Nanlambot ang puso ko dahil sakanyang sinabi. Siya na ata ang tamang depinisyon ko ng wika nilang too good to be true, hindi talaga kapani paniwala.

“I’ll make you happy, Magwayen,” sambit niya ng matapos niya nang maitali ang panyo at hinatak ako papunta sa isang candy booth.

Lintek na puso! Pakiramdam ko tumakbo ako ng isang kilomentro sa bilis ng pintig nito.

Napansin ko ang mga mapanghusgang mata ng mga tao habang tinitignan nila ang mukha ni Eion. Nasanay na siguro ako sa mga ganung titig kaya naging normal na sa sistema ko ang intindihin na lang sila dahil hindi naman nila alam ang kwentong buhat ng aking kaibigan.

MagwayenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon