IX. WELCOME

6.1K 463 199
                                    

Magwayen’s Point of View


    Alas sais kanina ng makaalis kami sa Regal Academia at naging mabilis ang byahe namin dahil wala masyadong traffic sa daan. Alas dose na ngayon at pilit kong ginigising si Eion.

    “Eion, wake up! We’re here,” untag ko sakanya at inalog alog ang braso niya. Hindi ito umubra dahil mukhang sobrang lalim na ng tulog niya. Halatang pagod sa byahe.

    “Hey Eion, wake up!” sigaw ko at pati si manong driver ay nabuhayan sa lakas ng pagkakasigaw ko sa loob ng kotse. Sa wakas, nagising rin siya.

    “Where are we?” tanong niya at nagkukusot ng mata. Napa ngiti ako, his face looks so thug yet he actually acts so cute.

    “Home,” I replied at lumabas na ng sasakyan. Sumunod naman siya at pareho kaming nagpaalam sa driver.

    “Your home looks like a haunted house,” wika niya at napahawak sa laylayan ng damit ko habang naglalakad kami palapit sa pintuan.

    “Oh! I forgot to mention, we actually own a funeral homes.” I grinned creepily at him and he stepped back.

    Jusq! Napakalaki niyang tao at ang mga peklat sa mukha niya ay tila nagpapahiwatig na napaka delikado at angas niya. Pero ang totoo pala ay napaka matatakutin niya. Hahahaha!

    “So are there dead bodies in your home?” napahigpit ang kapit niya sa malaki niyang bagpack.

    “Oh there will be once you step inside,” I said in a very petrifying manner. Pero agad ko rin namang binawi dahil baka matakot talaga siya, “Just kidding! We don’t have any dead bodies in our home you idiot! We have a sanitary and authorized building to embalm people and it’s in the city, not here.”

    Kumalma naman siya ng bahagya at kumatok na ako sa pintuan. Makalipas ng ilang minuto narinig ko ang tinig ng aking tita, "Pakainin mo lang ako at habang buhay akong mananatili sa mundong ito. Kung ako'y nais mong paslangin ako'y iyong painumin, lunurin, at ihipan ng hangin ngunit wag mag-atubilin dahil baga mo nama'y aking papasukin."

     "What is she saying?" pabulong na tinig ni Eion.

      "It's a riddle. It's a rule in the house, no one get's in until you solve it," sumbat ko at pilit na iniisip ang sagot sa kanyang bugtong.

      "Fascinating! Let me solve it!" pagprepresenta niya at pilit na akong kinulit upang isalin ko sa lengwaheng English ang bugtong.

     "Feed me, I live. Drown me, I die." Wika ko, hindi ako magaling sa pagsasalinwika kaya hindi ko nakuha ang punto ng bugtong.

     "You're so inaccurate, Magwayen," pang-aasar niya at binulong sa akin ang kanyang sagot. Namangha ako dahil tila swak sa bugtong ang ibinulong sa akin ni Eion. Oo nga pala, matalino siya!

     Ano ang isang bagay na patuloy mabubuhay pagpinakain mo at mamamatay pag iyong pinainom?

    Tiyak akong hindi ito hayop, lahat ng hayop ay umiinom at kumakain. Hindi sila mamamatay sa tubig depende na lang kung may lason, ngunit hindi naman nabanggit ang lason sa bugtong.

     Kung tao naman ang sagot sa bugtong, imposible! Lahat tayo'y umiinom at kumakain.

     Ngunit kung mamarapatin may isang elemento na namamatay dahil sa pag-inom, pagkalunod, at pagka-ihip. Ito ay ang apoy! Tama si Eion, apoy nga ang sagot! Dahil kapag ito'y namatay ay nalalanghap rin natin ang usok nito at pumapasok sa ating baga.

MagwayenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon