Chapter 1

4.2K 152 7
                                        

BEHIND THE MASK (THE STORY OF BOOK)

Windsor Castle

Maaliwalas ang buong paligid at masarap ang simoy ng hangin sa aking kinatatayuan. Nasa loob ako ng aking silid at pinagmamasdan ang labas ng palasyo, ang Windsor Castle. Kung saan pinakamakapangyarihan at pinakamataas na palasyo sa buong sinasakupan nito, ang Hagerdon Place naman. Marami itong sinasakupan na palasyo at sa dulo nito ay ang kabilang Bayan na kung saan nakatira ang mga simple, mahihirap at mangmang na tao.

Ako ay isang prinsesa sa palasyong ito. Subalit hindi ako pinakikilala sa loob at labas ng Windsor dahil makasalanan ang aking ina. Tinatago lamang ako bilang prinsesa at kailanman hindi ako pinalabas. Kung lalabas man ako, kailangan kong may takip ang aking mukha upang hindi nila ako makilala. Kinulong si ina dahil nakagawa siya ng kasalanan na hindi naman niya ginawa. Pero kasama ko naman ang aking ama na kung saan isang hari ng Windsor Castle.

May pangalawang asawa ang aking ama na kung saan din nakatira sa Windsor, pinatuloy siya ni ama simula noong magsama sila. Subalit magkaiba sila ng ugali ni ina dahil masama siya. Mayroon nga siyang anak na babae at nakatira rin sa aming palasyo, isinama niya ito at itinira rito.

Natigil ang aking pagmumuni na marinig kong may tao sa labas ng aking silid. Nilapitan ko ito at binuksan.

"Mahal na prinsesa," wika ni Dorothea, tagapagsilbi ko sa palasyo.

"May kailangan ka ba?" tanong ko sa kanya.

"Uhm... gusto ko lamang po kayo kumustahin."

Nangiti naman ako at pinapasok ko siya.

"Mukhang may nais ka pa bukod sa kumustahin ako."

Napatingin siya sa akin at tumikhim bago magsalita. "Tama po kayo, may nais po akong ipabatid sa inyo. Ang mahal na reyna ay naglabas ng mga kawal sa ating palasyo upang hanapin ang taong nagpapahatid ng mga misyon ng mahal na reyna at ang kanilang mga hukbo sa mga kalaban."

"Hanggang sa ngayon hindi pa rin siya tumitigil sa paghahanap? Magaling ang taong iyon dahil hindi siya nahuhuli kaagad," sabi ko habang nakatingin kay Dorothea.

"Mukhang sa susunod na araw ay magmamanman ang mga kawal ng ating palasyo upang tingnan kung may mga kahina-hinalang kilos ang ating mga kasamahan at aalamin nila ang mga buhay nito sakaling makakuha sila ng mga impormasyon," sabi pa ni Dorothea.

Napaiwas ako ng tingin sa kanya. Mabuti na lamang mapagkakatiwalaan siya at nandito siya upang balitaan ako.

"Maraming salamat sa mga impormasyon mo."

Tumango siya at ngumiti. "Wala pong anuman mahal na prinsesa, tatawagin ko na lamang po kayo kung sakaling nakahain na inyong mga kakainin." Lumakad na siya papalabas ng aking silid.

Hindi ko hahayaan na makuha ng kalaban ang aking misyon. Sisiguraduhin kong makakamit ko ang tinatamasa ko. Hanggang sa nabubuhay ako hindi sila magwawagi.

Ako si Hilary, tinago man ang pagkatao ko ngunit ang kapalaran ko maging prinsesa ay hindi maitatago kailanman.

Maya maya lamang bumalik si Dorothea sa aking silid upang ipaalam na bumaba at kumain na ako upang makisabay sa mahal na reyna at kay Prinsesa Maddie. Pagkababa ko naabutan ko silang nag-uusap ni Maddie, anak ng mahal na reyna.  Magkasing-edad lamang kami ngunit kagaya siya ng kanyang ina na may tinatagong ugali at baho.

Napatigil sila sa pag-uusap na makita na nila ako papalapit sa kanila. Umupo ako sa tapat ni Maddie.

"Mabuti na lamang at lumabas ka sa iyong silid,  nais kong ipaalam sa iyo na nagpalabas ako ng mga kawal upang mahanap ang taong kumakalaban sa ating palasyo," sambit ng reyna sa akin.

Behind The Mask [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon