Maaga ako nagising dahil hindi ako makatulog. Pagbaba ko naabutan ko si ama na nakatanggap ng isang imbitasyon. Nilapitan ko siya upang malaman kung ano iyon.
"Patimpalak sa Pangangabayo?" nagtataka akong mapatingin kay ama.
"Ipapasama kita kay Esperago Easton at kay Dorothea upang may makasama ka sa patimpalak na ito. Hindi ako maaari makasama dahil may pupuntahan akong mahalaga, kaming mga opisyal. Kung gusto mo isasali natin si Maddie upang hindi ka mabagot."
Ano? Isasali niya ako sa patimpalak?
Magpoprotesta sana ako subalit dumating si Maddie at ang kanyang ina.
"Magandang ideya ang naisip mo, mahal. Masaya siguro na nakakasali sila sa mga ganoon patimpalak. Para naman hindi taong bahay palasyo si Hilary at mamulat siya sa mga ganoon gawain," sabi ng mahal na reyna.
Ako na naman ang nakita niya.
"Ama, naroon din po ba si Prinsipe Jv?" tanong naman ni Maddie.
Bukam bibig niya na lang palagi ang prinsipeng iyon. Uhaw na uhaw ba siya sa lalaki?
"Oo naman, lahat ng mga sinasakupan ng Hagerdon ay maaaring makasali sa patimpalak na iyon," tugon ni ama na kinatuwa ni Maddie.
Bago kami umalis nagbihis muna ako at nag-ayos. Wala naman ako magagawa. Sakto paglabas ko sa kuwarto dumating si Maddie at lumapit sa akin. May hawak siyang tela.
"Oh, takpan mo ang mukha mo. Hindi porke't pinayagan ka ni ama na makasali sa patimpalak eh hindi ka na magtatago kung sino ka man. Dadating doon ang mga prinsipe at ayoko maagaw mo ang atensyon nila dahil lang sa itsura mo."
Inabot ko na ang tela sa kanya at inilagay sa aking mukha. Sabihin na lang niya mas maganda talaga ako sa kanya.
"Alam muna ang gagawin, ayoko ulit na gumawa ka na naman ng hindi maganda. Tara na, baka mahuli pa tayo."
Paglabas ko sa palasyo nilapitan ko sina Esperago Easton at Dorothea na inaasikaso ang mga kabayong amin gagamitin papunta sa Shimada. Kung saan gaganapin ang nasabing patimpalak.
"Mahal na prinsesa bakit po ganyan ang inyong itsura? Wala naman po masyadong tao roon kaya maaari niyon ipakita ang inyong mukha," saad ni Dorothea.
"Hindi maaari, sinabi ni ama na dadalo rin doon ang mga prinsipe. Ang patimpalak na iyon ay para sa buong lugar nga ng Hagerdon. Kaya wala akong lusot."
"Hayaan mo nandito kami upang bantayan ka," sabat naman ni Esperago Easton.
"Salamat," wika ko sa dalawa.
Hinintay namin si Maddie dahil may kinuha siya sa kanyang kuwarto. Kasama naman niya si Pinunong Hermios. Paglabas ni Maddie sumakay na si Esperago Easton sa kabayo, inalalayan niya ako upang makasakay rin. Si Dorothea ay mahusay sa pangangabayo kaya ayos lang na wala siyang kasama. Si Maddie naman ay nakasakay sa kabayo naman ni Pinunong Hermios. At sabay sabay na kami pumunta sa Shimada.
Ilan oras lang nakarating din kami sa Shimada. Maraming tao puro mayayaman at taga loob ng Hagerdon.
Inalalayan akong muli ni Esperago Easton pababa sa kabayo.
"Maganda po siguro kung sasali po kayo sa patimpalak, mahal na prinsesa."
Napatingin naman ako bigla kay Dorothea. May balak ba silang ipahiya ako.
"Hayaan mo Dorothea nais ko rin makita si Prinsesa Hilary na nakasakay sa kabayo na mag-isa. Ano kaya ang kanyang mukha," pagsang-ayon naman ni Esperago Easton.
Nagnginitian ang dalawa. Pinagtitripan ba ako ng dalawang ito. Kahit kailan hindi pa ako nakakasakay sa kabayo na mag-isa. Lagi lamang kase ako sa loob ng palasyo kaya wala akong karanasan.
BINABASA MO ANG
Behind The Mask [COMPLETED]
Fantasy[Unedited Version] Highest Ranking: #1 KingandQueen #1 castle #1 book #1 historical #1 liar #1 mask Kaharian, kapangyarihan at trono. Iyan lamang ang mayroon si Hilary ang prinsesa ng Windsor. Subalit mayroon dalawang tao ang aagaw nito at ipagkaka...