"Mukhang nag-iisa ka, binibini," nakangising sambit nito. Mataba siya at mahaba ang buhok. Siguro taga rito siya dahil sa kanyang pananamit.
"Mayroon akong kasama ngunit hindi ko siya makita," sabi ko at tinakpan pa ang aking mukha.
"Gusto mo bang tulungan kitang mahanap ang kasamahan mo. O gusto mo na lamang sumama sa akin hangga't hindi mo pa nakikita ang kasama mo? Mahirap mapag-isa." Mukhang may iba pa siyang pinapahayag at hindi ko iyon nagustuhan.
"Hindi na. Kaya ko siyang hanapin mag-isa. Salamat na lang sa pag-alok mo." Iiwan ko na sana siya na hawakan niya ang braso ko at hilahin. Mabilis naman akong nagpumiglas. "Walang sinoman lapastangan ang maaari akong hawakan," singhal ko sa kanya.
Bigla siyang natawa. "Sino ka ba para magsalita ng ganyan? Mukha ka naman kauri namin kaya huwag kang magpanggap na maharlika," inis na ani niya.
"Hindi mo ako kilala," sabi ko at paalis na talaga ako na hawakan niyan muli ako sa braso. Magpupumiglas sana ako ulit kaso naunahan ako ng isa pang lalaki. Hinawakan niya ang kamay ko at binawi sa lalaking humawak sa akin.
"P-Prinsipe Levi," gulat na tugon nong lalaki.
Ano kamo? Prinsipe siya?
"Hindi porke't maraming tao may gana ka na gumawa ng masama lalo na sa mga kababaihan," sabi nito.
Pasimple akong sumilip sa kanya, may itsura siya, matangkad, maputi at masasabi mong prinsipe siya dahil sa kanyang pananamit.
"P-Pasensya na po, hindi na po mauulit," sabi nong lalaki at nagmadaling umalis.
"Maaari ba kitang matulungan? Bakit nag-iisa ka sa Bayan na ito?" turan niya sa akin.
"Hindi na... kaya ko ang sarili ko. Salamat sa iyong ginawa." Sabay talikod sa kanya.
"Sandali."
Napahinto ako na hawakan niya ako muli sa braso ko, ngunit nong nakita niyan nakatingin ako roon binitiwan niya rin agad.
"Maaari ko bang malaman kung sino ka?" Sinikap niyan tingnan ang mukha ko ngunit tinakpan ko lang lalo ito.
"A-Ako si... A-Aya," sabi ko at mabilis ko siyang tinalikuran na.
Sinundan niya ako subalit dahil sa dami ng tao hindi na niya ako nahabol pa. Mabilis akong naglalakad sa paghahanap kay Dorothea. Nasaan na ba siya? Baka paghinalaan na ako ng mahal na reyna.
Sa hindi kalayuan nakita ko sina Maddie at Euna may kausap silang isang lalaki. Kapag nalaman ni Maddie na nandito ako ay panigurado na magagalit iyon. Naalala ko na, hindi naman nila ako mamumukhaan. Napagpasyahan kong lapitan sila ngunit hindi pa ako nakakalakad na may marahas na humapit sa baywang ko paharap sa kanya at papalapit sa kanya. Gulat na gulat akong napatingin sa taong iyon dahil sobrang lapit namin sa isa't isa. Ang mukha namin ay halos magkadikit na. Nakarinig ako ng sigawan at bulong-bulungan ng mga tao sa paligid namin. Mabilis akong lumayo sa kanya at itinaas ang telang pangtakip na nasa ulo ko dahil hindi ko namalayan na bumagsak na pala ito. Nakita niya ang mukha ko.
May narinig akong takbo ng kabayo sa likuran ko.
"Sa susunod binibini mag-ingat ka, mabuti'y iniligtas ka ni Prinsipe Jv," usal nung lalaking sakay nung kabayo at umalis na ito.
Ibig sabihin muntik na ako masagasaan ng kabayo. Mabuti na lamang natulungan ako ng lalaking ito. Sandali, isa rin siyang prinsipe?
"Mahal na prinsipe."
Napayuko ako na marinig ko ang boses ni Maddie. Nakalapit na sila sa amin. Patay ako! Hindi maaari! Hindi niya ako maaaring makilala, kapag nangyari iyon parurusahan ako ng aking ama.
"Ayos ka lang ba mahal na prinsipe?" Boses ng isang lalaki, iyon ata iyong kausap nina Maddie at Euna kanina. Tumango ang prinsipe na nasa harapan ko. Mukhang mabait naman siya.
"Salamat," bulong ko sa kanya at dahan-dahan akong umalis sa harapan niya.
"Sandali, binibini."
Napapikit na lang ako ng mariin sa pagpigil sa akin ni Maddie.
"Maaari ba namin malaman kung sino ka? Napaka swerte mo dahil iniligtas ka ng isang prinsipe." Rinig kong sabi ni Euna.
"Malaki ang utang na loob mo sa kanya. Sana'y bayaran mo siya," sabi naman ni Maddie na may pagkairita ang boses.
Lumingon ako sa kanila na hindi nila nakikita ang aking mukha. "Ako si Aya, isang baguhan dito. Oo, hindi ko makakalimutan ang utang na loob na ginawa sa aking ng isang prinsipe."
"Isa kang baguhan, subalit bakit naparito ka? At buti naman nasabi namin kaagad na isang prinsipe ang nagligtas sa iyo, dahil kung hindi baka ano pa ang isipin mo sa kanya," sabi muli ni Maddie.
"Huwag kang mag-aalala hindi naman ako magtatagal dito. May hinahanap lamang ako," ani ko.
"Maaari ka ng umalis."
Bago magdilim nakita ko sa wakas ang kabayong pinag-iwanan namin ni Dorothea. At ang mas malala pa kanina pa naroon si Dorothea upang hintayin ako. Nagmadali kaming sumakay ng kabayo at mabilis namin ito pinatakbo pauwi sa palasyo. Pagdating namin nagtago ako at dumaan sa likuran papunta sa aking silid. Nagpalit ako ng damit at nag-ayos tsaka bumaba. Si Dorothea naman ay bumalik na sa trabaho. Nakita kong kadarating lamang ni Maddie na nakasimangot ang mukha.
"Kumusta ang iyong pagdalaw sa pista ng kabilang Bayan anak?" tanong ng reyna kay Maddie habang nakaupo at nagbabasa.
"Maayos at mabuti ina. Subalit ako'y naiinis dahil may isang babae ang sumira ng araw ko. Paano ba naman, hindi nakikita ang daan dahil nakatakip ang mukha niya hindi niya alam na may dadaan kabayo kaya iniligtas siya ni Prinsipe Jv hindi ko gusto ang kanyang akto," inis na kuwento niya. Paano kaya kung malaman niyan ako iyon panigurado dobleng galit na ang mararamdaman niya.
"Hayaan muna Maddie, gagawa ako ng paraan upang makalapit kayo ni Prinsipe Jv."
Magsasalita pa sana si Maddie ng makita niya akong nakikinig sa kanilang usapan. "Ano ang iyong ginagawa rito? Huwag mong sabihin nakikinig ka sa may usapan na may usapan?"
"Gusto ko lamang malaman kung ano ang nangyari sa iyo sa pagpunta mo sa kabilang Bayan."
"Narinig mo naman siguro. Mabuti na lamang wala ka roon, hindi ko nanaiisin naroon ka lalo na't naroon din ang prinsipe ng Cheneley... baka maagaw mo pa siya sa akin," binulong niya ang huling sinabi.
"Huwag kang mag-alala, hindi ko magagawa iyon. Susuportahan kita sa iyong nais," sabi ko ngunit sa kaloob-looban ko gusto ko na siyang inisin.
Tinalikuran niya ako at hinarap ang reyna. "Ina, gawin ninyo ang inyong makakaya upang mapalapit kami ng sobra ng prinsipe."
"Oo naman mahal kong anak." Nginitian niya ng matamis si Maddie.
BINABASA MO ANG
Behind The Mask [COMPLETED]
Fantasy[Unedited Version] Highest Ranking: #1 KingandQueen #1 castle #1 book #1 historical #1 liar #1 mask Kaharian, kapangyarihan at trono. Iyan lamang ang mayroon si Hilary ang prinsesa ng Windsor. Subalit mayroon dalawang tao ang aagaw nito at ipagkaka...
![Behind The Mask [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/189828175-64-k264308.jpg)