Chapter 7

1.2K 64 11
                                    

Gabi na pero marami pa rin tao sa loob ng palasyo. Umuwi na sina Father Timothy, Carter at Camila dahil may misa ng ala sais sa St. Jago Church. Sina ama naman at kanyang mga kaibigan at kasamahan niya ay patuloy na nag-uusap at nag-iinuman. Ang reyna namab ay kausap niya ang kanyang kapatid na si Esperago Piere at iilan din opisyal. Sina Maddie at Euna magkasamang tinitingnan si Prinsipe Jv na kasalukuyan may kausap din.

At ako naman ay nakaupo pa rin at kasama ko si Dorothea. At pagsapit nang 8 pm halos walang ingay sa amin palasyo dahil na rin sa kalasingan. Napalingon ako sa pintuan ng pumasok sina Prinsipe Levi at ang aking matalik na kaibigan na si Chryses. Agad akong kumuway sa kanya at masaya siyang makita ako. Nagyakapan kami ng mahigpit dahil matagal din kami hindi nagkita.

"Kumusta ka na? Mukhang lalo ka atang gumaganda?" panbobola niya sa akin at natawa ako.

"Ano ka ba? Mas maganda ka kumpara sa akin. Mabuti naman nakapunta ka dito." Umupo kami sa inuupuan ko.

"Oo naman, pumayag naman ang aking ina. At isa pa kasama ko ang aking nakakatandang kapatid na lalaki si Prinsipe Levi," tugon niya na kinagulat ko.

"Kapatid mo si Prinsipe Levi? Bakit ngayon mo lang ipinalaam sa akin iyon?"

Ngumiti siya at humingi ng pasensya. Hindi ko akalain na may kapatid siyang prinsipe. Matagal na kami magkaibigan ni Chryses at matagal na rin pala niya itinatago na may kapatid pala siya.

"Alam ko kase na hindi ka rin maniniwala kapag binanggit ko sa iyo ito noon pa man. Pero ngayon alam muna. Bakit ka nga pala may takip ang mukha mo at iyon itsura bakit napakasimple? Annibersayo ito ng iyon ama at ng mahal na reyna."

Napatingin ako sa aking suot.

"Pinagbilin sa akin ng mahal na reyna na magpanggap ako bilang tagapagsilbi, alam mo rin naman na bawal ako ipakilala sa lahat ng tao lalo na't may nagawang kasalanan ang aking ina." Hindi pala niya alam na buhay ang aking ina hindi ko pa kaya sabihin sa kanya.

"Ganoon ba, subalit hindi naman ata tama iyon. Prinsesa ka ng Windsor kaya mayroon kang karapatan na ipakilala ang iyong sarili, na kahit makasalanan ang iyong ina. Wala na rin naman sila masasabi dahil patay na ang iyong ina wala na iyon silbi pa."

Napaiwas ako ng tingin sa kanya, tama nga ang sinasabi niya.

"Huwag kang mag-aalala sa akin. Maayos na rin na hindi ako kilala ng lahat tumatahimik ang buhay ko. Maraming galit sa akin ina kaya galit na rin sila sa akin. Ayos lang ako kahit na tinatago ako ng mahal na reyna lalo na ang pagkatao ko. Kaya sana, hihilingin ko sa iyo na takpan mo rin ang pagkatao ko."

Ngumiti siya sa akin at tinapik ang balikat ko.

"Kung anuman ang problema na kinakaharap mo nandito ako upang tulungan ka at masandalan mo."

Ngumiti rin ako sa kanya at nag-usap pa kami ng matagal.

Pagkatapos namin mag-usap ni Chryses lumapit siya sa mga iilan nakakakilala sa kaniya. At ako naman ay nagpapahangin sa labas ng palasyo. Hanggang may isang lalaki na tumabi sa akin.

"Ikaw si Aya hindi ba?"

Gulat akong napatingin kay Prinsipe Levi na nakatingin sa akin. Naalala niya pala ako.

"Mabuti naman nagkita tayo muli. Maari ko bang malaman kung bakit narito ka?" tanong niya.

Napaiwas ako ng tingin sa kanya. Babalik na sana ako sa loob ng magsalita pa siyang muli.

"Masarap ang hangin tila hindi uulan. Ang dami rin mga bituin kay ganda pagmasdan."

Napatingin ako muli sa kanya na nakatingala sa langit. Dahil sa ginawa niya hindi na muna ako umalis.

Behind The Mask [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon