Chapter 26

650 25 0
                                        

Tumabi sa akin si Prinsipe Levi habang nakaupo ako at nakaharap sa altar. Nasa St. Jago ako at gusto ko lamang magsimba at manalangin.

"Anong ginagawa mo rito?" wika ko kay Prinsipe Levi.

"Nais kitang makita, nasambit sa akin ni Dorothea na nandito ka pala. Sandali, magaling na ang mukha mo?"

Bigla akong nagtakip nang mukha dahil nakalimutan kong maglagay nang pantakip.

Hilary kahit kailan ang tanga tanga mo. Inalis ko rin agad ang kamay ko sa mukha ko dahil wala na iyon silbi nakita na rin naman niya.

"O-oo eh. Ayos na ang mukha ko," nauutal kong sambit.

Nakakahiya ka talaga Hilary.

"Lalo kang gumanda nang masilayan ko ang mukha mo."

Bigla naman akong yumuko  dahil sa hiya at ilang.

Tumawa siya. "Huwag muna pansinin ang sinabi ko. Siya nga pala nais mo bang pumasyal o kumain man lang kasama ako?"

Bumalik ang tingin ko sa pag-alok niya sa akin.

Gusto ko sana sumama sa kanya kaya lang ang problema ang mukha ko baka may mga ibang tao na mamukhaan ako. Kailangan ko pa naman mag-ingat.

"Paumanhin, nais kong hintayin si Dorothea. Tsaka wala akong gana pumasyal ngayon sa ibang araw na lamang kung iyon mamarapatin," sabi ko at tumango na lamang siya.

Sandaling tumahimik kami at nakatuon lamang ang amin tingin sa altar. Hanggang magsalita siyang muli.

"Nakita muna ba ang tunay na prinsesa nang Windsor?"

Taka ko siyang tinignan. Bakit niya na naman tinatanong.

"Huh? A-ah eh, hindi eh," pagtanggi ko.

Ano kaya magiging reaksyon niya kapag nalaman niyan ako ang tunay na prinsesa nang Windsor, sana hindi siya magalit sa akin.

"Bakit mo naitanong?"

Bakit kaya tinatanong niya ulit? Bakit sobrang interesado siya. Ano kayang pakay niya sa akin.

"Wala naman, hindi ko pa kase nakikita ang kanyang mukha marahil kasing ganda s ya nang kanyang ina na si Reyna Canberra."

Bumigat ang pakiramdam ko nang maalala ko si ina. Alam kong may tamang oras at panahon upang malaman nang lahat na wala siyang kasalanan at buhay pa siya.

"Hindi mo pa ba nakikita ang prinsesa ni isang beses man lang?" tanong kong muli sa kanya.

"Sa totoo lang nakita ko na siya noon hatulan ang kanyang ina. Kaya lang nakalimutan ko na ang kanyang itsura kaya hindi ko na maalala kung ano na ang itsura niya ngayon. Napapadpad naman ako sa palasyong Windsor kaya lang mukhang wala siya roon. Siguro kinuha siya nang mga kamag anak ni Reyna Canberra." Akala ko ang alam nila pinalayas ako o patay na may iba pa palang kuwento.

"Baka nga,"

Ano kaya pakay niya sa akin?Hindi niya ako hahanapin kung wala siyang kailangan. Ang hirap na magtiwala sa mga tao ngayon.

Dumating si Dorothea at nagpaalam kami kay Prinsipe Levi. Sinabihan ko si Dorothea na pumadpad muna kami sa bayan para mamasyal. Maaga pa naman bago umuwi sa palasyo. Habang kami naglalakad nakakita ako nang isang tindahan nang mga salamin. Naalala ko kase na nabasag noon nakaraan linggo ang salamin na bigay sa akin ni Chryses.

"Binibini, nais mo bang bumili?" ani sa akin nang tindera.

"A-ah, eh," napakamot ako sa aking noo at kinuha ang pinakamagandang salamin. "Magkano po ito?" tanong ko,

Behind The Mask [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon