Chapter 6

1.2K 79 11
                                    

Hapon nang Biyernes nagsimula na kami ni Dorothea mag-ayos sa palasyo maganda kase na maaga makapag-ayos upang hindi na magahol bukas ng Sabado. Ako ang umaakyat at si Dorothea naman ang nag-aabot ng gagamitin ko. Hindi ko akalain bilang prinsesa paglalaan ko pa ng oras ang selebrasyon ng aking ama at ng pekeng mahal na reyna.

Si ama naman ay umalis upang magbigay ng imbitasyon sa mga kanyang kakilala at kaibigan. Ang reyna naman ay nandoon sa kanyang kuwarto nagpapahinga para may lakas siya bukas. At si Maddie namab ay kasama ang kanyang kaibigan na si Euna.

Nakatuntong ako sa isang upuan upang isabit ang mga telang dekorasyon sa palasyo. Maya-maya may naapakan akong pako na nakausli sa upuan kaya bigla akong natumba.

"Mahal na prinsesa." Paglapit sa akin ni Dorothea at dali dali niya akong tinulungan.

Bigla akong napahawak sa akin braso na nasugatan sa gilid ng bintana na inaayos namin. Inalalayan ako ni Dorothea na makatayo at makaupo sa isang upuan.

"Ayos lang po ba kayo? May sugat po kayo sa inyong braso kukuha lamang ako ng pang gamot."

Bumalik na siya at ginamot ang aking sugat. Hindi naman malaki ang natamo ko, gasgas lamang ngunit may dugo. Pagkatapos non ay nagpahinga kami ng kaunti at kumain na rin.

Gabi na nagpatuloy kami sa pag-aayos. Hanggang matapos na kami at inabot kami ng 9 pm. Sabay kami ni Dorothea na napalingon sa pagbukas ng pinto at dumating na pala si ama kasama si Maddie. Nakita kong lumilingon lingon si Maddie upang tingnan ang aking ginawa. Si Dorothea naman ay umalis na.

"Gising ka pa pala anak?Mukhang napagod ka sa iyong ginawa. Magpahinga ka na upang may lakas ka bukas."

Nginitian ko si ama at akmang babalik na ako sa aking kuwarto na magsalita si Maddie.

"Bakit kulay pula at itim ang napili mong kulay sa mga telang idinesenyo mo sa ating palasyo?Ang simbolo ng pula ay pag-iibigan ngunit ang itim naman ay kamatayan. Para saan ang itim at bakit iyon ang ipinares mo sa pula?" pagtataka niya.

Tiningnan ko naman ang mga telang idinesenyo ko. Pinaghirapan ko kaya iyon.

"Ang ibig sabihin ng pula at itim na kulay kapag ipinagsama mo ay pag-iibigan na walang hanggan, kahit mamatay silang dalawa mananatili pa rin ang kanilang matamis na pag-iibigan."

Tinaasan niya ako ng kilay na parang hindi siya naniniwala.

"Kahit na, hindi pa rin ako kumbinsido sa iyong ginamit na te-"

Hindi na niya natapos ang sasabihin niya na awatin siya ni ama.

"Tama si Hilary. Hindi na mahalaga kung anong kulay ng tela ang ginamit niya Maddie. Maganda naman tingnan at pinaghirapan niya ito kaya huwag ka ng magreklamo." At naglakad na siya upang pumunta sa kanilang kuwarto ng reyna.

Nginsian ko siya at ipinapakita na talo siya. Wala naman siyang magagawa. Sana pala siya na lang gumawa kung magrereklamo lang siya. Hindi ko naman ito tungkulin, pumayag lang ako dahil kay Esperago Easton.

Inirepan ako ni Maddie bago niya ako iwan.

Suplada.

****

Araw na ng Sabado at annibersayo na nina ama at ng mahal na reyna. Maayos naman ang aking pakiramdaman. Mabuti na lamang hindi na sumasakit ang natamong sugat ko kahapon. Pagbaba ko sa kuwarto lahat ng tagapagsilbi ay nagsisimula na magluto at maglinis sa palasyo. Hinanap ko agad si Dorothea at mabuti naman natagpuan ko siya sa hardin.

"Gising na po pala kayo," bungad niya sa akin. Nginitian ko siya at tinulungan magdilig ng halaman.

"Kumain na po ba kayo ng almusal?" rinig kong tanong niya.

Behind The Mask [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon