Chapter 20

745 32 3
                                    

"Anong nangyayari?" tanong ni Maddie sa kanyang ina.

"Ito kaseng ama mo ayaw niya ako na ako mamuno sa Organisasyon Panbayan. Gusto ko lamang siya matulungan hangga't nagpapahinga siya."

"Magandang ideya iyan mahal na reyna," biglang sabi naman ni Pinunong Hermios.

"Bakit gusto mo mamuno? Hindi ba puwede hintayin natin gumaling ang aking ama upang magpatuloy siyang maging pinuno. Bakit kailangan mo siyang palitan? Ano ba ang alam mo sa mga mamamayan sa taga bayan?" wika ko.

"Mukha atang hindi ka sang ayon na palitan ko ang iyong ama?Ikaw ba may alam ka ba sa pamumuno sa mamamayan?" balik niyan tanong sa akin.

"Bakit hindi natin hayaan magsalita si ama?" pag-iiba ko ng usapan. Wala rin naman atang patutunguhan ang pag-uusap namin.

Napatingin kaming lahat kay ama na nakatingin din sa amin.

"Hayaan mo muna lamang ako mamuno Eleanor. Kaya ko ang aking sarili, ako ang pinuno ng organisasyon na iyon kaya wala dapat ako iasa sa iba."

Tumingin ako sa reyna at sinamaan niya ako ng tingin.

"Kung iyan ang nais mo wala naman ako magagawa." At pumasok siya sa kuwarto nila ni ama.

"Matulog na kayo." Pumasok na rin si ama at naiwan kami.

"May aasikasuhin lamang po ako," wika ni Dorothea at umalis na.

"Tara na Pinunong Hermios may pag-uusapan pa tayo," sambit naman ni Esperago Easton at inakbayan si Pinunong Hermios at tuluyan kaming iniwan ni Maddie.

"Hindi ko akalain pati kay ina tutol ka. Ibang klase ka, gusto mo lahat nakukuha mo. Puwes, sa susunod hindi na ako makakapayag."

*****

Nagising ako ng maaga dahil magkakaroon ng parada sa lugar ng Hagerdon. Nakabihis na ako at pinuntahan ko si Dorothea upang samahan niya ako. Sumakay kami ng kabayo, hindi nakasama si Esperago Easton dahil may lakad pa sila ni ama.

Maraming tao at halos mga mahaharlika lamang ang maaaring makapanood kaya walang halong taga bayan. Maraming nagtitinda ng pagkain, palamuti at iba pa. Mga magagarbong kasuotan naman ang hatid ng mga magpaparadang mga kababaihan at kalalakihan. Mamayang gabi naman ang espesyal na sayawan para sa lahat ng tao sa Hagerdon.

Nasa gilid kami ng tindahan ng mga palamuti ni Dorothea. Maya-maya lamang kase mag-uumpisa na ang parada. Nakataklob ang aking mukha, baka kase may mamukhaan sa akin. Mahirap na. Hindi pa nagsisimula ang parada ng bumuhos ang malakas na ulan. Kaya ang iba ay nagtatakbuhan at hindi alam kung saan sisilong. Aalis sana ako upang sumilong sa may bukana ng tindahan ng mga pagkain ng may humawak sa aking braso at pinayungan ako. Umangat ang tingin ko sa payong at napalingon sa may hawak nito.

"Magandang araw, hindi ko akalain makikita ko kayo rito," wika ni Prinsipe Levi.

"Manonood po kami ng parada gusto lamang po namin iyon masaksihan," sabi ni Dorothea.

"Kung gayon magsama sama na lamang tayo."

Ilan oras pa bago nagsimula ang parada. Pinahupa pa kase ang ulan upang hindi mabasa ang mga magpaparada. Nakakatuwa sila panoorin dahil kita sa kanilang mukha na masaya sila at walang prinoproblema. Hindi kagaya ko marami ako dinadala.

"Saan ninyo gusto kumain?" tanong ni Prinsipe Levi sa amin ni Dorothea. Tapos na kase ang parada, maikli lamang iyon.

"Ah, kahit saan na lamang," sabi ko at tumango naman siya.

Humanap kami ng makakainan. Nang makahanap si Prinsipe Levi siya na ang bumili ng pagkain namin. Nang biglang dumating sina Maddie at Euna.

Nandito rin pala sila.

Behind The Mask [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon