Chapter 45

555 31 0
                                    

Hinanda na namin ang lahat simula sa armas, sa pagpapaliwanag, sa mga tao at kawal at higit sa lahat ang mga sarili namin. Ngayon araw namin lulusubin ang Windsor. Ito ang tinakdang araw para tapusin ang lahat. Nilingon ko sina Esperago Easton, Opisyal Castro, Isiro at Dorothea kami ang unang pupunta sa Windsor.

"Mahal na prinsesa," tawag sa akin ni Carter. "Handa na po ang mga kabayong gagamitin ninyo." Nagpasalamat ako sa kanya at pinagbilin na siya na bahala sa simbahan kung sakaling may sumugod.

Bukod samin may mga kasama rin kaming mga kawal. Hindi kami sigurado kung magiging ligtas kami kung kami kami lang ang pupunta. Lumabas na kami at sumakay sa kabayo. Kay Esperago Easton ako sumakay at nang maayos na ang lahat nagsimula na kami lumakbay papunta sa Windsor. Ilan oras lamang nakarating din kami sa tarangkahan. Naging alerto ang dalawang tagapag bantay at tinutok samin ang mga armas subalit mabilis din kumilos ang mga kasama namin kaya agad rin sila humandusay sa sahig. Si Isiro ang bumaba para buksan ang tarangkahan. Sobrang tahimik sa loob na tila bang walang taong nakatira. Bumaba kaming lahat at ako ang naunang papasok sana sa loob ngunit nakita kami ni Maddie at Euna magkasama pala ang magkaibigan ito. Gulat na gulat sila na mapatingin samin.

"Anong ibig sabihin nito?" gulat niyan tanong.

"Matagal tayo hindi nagkita Maddie. Hindi mo ba kami aayain pumasok?" sabi ko.

Mukha naman natakot si Euna dahil lalo itong lumapit kay Maddie na masama ang timpla ng mukha.

"Wala kayong karapatan na pumunta rito. Kung manggugulo kayo mapaparusahan kayo sa ginagawa ninyo. Labag sa batas na pumasok sa alasyong ito na walang pahintulot ni ina." Hindi ko mapigilan mapangisi.

"Ang iyong ina? Nasaan nga pala siya sa totoo lang siya naman talaga ang pakay namin dito."

"Umalis ka na Hilary. Hindi pa ba sapat ang ginawa mo samin ni Jv. Hindi kita mapapatawad."

Humakbang ako palapit sa kanila pero ikinatigil ko iyon na lumabas din ang reyna at kasama ang mga opisyal. Lahat din sila ay namistulang nanlalaki ang mga mata. Tsk, marahil hindi talaga nila ito inaasahan. Agad naman lumapit sa akin ang reyna.

"Anong ibig sabihin nito?" singhal niya samin at tumawag siya ng mga kawal.

"Babawiin ko lang naman ang palasyo at si ama." Wika ko sa kanya.

"Ano kamo? Paalisin niyo na ang mga 'yan." Utos niya sa mga iilan mga kawal. Bago nila ako mahawakan kumilos ang mga kawal na kasama namin. Agad na napabagsak ang mga ito at ikinagulat nila iyon.

"Walanghiya ka Hilary! Sana pala pinatay kita dati pa." Madiin niyan sabi na 'di ko naman ikinagulat. Alam ko naman matagal na siyang galit sa 'kin at gusto niya ako mamatay.

"Paumanhin, hindi ako ang taong karapat dapat mamatay. Kung mamatay man ako ay hindi dapat sa harapan mo. Bilang prinsesa ng Windsor, pagbibigyan ko kayo na magimpake ni Maddie ng mga gamit ninyo at malaya kayong makakaalis sa Windsor ngunit kung ayaw ninyo hindi ako magdadalawang isip na manakit."

Lumingon ang reyna sa mga opisyal at kinausap ang mga ito. Nangiti na lang ako na unti unting nilayuan ng mga opisyal ang reyna at gumawi sila kasama nina Esperago Easton.

"A-anong ibig sabihin nito?" gulat  niyan tingin sa mga opisyal.

"Pakisabi nga mabuti Opisyal Castro para maunawaan niya kung bakit bumaliktad ang mga taga opisyal sa kanya."

"Ako si Opisyal Castro na kanang kamay ni Haring Laurent. Lahat ng sasabihin ko ay pawang katotohanan lamang. Lahat ng mga kasama kong opisyal ay kinausap namin ng lihim para isawalat ang mga masasamang gawain ng reyna. Mula sa pag agaw ng trono sa organisayon panbayan, pagkakaroon ng sakit ng hari, pagpapalayas ng mga dukha sa buong Hagerdon at pagpapalayas kay Prinsesa Hilary." Nilabas ni Opisyal Castro ang mga ebidensiya at pinagpatuloy ang pagpapaliwanag. "Bilang opisyal ako at kami ay binibigyan ng walang bisa ang pagkakaroon ng trono ng reyna sa organisayon panbayan at sa pagiging reyna ng Windsor. Binibigyan ka rin ng parusa na pang habang buhay."

"Hindi maari, kasinungalingan lamang ang lahat. Huwag kayo maniwala nagsisinguling lamang ang Hilary na iyan. Gusto niya ako siraan."

"Hindi pa tapos may sasabihin pa sina Dorothea, Esperago Easton at Janna."

"Sandali, J-anna?" gulat na wika ni Maddie.

"Ako si Dorothea ang tagapagsilbi ni Prinsesa Hilary. Sa simula pa lamang ay hindi na maganda ang trato ng reyna sa prinsesa palagi niya ito pinagsasalitaan ng masasama at masasakit at kung minsan ay sinasaktan. Ayaw niya ako pagbantayan sa hari noon una itong magkasakit kaya kumuha siya ng bagong tagapagsilbi at ito nga si Janna. Sobrang sumama ang loob ko na mapalayas kami ni Prinsesa Hilary sa palasyong ito. Ngunit gusto ko rin isiwalat na ako ang inuutusan ng prinsesa na maglagay parati ng mga regalong natatanggap nina reyna, Maddie at ng hari. Iyon ang unang plano para takutin ang mag ina." Lalo silang nagulat sa kanilang narinig.

"I-ikaw ang nagpapadala non?" turo sa akin ni Maddie.

"Oo at wala ng iba. Sino ba ang magtatraydor sa inyong dalawa. Simula sa regalo, sa mga impormasyon, kay Esperago Pierre at sa iba pa." Nagtagis ang bagang ng reyna. Bago pa ako makaiwas sa gagawin niya sa akin ay nasampal na niya ako at tinulak ng malakas. Napaupo ako at sinenyasan ang mga kawal na huwag saktan ang reyna.

"Ang kapal ng mukha mo. Kaya pala ang panatag mo kada may matatanggap ang Windsor ng mga regalo. Kapag nalaman ito ng iyong ama hindi ka niya mapapatawad." Galit pa rin niyan sambit.

"Paano kung sabihin ko sa iyo alam din ito ni ama." Bakas sa reyna ang tinding galit, sabagay gano'n din ang mararamdaman ko.

"Sumusobra ka na Hilary ang sama sama mo." Wika naman ni Maddie at nilapitan ang ina niya.

Dahan dahan naman ako tumayo at narinig ko na lang na si Esperago Easton ang nagsasalita.

"Hindi na namin 'to patatagalin pa humihingi ako ng paumanhin aaminin ko ako ang pumatay kay Piere. Inutusan mo siyang manmanan si Hilary kung ano ang ginagawa niya. Kaya nalaman mo ang ibang plano niya. Hindi ko pinagsisihan ang ginawa ko."

"Ina," inalalayan ni Maddie ang reyna na manhina ito sa kaniyang narinig. Alam kong mahal niya ang kapatid niya subalit siya naman ang dahilan kung bakit ito namatay. May mga tao talagang kailangan mawala para matauhan lang ang mga taong gumagawa ng kasalanan.

"Tama na Hilary, gusto niyo bang mamatay ang ina ko. Ganiyan ba ang ibabalik mo sa amin pagkatapos ka namin tratuhin ng maayos at pakainin. Mabuti nga dahil hindi ka namin pinalayas noon pa. Tsaka si ama hindi si ina ang may gawa non nagkasakit lang talaga siya. Mali kayo ng mga akusasyon kay ina."

Tinawag ko si Janna at pinaharap ko kay Maddie. Ngayon niya sabihin sa 'kin na nagsisinungaling lang ba kami. Na ginagawa namin to para mapanakit lang at magpasikat.

"Nagkakamali ka Maddie, totoong inutusan ako ng iyong ina. Binayaran niya ako ng malaki para gawin ang utos niya. Si Pinunong Hermios ang bumibili ng gamot ng hari, na hindi naman nagpapagaling bagkus nagpapalala ng sakit. Patawad, gusto ko na maging malaya ayoko na mahirapan pa." Naiiyak na paliwanag niya.

Naging tulala si Maddie at nabitawan ang sariling ina. Naging alerto muli ang lahat ng dumating si Pinunong Hermios at ang mga kawal niya. Tinutukan nila kami ng mga armas nila.

"H-hindi totoo iyan," napapailing na wika ni Maddie. "Gumagawa ka lang ng kuwento Hilary. Gusto mo kami siraan dahil ano kase umpisa pa lamang wala ng nagmamahal sa iyo, walang tumatanggap sa iyo at naiinggit ka sa kung meron man kami ngayon. Tigilan muna ito Hilary umalis na kayo hayaan mo na lang kami tama na ang paninira ninyo."

"Maddie, buksan mo iyan utak mo. Kung dati kaya ko pa tanggapin lahat ng ginagawa ninyo sa akin pero ngayon hindi na. Sana naman isipin ninyo ang kalagayan ko o kung ano ang mararamdaman ko. Ginawa ko ang lahat pero hindi niyo yon pinahalagahan. Ang importante lang sa inyo ay makakain kayo, makasuot ng mga magagarbo at makisalumha sa mga mahaharlika. Tama na rin ang paghihirap na naranasan ko. Alam naman natin na umpisa pa lang alam niyo na kung saan kayo lulugar. Huwag mo akong palabasin na masama inaagaw ko lang naman kung ano ang akin."

"Pero bakit kailangan pati siya agawin mo sa akin? Ang sama mo talaga." Nilingon ko ang taong itinuro niya at dumating na pala si Prinsipe Jv kasama si Prinsipe Kreios.

Behind The Mask [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon