Sa sumunod na araw abala kami ni Esperago Easton sa pagpaplano kay Reyna Eleanor. Unti unti namin pababagsakin ang reyna mula sa palasyo, sa organisayon panbayan at sa ginawa sa mga dukha.
"May sasabihin pala ako sa iyo?" mungkahi ni Esperago Easton
"Ano iyon?"
"Nasa labas ng simbahan si Prinsesa Maddie nais kang kausapin."
Tsk, himala ata napadpad siya rito. Ano na naman kayang problema niya. Pagkalabas ko nakita ko siyang inip na inip na sa paghihintay. Babalik na sana ako sa loob dahil ayoko na pala siyang kausapin, kaya lang nakita niya na rin ako kaagad.
"Bakit ang tagal mo lumabas?Kanina pa ako nagiintay." Inis na tugon niya.
"Anong ginagawa mo rito?"
"Hmmmm. May ibibigay akong imbitasyon. Gusto ko kase nandoon ka sa araw na iyon." Sabay ngiti niya.
Isang papel ang iniabot niya sa akin. Tumingin muna ako sa kaniya bago ko ito tuluyan kuhanin. Tinanggal ko ang pagkakatali nito at nang mabasa ko ang nakalagay roon parang huminto ang mundo ko. Lumakas ang tibok ng puso ko at biglang nanginig ang kamay ko.
"Aasahan kita. Magpapahatid ako ng kasuotan mo nais kong maging maganda ka sa araw na iyon. At bukod doon, huwag ka gagawa ng bagay na ikakagalit ko. Naintindihan mo?" bumalik ang tingin ko sa kaniya at bakas sa mukha niya na sobrang saya niya.
"Bakit?" iyon ang tanging lumabas sa bibig ko. Marami akong gustong sabihin o tanungin pero ewan ko ba ayaw makisama ng boses ko.
"Anong bakit? Hahaha, ay naku Hilary. Ang mahalaga makapunta ka, masaya akong makita ka. Sa totoo lang hindi ako kasama ni ina sa plano niyan palayasin ka. Pero naisip ko unti unti ko nang naabot lahat ng gusto ko simula n'ong mawala ka sa Windsor. Kakalimutan ko na lang lahat ng pinag-awayan natin."
Hanggang sa sumunod na araw na para na lang akong naging tulala. Hanggang ngayon hindi mawala sa isip ko ang nalaman ko kay Maddie. Parang gusto kong tumakbo at bumalik sa Windsor para sabihin na wag na ituloy ang selebrasyon iyon. Kinalma ko muna ang sarili ko at pinag-isipan mabuti kung ano ba talaga ang nararamdaman ko para sa kaniya. Pagkatapos n'ung araw na hinalikan niya ako hindi na kami nagkita.
"Gusto kita...."
"Mahal na Prinsesa," nawala ako sa pag-iisip na dumating si Esperago Easton. Dumako ang tingin ko sa likuran niya.
"Nahuli ko siya hanggang ngayon minamanman ka pa rin niya. Ano ang balak natin sa kaniya?"
Binulong ko kay Esperago Easton ang plano ko para sa lalaking sumira rin ng plano ko. At sisiguraduhin kong matutuwa rito ang reyna.
Hapon, lumabas ako ng simbahan para magpahangin. At nakita ko ang taong hinihintay ko.
"Masaya po akong makita ko kayong muli, Prinsesa Hilary." Pagbati niya sa 'kin.
"Ako rin. Kumusta ang palasyo at si ama?"
"Ang mahal na reyna ay patuloy na namumuno sa organisasyon panbayan. At tungkol sa inyong ama ikinalulungkot ko po lumulubha na ang kanyang karamdaman."
"Ikaw na lang ang taong inaasahan ko na tumingin kay ama sa palasyo. Hayaan mo kapag nabawi ko ang lahat, babayaran kita. Basta ang mahalaga mapabagsak natin ang Reyna." Tumango siya at tumingin sa kahon na dala ko.
"Ano po iyan?"
"Ito ang.....regalong magpapasaya sa mahal na reyna." Sabay ngiti sa kaniya.
"Makakaasa po kayong ibibigay ko iyan sa kaniya."
"Salamat, mag ingat ka."
-----
Kinabukasan agad akong ginising ni Camila. Inaantok pa nga ako eh.
BINABASA MO ANG
Behind The Mask [COMPLETED]
Fantasy[Unedited Version] Highest Ranking: #1 KingandQueen #1 castle #1 book #1 historical #1 liar #1 mask Kaharian, kapangyarihan at trono. Iyan lamang ang mayroon si Hilary ang prinsesa ng Windsor. Subalit mayroon dalawang tao ang aagaw nito at ipagkaka...
![Behind The Mask [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/189828175-64-k264308.jpg)