Chapter 29

484 27 0
                                    

Isang linggo ang lumipas nang makatanggap ang aming palasyo nang pugot na ulo. Nang malaman ito nang reyna lumapit siya sa matataas na tao sa Hagerdon upang mabantayan at padamihin ang kawal sa Windsor. Isang linggo na rin ang nakalipas na hindi pa rin gumagaling si ama. Nagdududa na ako kay Janna at baka may masama silang balak nang reyna kay ama. Kaya naman gagawin ko ang lahat upang mapagaling si ama nang maaga.

"Pakisabihan si Esperago Easton na maghanap nang magaling na doktor. Kailangan mapatingin agad si ama baka kase lumalala na ang kondisyon niya." Wika ko kay Dorothea.

"Sige po, mahal na prinsesa."

"Asa'n nga pala siya bakit wala siya dito sa palasyo?"

"Palagi niya po kasama si Mang Castro ang kanang kamay nang inyong ama. Gumagawa po sila nang plano laban sa mahal na reyna tungkol sa nangyari sa opisyal."

"Bukod doon, may sasabihin pa po ako sa inyo." Dagdag pa niya.

"Ano iyon?"

"Sinabihan po ako ni Linley 'yong tagapagsilbi po nina Prinsipe Jv na imbitado po kayo sa kaarawan nang Prinsipe sa darating na huwebes." Sabi niya na ikinagulat ko.

Imbitado ako?

"Si Maddie, imbitado rin ba siya?"

"Opo, narinig ko po siya kanina habang kausap ang mahal na reyna." Patay, anong gagawin ko.

"Bahala na, sige bumalik kana sa trabaho mo." Pagkalabas niya sa kuwarto ko napatingin ako sa salamin na ibinili ko sa bayan.

Maya maya pagbaba ko nakita ko si Maddie at Euna na naghahalukay nang mga damit. Marahil naghahanda sila sa kaarawan ni Prinsipe Jv. Hindi ko sana sila papansinin nang tawagin ako ni Euna.

"Hilary, baka gusto mo makihalukay sa amin ni Maddie. Alam mo ba na kaarawan na ni Prinsipe Jv sa huwebes at inimbitahan niya kami." Ano naman pake ko?

"Ano naman sa ngayon?" 'di ko talaga maiwasan magtaray.

Napataas ang kilay ni Maddie at binitawan niya ang hawak niyan damit at lumapit sa akin.

"Kahit na inimbitahan ka niya, hindi ako makakapayag na pumunta ka. Ayoko maulit muli na mapahiya siya nang dahil sa iyo."

"Wala naman akong balak na pumunta." Sabi ko na ikinatuwa niya.

"Eh di mabuti, nagkakaintindihan tayo. Hindi ka nababagay na pumunta sa ganoon selebrasyon. Wala naman nagkakainteres sa iyo. Kawawa ka naman, kawawang prinsesa." Bumalik siya sa ginagawa nila ni Euna.

Bumuntong hininga na lang ako at pinabayaan na lamang sila.

At sa paglabas ko nakita ko si Esperago Easton.

"Mag usap tayo sa kuwarto mo may nais akong sabihin."

Pagdating namin sa kuwarto ko may inabot siyang papel sa akin. Agad ko naman ito tiningnan. Isang sulat ni ama na kung saan doon nakapaloob ang mga batas tungkol sa opisyal.

"Anong ibig sabihin nito?" sabay pakita sa kaniya.

"Iyan ang tunay na kopya nang iyon ama tungkol sa mga opisyal. Nakita ko iyan pakalat kalat sa labas sa malamang may inutusan ang mahal na reyna upang itapon iyan at gumawa siya nang sarili at bagong batas." Napakuyom ako sa narinig ko kay Esperago Easton.

Ano ba talaga balak nang reyna na 'yon?

"Isa pa, sa susunod na linggo ipapatapon niya ang mga dukha sa labas nang Hagerdon. At isa pa rin ang mga tao na naninirahan sa Hagerdon ay kailangan magbayad nang buwis sa mga opisyal. Iyon pa lang ang nakalap kong nais gawin nang mahal na reyna." Naupo ako sa kawalan at napatingin kay Esperago Easton.

Behind The Mask [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon