Chapter 22

754 24 1
                                        

Sinamahan ako ni Chase na magsimba sa St. Jago. Nandito rin sina Carter at Camila. Pinatawag ko kase sila dahil may importante kaming pag-uusapan.

Nasa pintuan ako ng simbahan ng lapitan ako ni Camila.

"Maaari po ba kitang makausap?"

"Oo naman."

"Nakikita ko po kase sa inyong mga mata na marami po kayong dinadala na problema. Baka po gusto ninyo na magsabi sa akin baka makatulong po ako," sabi niya na ikinatuwa ko. Napakabait niya at maswerte ako na nakilala ko sila.

"Iniisip ko kung paano ako magwawagi laban sa mga kalaban."

"Kalaban? Anong ibig ninyong sabihin? Ito ba iyong mga kalalakihan lumusob noon?"

Tumango ako. "Oo, at hindi ko alam kung paano ko sila mahuhuli at mapaparusahan. Tsaka, kung sino ang taong nag-utos sa kanila. Ayokong dumating sa punto na mahuli nila ako."

"Nandito naman po kami. Hindi po namin kayo pababayaan."

Nilingon ko siya at nginitian. "Salamat."

Pag-uwi ko sa palasyo naabutan ko ang reyna na may kausap na isang kawal. Subalit nong nakita niya ako pinaalis niya na ito at sa akin siya tumuon.

"Nandito ka na pala?"

"Nasaan si ama?" tanong ko at nilibot ang buong palasyo.

"Wala siya rito, nasa Organisasyon Panbayan. Bakit?"

"Wala naman. May gusto lang ako sabihin sa kanya."

"Hmmm ganoon ba."

"Ah nga pala, iyong kapatid mo si Esperago Piere, ano nga pala ang trabaho niya?" tanong ko sa kaniya.

Nagtaka siya. "Bakit mo naitanong?"

Umiling ako bigla. Tama ba magtanong ako sa kaniya baka mamaya maghinala siya.

"Wala naman. May gusto lang akong siguraduhin," sabi ko na lang.

May isang kawal na pumasok sa loob at lumapit sa reyna. Napansin kong may bitbit siyang isang kahon.

"Ano iyan?" Turo ng reyna sa dala dala nong kawal.

"Nakita ko po ito sa labas ng palasyo sa may hardin. Mukhang may nakapasok at ipinadala ito."

"Akina."

Inabot ng kawal iyong kahon sa reyna at umalis na ito. Ako naman hinihintay na makita ang laman ng kahon. Binuksan niya ito ng mabilisan at natigilan ng tuluyan mabuksan niya ito. May kinuha siyang isang tela na kulay puti at may nakasulat gamit ang dugo.

"Hintayin mo ang pagbabalik ko."

Iyon ang nakasaad sa tela .Nagkatinginan kami ng reyna hanggang lumabas ng kuwarto si Maddie at nakiusyoso na rin.

"Anong ibig sabihin nito?" pagtataka niya.

Tumahimik ako at hinayaan na panoorin silang mag-ina.

"Maaaring may nagbabalik na isang tao na maaari gusto tayong gantihan. Kung sino man siya hindi ko siya uurungan." Bumalik ang reyna sa kuwarto nila ni ama.

"May alam ka ba tungkol dito?" baling sa akin ni Maddie.

"Wala," sabi ko.

Tinaasan niya ako ng kilay at nilapitan. "Bakit mukhang hindi ka ata nagulat nong makita mo itong hawak ni ina?"

"Kailangan ko ba laging magreak kada may nagpapadala sa atin?Siguro naman hindi ata para sa akin iyan, para iyan sa reyna, mukhang may kumakalaban na sa inyo."

Behind The Mask [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon