Chapter 16

910 44 7
                                        

Pagkatapos nang nangyari kanina, sa labas muna ako nag-intay kay Dorothea. Hindi pa kase siya bumabalik simula nong iwan niya ako. Ayoko na rin muna sa loob baka mapahamak na naman ulit ako.

"Pati ba naman dito makikita kita?"

Napalingon ako sa likod ko na makita ko si Prinsipe Jv na sumandal sa isang pader, malapit sa kinatatayuan ko. Akala ko matatakasan ko siya. Mapaglaro nga talaga ang tadhana.

"Binigyan kase ako ni Prinsipe Levi ng imbitasyon sa kanyang kaarawan kaya pumunta ako rito."

"Bakit niya iimbitahin ang isang tagapagsilbi na kagaya mo?" tanong niya na ikinatahimik ko saglit.

"Uhmm..." tumikhim muna ako bago sumagot. "Si Prinsesa Maddie ang pinagdalhan niya pala hehe, subalit hindi siya makakadalo dahil may lakad sila ng kanyang matalik na kaibigan. Kaya ako na lamang ang dumalo kasama ang isa pang tagapagsilbi sa Windsor. Ikaw na rin mismo ang nagsabi na dapat pantay pantay lamang ang pagtingin ng mayayaman o maharlika sa aming tagapagsilbi."

Magsasalita pa sana siya ng biglang dumating si Prinsipe Kreios. Tinignan niya kaming dalawa bago siya magsalita.

"Ikaw ang babaeng nangabayo non sa patimpalak sa Shimada hindi ba?" tanong niya sa akin.

"Ah, oo."

Aalis na lamang sana ako ng magsalita pa siya.

"Akala ko isa kang prinsesa tulad ni Maddie, tagapagsilbi ka pala niya?" tanong niyan muli at parang takang taka siya.

"A-ah mukha lamang akong prinsesa subalit kagaya lamang ako ng mga tao sa taga bayan mahirap at manmang." Tumingin ako kay Jv nang ngumisi ito. Hindi talaga siya naniniwala sa akin. Kailangan ko ata mag-ingat simula ngayon.

Bumalik ako sa pwesto ko at nag-usap ang dalawa. Hanggang marinig ko na pinag-uusapan nila si Maddie.

"Mukhang malakas ang tama sa iyo ni Prinsesa Maddie, ipinagkalat pa niya sa buong Hagerdon na may namamagitan na sa inyong dalawa. Masaya ako para sa iyo," nakangiting wika ni Prinsipe Kreios kay Prinsipe Jv. Tinapik niya pa ito sa kanyang balikat.

"Bakit naniniwala ka? Haka haka niya lamang iyon."

"Ibig sabihin wala talaga kayo?" tanong ni Prinsipe Kreios at pati ako ay nagulat.

Ibig sabihin wala talagang namamagitan sa kanila ni Maddie. Siya pala ilusyunada sa amin dalawa. Tsk tsk. Nagsisinungaling lamang siya.

"Nandito lang pala kayo. Kanina ko pa kayo hinahanap." Sulpot ni Prinsipe Levi at kasama si Dorothea.

Tumabi siya sa akin at tinanong ko siya bakit ang tagal niya. Sumama raw ang kanyang tiyan kaya hindi siya nakabalik kaagad.

"Maghahantingabi na gusto niyo ba ihatid ko kayo?" alok ni Prinsipe Levi sa amin ni Dorothea.

Umiling ako. "Huwag na lamang masama para isang taong may kaarawan ang gumala sa labas. Magpapahatid na lamang kami kay Esperago Easton."

"Maaari ko bang malaman kung bakit nakatakip ang mukha mo?" tanong bigla sa akin ni Prinsipe Kreios. Hanggang ngayon may gusto pala siyang malaman sa akin.

Sandali kanina nasa malayo lamang sila tapos ngayon nandito na.

Nagkatinginan tuloy kami nina Prinsipe levi, Dorothea at Prinsipe Jv.

"A-"

"May nakakahawa siyang sakit kaya kailangan niyan takpan ang kanyang mukha." Pagputol ni Prinsipe Levi sa aking sasabihin.

Sinamaan ko ng tingin si Prinsipe jv nong ngumisi siyang muli. Palibahasa nakita na niya ang mukha ko at alam na niyan nagsisinungaling ako.

"Maaari ko bang malaman kung ano ang pangalan mo?" tanong pa ulit ni Prinsipe Kreios.

Behind The Mask [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon