Pagbaba ko nang kuwarto naabutan ko ang reyna na may kausap na isang babae. Hindi ko na lang pinansin at dumiretso ako sa kusina upang uminom. Nandoon si Dorothea nakaupo at naghihiwa nang gulay.
"Nakita mo ba si Esperago Easton?" tanong ko sa kanya.
"Umalis po siya, mamaya maya babalik din po siya sa palasyo."
Umupo ako sa harap ni Dorothea at umalumbaba. "Sino nga pala ang kausap nang reyna?"
"Hindi niyo po alam? Siya po ang magiging tagapag-alaga nang inyong ama. Kinuha po siya nang reyna."
Nagulat ako sa sinabi niya. "Anong sinabi mo?"
Tila napaisip ako at natigilan sa sinabi niya. Kumuha siya nang bagong tagapagsilbi para kay ama. Akala ko ba kaya nilang alagaan ni Maddie si ama. Ibang klase. Tumayo ako agad at iniwan muna si Dorothea. Bumalik ako sa sala at magkausap pa rin iyong reyna at iyong babaeng tagapagsilbi. Lumapit ako sa kanila at tumikhim, sabay naman silang napatingin sa akin.
"Hindi mo ba siya ipapakilala sa akin? Hindi ka man lang nagsasabi na magdagdag ka nang tagapagsilbi," tugon ko sa reyna.
"Bakit ko pa kailangan ipaalam sa iyo. Siya si Janna, magiging tagapagsilbi nang iyong ama. Dahil magiging abala ako sa rganisasyon siya na ang bahala sa iyong ama."
Ngumisi ako. "Akala ko ba handa kayong alagaan si ama? Si Maddie, nandito lang naman siya sa bahay palasyo. At ako, handa akong alagaan siya hindi muna kailangan kumuha pa nang bagong tagapagsilbi."
"Alam mo huwag ka nang tumutol, si Maddie palagi siyang umaalis sa palasyo at ikaw palagi ka rin umaalis. Bilang reyna at asawa nang iyong ama gusto ko lamang siya gumaling agad. Iyon din naman ang gusto mo hindi ba? Magtulungan na lang tayo."
Napatingin ako sa babaeng nasa tabi niya. Mukha itong taga bayan at hindi ko gusto ang kanyang pagtingin sa akin. May kakaiba talaga sa kanila.
"Marami tayong tagapagsilbi, anong silbi nila para alagaan si ama. Si Dorothea, siya na lang mag-aalaga kay ama. Hindi ko rin naman kailangan nang isang tagapagsilbi. Hindi kase ako panatag na may ibang tao at hindi ko kilala na mag-aalaga kay ama. Hindi kase ako nagtitiwala sa iyo." Sabay alis sa harap nila.
Habang nakahiga ako at nagbabasa nang libro pumasok si Dorothea sa kuwarto.
"Nasa baba po ang isang opisyal nang inyong ama hinahanap po kayo."
Napabangon ako agad at binaba ang librong hawak ko.
"Nasaan ang reyna?"
"Umalis na po siya kanina pa."
Bumaba ako at nakita ko siyang nasa labas nang palasyo. Nakatalikod ito sa akin kaya hindi ko alam kung sino siya. Unti unti akong naglakad papalapit sa kanya.
"Hinahanap niyo po ako?"
Humarap na siya sa akin at gulat ang kanyang reaksyon nang makita ako. Naalala ko na siya, siya iyong lalaking kausap nong reyna na tinatanong kung nasaan na ako. Anong ginagawa niya rito?
"Sabi na nga ba buhay ka at nandito ka lang. Walang hiya talaga ang reyna na iyon sinabi niya sa akin dati na pinalayas ka na niya dito dahil makasalanan ang iyong ina. Alam ko naman hindi papayag ang iyong ama. Masaya akong makita ka Prinsesa Hilary."
Ayoko sana umamin subalit ano pa ang lusot ang magagawa ko.
"Ano pong kailangan ninyo sa akin?"
"Maaari ba kitang maimbitahan sa aking bahay, hindi kase tayo maaaring mag-usap dito baka may makakita sa atin."
Mukhang importante ang sasabihin niya, kaya nagpaalam ako kay Dorothea na aalis muna. Sumama ako sa kanya at naglakad papunta sa bahay niya.
Pinapasok niya ako sa simple niyan bahay. Pinaupo at hinandaan nang pagkain.
BINABASA MO ANG
Behind The Mask [COMPLETED]
Fantasy[Unedited Version] Highest Ranking: #1 KingandQueen #1 castle #1 book #1 historical #1 liar #1 mask Kaharian, kapangyarihan at trono. Iyan lamang ang mayroon si Hilary ang prinsesa ng Windsor. Subalit mayroon dalawang tao ang aagaw nito at ipagkaka...