Habang naglalakad sila sa maraming tao hindi ko mapigilan malungkot dahil ako dapat ang nasa lugar ni Maddie at hindi siya. Naiinis ako sa sarili ko dahil hinayaan kong takpan ni Maddie ang pagkatao ko. Pero hahayaan ko na lamang iyon, alam kong darating ang araw na malalaman nila na ako ang karapat dapat sa puwesto niya.
Inabot kami nang halos isang oras sa panonood. Pagkatapos non gumawi naman kami sa isang bahay palasyo upang kumain. Katabi ko si Chryses at sa kabila naman si Dorothea, si Prinsipe Levi katabi ni Dorothea sa kabila.
"Bakit hindi ka kumakain hindi mo ba gusto ang pagkain?" puna sa akin ni Chryses.
"Masama lang ang pakiramdam ko. Pupunta lamang ako sa palikuran," paalam ko sa kanya.
Tumayo ako at naglakad papuntang palikuran. Nadaanan ko sina Maddie at Prinsipe Jv na nag-uusap. Nakatingin lamang ako sa kanila at napaiwas nang tingin nang dumako ang mga mata ni Prinsipe Jv sa akin. Pumasok na at nagtagal nang ilan segundo. Wala ako sa wisyo ngayon at hindi ko na maintindihan ang aking sarili.
Paglabas ko biglaan may humatak sa akin at lumabas kami nang bahay palasyo.
"Bakit ka pumayag?" tanong niya sa akin.
Yumuko ako at sumimangot. Narinig ko naman siyang ngumisi kaya tumingin ako sa kanya.
"Bakit hinayaan mo si Maddie na pumarada? Mukhang hindi ka kase sang ayon sa nangyari."
Napansin pala niya.
"Kung hindi ko iyon gagawin malalaman nang lahat at nang mga lalaking gusto akong hulihin na ako ang tunay na prinsesa. Pinagtakpan ko lang ang sarili ko. Mas maganda nang nag-iingat, alam kong darating ang oras na kailangan ko pasalamatan si Maddie sa pagtakpan niya sa akin sa pagkatao ko."
"Tsk, talaga? Masyado mong nilulubog ang sarili mo sa pagtatago. Bigyan mo naman ang sarili mo nang kalayaan kahit isang beses lang." Tinalikuran niya na ako at napairap ako sa kawalan.
Ginagawa ko iyon para sa kaligtasan ko. Bahala nga siya.
Nagkaroon pa nang palaro sa bahay palasyo at nakaupo lamang ako sa gilid kasama sina Dorothea at Chryses. Si Prinsipe Levi kase ay umalis saglit. May mga bata na nasa gitna at masaya silang naglalaro. Mas sumaya sila nang malamang may premyo sila galing kay Ministro Gio.
Masaya ako na pinapanood ang mga bata. Ang sasaya nila tingnan at nakakahawa ang mga emosyon kanilang pinapakita. Pagkatapos nang laro ay tumayo si Ministro Gio at nagsalita sa harapan.
"Gusto ko magpasalamat sa inyong pagdalo dito sa aming palasyo. Hangad ko ang inyong kasiyahan ngayon araw at sana ay busog kayong makakauwi. Bago ang lahat magkakaroon tayo ng isang espesyal na mensahe mula sa prinsipe ng Cheneley na si Prinsipe Jv."
Tumayo si Prinsipe Jv at tumabi kay Ministro Gio. Nagsalita siya at pinakinggan naman ito ng lahat.
Nakita ko naman nakabalik na si Prinsipe Levi at napatuon ang tingin kay Prinsipe Jv. Habang abala ang lahat sa kanya ay may napansin akong isang tao sa pangalawang palapag. Hindi ko masyadong maaninag dahil mabilis ang kanyang pag galaw. Pero alam kong nakita ko iyon.
"Sandali lang Dorothea, may pupuntahan lang ako," biglang paalam ko kay Dorothea.
Hindi ko na hinintay ang isasagot niya, tumayo na ako at pinuntahan ang lalaking nakita ko. Napatingin pa nga ako ulit sa baba na magpalaro muli si Ministrio Gio. Naririnig ko ang masasayang mga tinig ng mga bata.
Nang makaakyat na ako ay hinanap ko naman kung saan siya lumusot. May dalawa kase itong daan, sa mga kuwarto at sa silid aklatan. Tila napaisip ako kung saan ako tutuloy.
Bahala na. Hinakbang ko na ang mga paa ko at dahan dahan na lumalakad. Subalit napahinto ako kaagad na parang may naapakan akong kakaiba. Hindi maganda ang pakiramdam ko. Dahan dahan bumaba ang pagtingin ko sa inaapakan ko. Ngunit huli nang bigla itong bumukas at napasigaw ako dahil alam kong mahuhulog ako.
Subalit ang takot at kaba na naramdama ko ay nawala nang may mabilis na kamay na humawak ng bewang at binti ko upang buhatin. Kabang kaba at ang lakas ng tibok ng puso ko. Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin kay Prinsipe Jv.
Bakit siya nandito? Sinusundan niya ba ako?
"Iisipin ko na lang na anak ka ng kamalasan. Ilang kamalasan pa ba ang dadanasin mo kapag magkasama tayo?"
Hindi ko pinansin ang sinabi niya.
"Anong nangyayari?"
Napalingon si Prinsipe Jv sa taong nagsalita. Pinilit kong makita ang taong iyon, ngunit bigla ako nagsisi na si Maddie iyon.
"Ibaba muna ako," turan ko kay Prinsipe Jv.
Sinunod niya naman ako at nang makababa ay inayos ko ang aking kasuotan.
"Hinahanap ko kase si Euna dito rin kase siya pumunta. Hindi ko akalain na nandito rin pala kayo. Ehem." Tumingin sa akin si Maddie. "Ikaw naman huwag kang lalayo sa akin. Gusto ko nakikita kita ng mga mata ko. Mauna na ako."
Umalis na si Maddie at tumalikod ako upang tingnan ang nasa sahig. Kung hindi ako agad nailigtas ni Prinsipe Jv sa malamang ay nahulog na ako at ito ang magiging dahilan ng kamatayan ko. Sino ba naman kase ang nagpindot upang bumukas ang sahig na inaapakan ko. Hindi siya ordinaryong sahig. Gawa siya sa kahoy. Ang pagkakaalam ko ang naapakan ko ay sikretong daanan kung nais mong magtago o lumusot para tumakas.
"Bakit ka nga pala nandito? Huwag mong sabihin na sinusundan mo ako?" Paglingon ko kay Prinsipe Jv.
"Bakit naman kita susundan? May nakita akong isang tao na naglalakad dito. Sinundan ko siya at siya ang pumindot kaya muntik ka na mahulog. Imbis na habulin siya para malamang kung sino siya ay ikaw pa ang una kong pinuntahan."
Napataas ang isa kong kilay. "Bakit parang kasalanan ko pa? Hindi ako tanga, may sinusundan din ako."
Mag gagabi na nang makabalik kami sa palasyo. Magkakasama kami nina Maddie at Dorothea. Tumigil ako sa paglakad at alam ni Dorothea na kakausapin ako ni Maddie tungkol kay Prinsipe Jv kaya hinarap ko na siya.
"Huwag kang magsaya sa nangyari kanina. Makakabawi rin ako at sana naman matuto kang lumugar masyado ka kaseng umeeksena. Hindi ba alam mo naman may namamagitan sa amin ni Prinsipe Jv ibig sabihin alam mo kung saan ka lulugar. Huwag kang mang akin nang hindi sa iyo. Walang sinoman ang magmamahal sa iyo," sabi niya.
"Ang sakit mo naman magsalita. Una, hindi ako masaya ngayon. Bakit ako magsasaya wala naman dahilan hindi ba? Ilan beses ko bang sasabihin sa iyo na wala akong pagtingin sa prinsipeng nais mo. At isa pa huwag mo ko lokohin sa kasinungalingan mo. Walang kayo ni Prinsipe Jv. Dabi na nga umpisa pa lang ilusyunada ka na. Ikaw lang ang nagmamahal sa kanya pag itinuloy mo iyan lalo ka lang masasaktan. Bahala ka." Mabilis akong umakyat sa kuwarto. Ang sarap niya talagang asarin.
Pagbukas ko nang pintuan nagtaka ako nang makita ko si Esperago Easton na nakaupo sa aking kama.
"Anong sadya mo?" bungad ko sa kaniya.
"Ikaw ang sadya ko, kaya ako nandito."
"Bakit? Anong meron?" Lumapit ako sa kaniya.
"Masamang balita."
"Paanong masama?" Umupo na ako sa tabi niya.
"Gaya nang sinabi mo palihim kong minanmanan ang mahal na reyna. Masamang balita dahil nalaman ko na ibabagsak niya ang mga mababang uri nang opisyal, ipapalayas ang mga dukha sa Hagerdon at babawasan ang mga pamilihan. Isa pa, kailangan magbayad nang salapi ang mga mahaharlika na kagaya ninyo sa mga opisyal dahil naghihirap sila magtrabaho sa buong Hagerdon. Siguro ang magandang ideya lamang ang nasabi niya ay iyon pagdagdag nang mga kawal sa palasyong ito dahil may natatanggap tayong mga hindi magandang regalo."
Natahimik ako at hindi ko akalain iyon ang magagawa niya sa Organisasyon Panbayan. Imbes na pagandahin niya ito upang maging maayos ang Hagerdon pinalala niya lamang ito. Kapag nalaman ito ni ama panigurado palalayasin siya sa palasyong ito. Pero kung magsusumbong ako wala akong sapat na ebidensya kaya pagbibigyan ko na lamang muna ang reyna sa kanyang ginagawa. Gagawa ako nang paraan upang mahuli siya at makakuha nang ebidensya.
BINABASA MO ANG
Behind The Mask [COMPLETED]
Fantasy[Unedited Version] Highest Ranking: #1 KingandQueen #1 castle #1 book #1 historical #1 liar #1 mask Kaharian, kapangyarihan at trono. Iyan lamang ang mayroon si Hilary ang prinsesa ng Windsor. Subalit mayroon dalawang tao ang aagaw nito at ipagkaka...