Isang oras na simula nang pumunta ako sa bayan. At 'di ko pa rin makita ni anino ni Isiro. Balak ko na sana umalis at uuwi na lamang sa palasyo nang may humawak nang aking kamay at hinila kung saan. Magpupumiglas sana ako nang magsalita ito.
"Paumanhin, kung matagal kitang pinagintay."
Lakad lang kami nang lakad at 'di ko alam kung saan niya ako dadalhin. Huminto kami sa isang kainan at doon kami umupo. Binaba niya ang sumbrerong nasa ulunan niya at ngumiti sa akin.
"Masaya ako na nagkita tayong muli, Prinsesa Hilary." Sabi niya habang nakangiti.
"I-ikaw na ba iyan Isiro?" Sinipat ko siya at medyo nagugulat pa. Ang laki na nang pinagbago niya, dati kase maliit siya at gusgusin. Ngunit ngayon matangkad na, malaki ang pangangatawan at mas lalo s'yang gumwapo. Ibang iba na siya kumpara rati. Naalala ko dati kaya kami nagkahiwalay dahil kinuha siya nang totoong ama niya at inilayo sa Hagerdon.
"Ako nga ang laki na nang pinagbago mo. Lalo kang gumanda." Natawa naman ako sa sobrang hiya.
"Huwag muna ako bolahin pa. Kumusta kana? Saan ka ngayon nakatira?" tanong ko.
"Maayos ang lagay ko ngayon kahit papaano. Sa tiyuhin ko ako namamalagi sa labas nang Hagerdon."
"Nabanggit sa akin ni Dorothea na hindi ka maaaring magpakita rito dahil nakagawa ka raw nang isang kasalanan. Anong ibig sabihin no'n?"
Luminga linga muna siya sa paligid at bumungtong hininga bago sumagot.
"Tama siya sinabi ko sa kanya iyon. Pinatay ko ang isang kasamahan sa matataas na mahaharlika, kaya ko lang iyon nagawa dahil pinaghigantihan ko lamang ang aking ama. Matagal na s'yang naninilbihan sa mga mahaharlika pagkatapos pinagbintangan siyang nagnakaw nang malaking salapi. Kaya nang hindi umamin ang aking ama at 'di maisuli ang ninakaw niya pinatay siya ng mga mahaharlika. Hindi ko tanggap ang ginawa nila kaya sumugod ako roon at nagkainitan hanggang sa may mapatay ako." Pagsasalaysay niya
"Ganoon ba, ngunit totoo nga bang nagnakaw ang iyon ama?"
Umiling siya at hinawakan ang aking kamay. "Kung sakali man nagnakaw siya eh 'di sana mayaman na kami ngayon at lumayo nang lumayo. Hindi iyon magagawa ni ama sila sila na nga lang ang naroon at kumukupit nang buwis dinamay pa nila ang aking ama. Masama ang loob ko at galit na galit ako sa kanila." Ako naman ang humawak sa kamay niya.
"Huwag kang mag aalala makukuha mo rin ang hustisya. Kaya ka ba tumuloy muna sa iyon tiyuhin?" tumango siya bilang sagot.
Kumain muna ako bago ituloy ang paguusap, nakaramdam kase kami nang gutom. Masaya ako na makita siyang maayos kahit na may malaki siyang dinadala. Parehas lang pala kami ng tadhana na pinagbintangan ang aming mga magulang. At eto nagtatago sa kasalukuyan dahil sa kasalanan na hindi naman ginawa.
"Ikaw kumusta kana? Ang iyong ina hanggang ngayon ba nasa Fort Apollonia pa rin ba siya?"
"Wala na, matagal ko na siyang inilabas roon at idinala sa Royal sa amin kamag anak. Maraming salamat sa iyon pag tulong Isiro." May alam din siya tungkol sa aking ina tinulungan niya akong ikulong si ina sa fort appollonia upang mabuhay muli.
"Walang anuman. Wala naman magtutulungan kundi tayo tayo lamang."
"Siya nga pala, iyong mga sulat na ipinadala mo sa akin para saan ba iyon?" bigla siyang yumuko at parang nahiya.
"W-wag muna pansinin iyon. Siya nga rin pala paano ka nakalabas sa palasyo?pinapayagan ka na nang mahal na reyna?"
"Tumakas ako," deretso kong sagot.
"Ibig mong sabihin hindi alam nang mahal na reyna na lalabas ka ngayon?"
"Oo, huwag kang mag aalala pinagbilin ko naman ito kay Dorothea."
BINABASA MO ANG
Behind The Mask [COMPLETED]
Fantasy[Unedited Version] Highest Ranking: #1 KingandQueen #1 castle #1 book #1 historical #1 liar #1 mask Kaharian, kapangyarihan at trono. Iyan lamang ang mayroon si Hilary ang prinsesa ng Windsor. Subalit mayroon dalawang tao ang aagaw nito at ipagkaka...
![Behind The Mask [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/189828175-64-k264308.jpg)